Mariposa Solandis Punto De Vista
"Ang lamig"napayakap kaagad ako saaking sarili nang humampas sa katawan ko ang lamig ng simoy ng hangin pagkarating namin rito sa dalampasigan.Lugar,kung saan siya nagtapat saakin ng gabing iyon.Hindi naman ganoon kalakas ang ihip ng hangin ngunit nagagawa parin nitong liparin ang laylayan ng aking bestisa pati na ang kulot kong buhok.
"Nilalamig ka ba,Mahal?"bakas ang pag-aalala sa tono ng pagkakatanong niya saakin.
"Medyo,Mahal."tugon ko.Gabi na kasi kaya malamig na ang simoy ng hangin rito sa dalampasigan."Pero ayos lang ako,Mahal.Wag kang mag-alala."
"Pasensya na kung nakalimutan kong magdala ng jacket,Mahal.Ito nalang siguro..."at isa isang inalis ang butones ng kanyang longsleeve na polo't hinubad ito dahilan oara tumambad naman muli saakin ang paru parong tattoo niya sa kabilang dibdib,napangiti nalamang akom
"P-pano ka,Mahal?"ako na tuloy itong nag-alala sakanya dahil wala na siyang saplot pantaas.Paniguradong lalamigin rin siya.
"Mas prayoridad kita,Mahal."aniya habang isinusuot saakin ang polo niya.Maayos niya itong ipinatong saakin mga balikat.
"Salamat,Mahal."may ngiti sa labing wika ko.
Ngumiti siya't hinawakan ang magkabilang pisnge ko."Para sa paru paru ko,isasantabi ko ang sarili ko.You're my always top priority,Mahal."sabay dampi ng halik sa labi ko.
Inaya ko siyang maupo sa buhangin paharap sa karagatan,ayaw niya sana dahil raw madudumihan ang bestida ko pero dahil sa pagpipilit ko ay pumayag nalqng siya sa huli.Napapagitnaan ako ng mga hita niya,habang nakukulong naman ako ng makikisig niyang mga braso at nakahandig naman ang likod sakanyang katawan at ang ulo ko naman ay nakahandig sakanyang balikat,magkasama naming pinagmamasdan ang bilog at maliwanag na buwan na rumerepleka sa dagat."Malinaw pa sa isip ko iyong gabing nagtapat ka saakin,Mahal.Dito iyon nangyare,hindi ba?isa iyon sa napakagandang gabing nangyare sa buhay ko dahil ang lalakeng hinahangaan ko ng sobra ay hindi ko akalaing may nararamdaman rin pala saakin."Paninimula ko at ibinaling ang ulo't paningin sakanya.Hindi mawala wala ang ngiti sa labi ko habang sinasabi ang mga iyon at inaalala ang gabing iyon.Kung noon ay nahihiya pa akong magtapat ng mga nararamdaman ko sakanya,ngayon ay hindi na.Isa pa sa rason ko kung ba't hinding hindi ko makakalimutan iyong gabing nagtapat siya saakin ay dahil iyon ang pinakaunang beses na naglapat ang labi namin.
"Sobra akong nahirapan ng gabing 'yon na magtapat sayo,Mahal.Punong puno ng kaba at takot ang dibdib ko no'n.Hindi ko alam kung paano o saan ako magsisimula.Natatakot rin ako sa magiging sagot at reaksyon mo.Ngunit may parte sa puso ko na tinutulak na akong umamin at sa parehong oras ay parte rin sa isip ko na pinapag-alala ako na kapag hindi pa ako umamin sayo,baka maagaw ka na ng iba saakin.Nataranta ako kaya imbes na magtapat na kaagad ako sayo bagkus ay hinalikan kita."
"Nagulat ako sa ginawa mong 'yon,Mahal.Ngunit mas nabigla ako nung magtapat ka na saakin.Tumatalon ang puso ko sa sobrang saya at kilig ng gabing 'yon.Ngunit may parte saakin na parang nag-aalangan na paniwalaan ka,inisip ko kasi na baka pinagti-tripan mo lang ako at pinaglalaruan.Iyon ang naging dahilan kung ba't kita inawasan,Mahal."
"Ang buong akala ko no'n ayaw mo saakin kaya iniwasan mo ako.Sobra akong nasaktan ng mga araw na'yon na halos ay hindi na ako makapag-isip ng tama at masiraan na ako ng ulo dahil kahit ano ano ng pinaggagagawa ko.Gustong gusto talaga kita,gabi gabi ay nag iisip na kaagad ako kung anong pwedeng gawin para makalapit ulit sayo nang sa-ganon ay unti unti na akong mapalapit sa'yo.Nakakatawa nga dahil nung una ay dinededma mo lang ako,sa tuwing ngingitian kasi kita ay inaalisan mo kaagad ako ng tingin ng hindi ako nginingitian pabalik.Iyon ang pinakaunang beses na nasabi ko sa sarili ko na napaka-panget kong lalake dahil nagawa lang akong dedmahin ng babaeng gusto ko.Kakaibang kilig rin ang idinudulot ng bawat pagtitig mo saakin sa sistema ko.Akala mo ba hindi ko nahahalata ang pamumula ng pisnge mo sa tuwing nahuhuli kitang nakatitig saakin?ang ganda ganda mo kapag nagugulat,kinikilig na lamang ako."
YOU ARE READING
Chasing Butterfly(Señorito Series One)
RomanceLaviente Dragomir Grei,The first son of Don Leonhart Ephraime Grei.Mahal mo kaya kahit na alam mong Mali,Bawal,may masasaktan,magagalit,masisira't maaaring gulo ang kahihinatnan ay heto ka't pilit parin siyang ipinaglalaban.Mahal mo kaya balewala sa...