Señorito 48

2.6K 54 1
                                    

"Hayop ka,Darcio!Hayop ka!"

Hindi ko mapigilang maibuhos ang galit ko dito sa punching bag.Kanina ko pa ito pinagsususuntok dahil sa umaalab na galit na nararamdaman ko,masakit at mahapdi man ang sugat ko sa balikat ay nababalewala ko ito dahil sa sobrang galit.Tagaktak na ng pawis ang noo't katawan ko,maging ang buhok ko ay basang basa na ng pawis,mabibigat at mabibilis narin ang paghinga ko dahil kanina ko pa pinapaulanan ng suntok itong punching bag na nasa harapan ko.Dito ko ibinubuhos ang galit ko kay Darcio.

Ilang saglit pa'y napagpasyahan ko ng alisin ang boxing gloves ko't basta nalang itong itinapon sa sahig.Pabagsak akong naupo sa pabilog na couch saka sinimulang bendahan ang mga palad ko.Habang nasa kalagitnaan ako ng pagbebenda ng kamay ko ay muling sumalpak sa isip ko ang mga nangyare kagabi,maging ang paghalik ni Darcio kay Mariposa ay muli ko ngayong naaalala,paulit ulit itong sumasagi sa isip ko,ilang baso na nga't bote ng alak ang nabasag ko dahil dito.Kung makaasta siya ay parang pag-aari niya talaga si Mariposa.

Alam kong may dahilan si Mariposa kaya niya ginagawa ito.Nasisisguro kong Mahal niya parin ako,kung paano niya ako titigan kanina ay wala paring pinag-iba sa kung paano niya ako titigan noon.Umigting ang panga ko kasabay ng pagkiyom ng mga kamao na ngayon ay pareho ng may benda.Hangga't nabubuhay ako,hinding hindi magiging sa'yo si Mariposa,Darcio.

Talassia Thalia Belladonna Punto De Vista

Hanggang sa pagsapit ng umaga ay mainit parin ang ulo ni Mommy dahil sa nangyare sa kaarawan niya kagabi.Ramdam na ramdam ko ang kumukulong dugo niya sa galit dahil sa ginawa ni Mariposa.Nagwawala siya kagabi sa sobrang panggigigil at galit niya kay Mariposa,pahiyang pahiya siya at sirang sira na ang pagkatao niya sa mga kakilala't kaibigan niya,pati na sa mga umiiidolo sakanya at siya ngayon ang numero unong pinag uusapan sa Social Media.Binabatikos na siya ngayon ng mga tao,maging sa kompanya namin ay pinag uusapan siya.Wala narin kaming kasiguraduhan kung tatagal pa ba siya sa pagmomodelo sa ibang bansa dahil sa mga nagkalat na baho tungkol sakanya.

Naaawa ako kay Mommy ngunit hindi ko magawang magalit sa kaibigan ko dahil naiintindihan ko kung bakit nagawa niya iyon.Totoo nga talaga ang karma,siguro ay karma na ito kay Mommy.Hindi lang naman kasi si Mariposa itong naaapi niya't nalalait,ngunit dahil sa takot ang mga taong iyon kay Mommy kaya hindi sila nagkaroon ng lakas ng loob na kalabanin si Mommy.Kung nakikinig lang saakin si Mommy hindi sana ito mangyayare sakanya.Hindi naman mahirap maging mabait,ang mahirap ay iyong maging masama sa kapwa,dahil hindi natin alam kung anong karma ang darating saatin.Hindi pinapalampas ng diyos ang mga taong masasama ang pakikitungo sa kapwa,lalo na iyong mga taong matapobre,nanlalait at nang-aapi.

Kailanman hindi naging basura sa paningin ko ang mga taong mahihirap,hindi sila karapat dapat tawaging hampas lupa.Hindi ibig sabihin na mayaman ka,pwede ka ng mang-apak ng mahihirap.Naniniwala ako sa kasabihang tables turn.Hindi habang buhay ay nakakaangat ka,darating din yung araw na mapupunta ka sa isang mahirap na sitwasyon na hindi mo pa nararanasan lalo na kapag nang-aapak ka ng tao.Isipin mo kung gaano kahirap ang mga trabahong pinapasok nila para lang may makain,may ma-ipang bayad sa mga utang,makabili ng mga kailangan at may ma-ipanggastos sa araw araw na pangangailangan,tapos tatawagin mo lang silang hampas lupa't basura?Kung tutuusin nga ay kahanga hanga sila dahil sa kabila ng kahirapang dinaranas nila ay matapang nila itong hinaharap,isa silang matapang na tao.

Kaya aminado ko na may galit akong nararamdaman kay Mommy dahil sa kung paano niya pakitunguhan ang mahihirap na tao,hindi ko alam kung gano'n ba siya pinalaki nila Lola't lolo,ngunit mababait naman sila ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ganito ang ugali ni Mommy,siguro ay dahil ito sa mga masasakit na nakaraan niya.Hinihiling ko na sana dumating na yung araw na magbago na si Mommy,na magka-ayos narin sila ni tiya amora at maging maayos na ang lahat.Kahit kasi ako ay nahihirapan sa mga nangyayare ngayon,lalo na kay Mariposa.Naaawa ako sakanya,sakanilang dalawa ng Señorito Dragomir.

Chasing Butterfly(Señorito Series One)Where stories live. Discover now