Señorito 57

2.2K 40 0
                                    

Kinabukasan,Pagkagising na pagkagising ko ay nadatnan ko na kaagad si Dragomir sa kusina,abalang nagluluto.Sabay ulit kaming nag-almusal,siya ulit itong naghugas at nag ayos sa lamesa habang ako ay naligo na't nag ayos ng sarili.Tutuparin ko ang ipinangako ko kay nanay na babalik ulit ako,kaya heto ako't naghahanda na papunta do'n.Pumayag naman si Ama at nagpadala pa nga siya ng isang basket na prutas para kila Nanay at Diegho.Habang nasa byahe kami papunta do'n ay naisip ni Dragomir na dumaan sa isang Grocery store para bumili ng ipapasalubong kila Nanay,tatanggi na sana ako ngunit tulad ng dati ay nagpumilit siya.Dalawang paper bag na punong puno ng iba't ibang pagkain ang bitbit ng tig isa niyang kamay,bumaba naman ako para tulungan siya sa pagbukas ng pinto ng jeep owner niya.Tuwang tuwa naman si Nanay pagkakita saakin,tulad kahapon ay si Dragomir naman itong nagpumilit na magluto ng tanghalian,pati gabihan ay siya pa itong nag presintang mag luto.Tinulingan ko naman siya sa pag-aayos at paglilinis.

Gabi na,nasa kalagitnaan kami ng byahe pauwi sa Mansion nang biglang tumunog ang telepono ni Dragomir.Nakatuon parin ang paningin niya sa daan habang nagmamaneho nang sagutin niya ang tawag."What?!"iyon kaagad ang naging reaksyon niya dahilan para mapalingon ako sakanya."Pupunta kami diyan."at pinatay na ang tawag.

"B-bakit,Mahal?anong problema?"nag-aalala at nababahalang tanong ko.

"Tumawag sa'kin ang mga kaibigan ni Darcio,nagwawala raw si Darcio sa barcode."namomroblemang aniya.

"Kung gano'n puntahan na natin siya."saad ko.

Nagpakawala siya ng buntong hininga."Ihahatid nguna kita pauwi."aniya.

"Wag na"tanggi ko."mas mabuti kung ang kapatid mo ang asikasuhin mo.Baka mapaaway siya kapag hindi pa siya naawat."kahit ako kasi ay nag-aalala para sa kapatid niya.

"Ayos lang ba sa'yo kung pabilisin ko ang takbo ng cotse,Mahal?"

Ngumiti ako."Ayos lang,Mahal.May tiwala naman ako sayo."

"Salamat,Mahal."sabay ngiti at dinampian ng halik ang labi ko.

Pinabilis niya ang pagpapatakbo ng cotse.Ngunit halata sakanya na para bang nag-aalanganin siyang paharurutin ito ng mabilis dahil sakay niya ako.Maya maya pa'y nakarating na rin kami sa barcode,saktong pagbaba namin ay bigla kong naalala iyong gabing pumunta ako rito dahil nagwawala si Dragomir at ako ang hinahanap.

"Mas mabuti kung sa loob ka nalang ng cotse,maraming lalake sa loob.Baka bastusin ka pa."pigil niya saakin.Naiintindihan ko naman na concern lang siya saakin kaya gusto niya na manatili nalang ako sa loob ng cotse.

"Hindi na,Mahal.Sasamahan na kita."

"P-pero,Mahal-"

"Sasamahan na kita,Mahal.Hindi mapapanatag ang loob ko kung mananatili ako rito,papasok at papasok lang ako."pagmamatigas ko.

Nagpakawala siya ng buntong hininga saka hinawakan ang kabilang kamay ko."Basta wag ka lang bibitaw saakin."

Tumango tango ako."Promise,Mahal."

Hindi niya binitawan ang kamay ko hanggang sa makapasok na kami sa loob,mas lalo namang humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko nang pagkapasok namin ay tumambad mga kalalakihan.Nakaramdam ako ng kaba nang mapunta ang atensyon nila saakin,iyong paraan kasi ng pagtitig nila ay masyadong hindi komportable para sa isang babae tulad ko,sabayan pa ng mga ngisi nila.Pinilit ko nalang na balewalain sila.

"I want her!...I want her!...I really fucking want her!"

Iyon ang paulit ulit na isinisigaw ni Darcio habang binabalibag ang bawat madampot niyang bote at mga baso na nakaibabaw sa lamesa.Umaalingawngaw ang ingay ng bawat baso't boteng nababasag.Hindi siya maawat ng mga kaibigan niya,marami-rami narin ang naaagaw niyang atensyon.

Chasing Butterfly(Señorito Series One)Where stories live. Discover now