Tanghali na ngunit nangangalahati palang ako.Kalahati palang ng shelf ang nalalagyan ko ng libro,may isa pa ngang shelf na wala pang nakalagay na ni-isang libro.Sa dami ng librong ito,hindi na ako magtataka kung aabutin man ako hanggang bukas dito.Nahihilo na ako't nanghihina sa sobrang gutom,kaya dinadahan dahan ko sa paggawa't baka matumba na nanaman ako at mahulog sa hagdan.Minsan ay napapaikit pa ako ng mariin kapag pakiramdam ko'y umiikot ako,nagrereklamo narin ang tiyan ko dahil kanina pa ito kumukulo.Ngunit kailangan ko pang tapusin ito bago makakain,kaya sa kabila ng mga nararamdaman ay pinilit ko paring kumilos,kailangan ay kayanin ko ito hanggang sa matapos.
Nasa tuktok ako ng hagdan habang nilalagay sa taas ang mga libro nang biglang bumukas ang pinto't iniluwa nito ang Mayordoma."Bumaba ka rito ngayon din!"ma-awtoridad na utos nito.Dahan dahan at maingat naman akong bumaba ng hagdan."Pakidalian!"
muntik pa akong mawala ulit sa balanse ng dalian ko naman ang pagbaba."A-ano ho ang kailangan niyo?"
"Halika't may ipapagawa ako sa'yo."sabay hatak nito saaking buhok,hindi ko naman naiwasang mapadaing.Tulad ng kanina'y hatak hatak niya ulit ako sa buhok habang naglalakad.Pakiramdam ko'y makakalbo na ako sa ginagawa niya.
"nasasaktan si Mariposa,Laverna."tinig ni Manang lucing pagkarating namin rito sa dinning area.Naririto rin ang iba pang mga kasambahay,nakikita ko ang bakas ng awa sakanilang mga mata habang nakatingin saakin.
"tumahimik ka diyan,tanda."tugon niya kay Manang lucing saka ako patulak na binitawan."Pulutin mo lahat ang mga nagkalat na kanin sa sahig.Pagkatapos ay ligpitin mo ang mga pinagkainan at hugasan."
Hindi ko naiwasang mapatingin sa mga mukmok ng kanin na nagkalat sa sahig,pakiramdam ko'y sinadya itong ikalat para pahirapan ako.Hindi maganda ang pinaggagawa nilang ito,masamang mag sayang ng kanin palibahasa'y mayaman,may sariling bukid ay ayos nalang sakanilang magsayang ng ganito karaming kanin,maraming pulubing walang makain,maraming mahihirap na walang sapat na kinakain,habang ang mayayamang ito ay nagsasayang lang ng pagkain.
"Ano pabang tinutunga-tunganga mo,kumilos kana!"sabay tulak saakin ng mayordoma dahilan para muli akong mapasalampak sa sahig."Wag kang babagal bagal,baka nakakalimutan mo hindi mo pa natatapos ang unang pinapagawa ko sa'yo.Kaya kumilos ka na!"sabay tapon saakin ng isang planggana na tumama sa braso ko.Tumango tango ako't sinimulan ng gawin ang inuutos niya.
"Mas mabuti kong pakainin mo nguna siya,Laverna.Tanghali na,wala pang laman ang kanyang sikmura,namumutla na siya."Dinig kong saad ni Manang lucing na bakas na bakas ang pag aalala sa tinig habang pinu-pulot ko na isa isa ang mga nagkalat na kanin pagkatapos ay ilalagay rito sa maliit na planggana.
"Ang Don Grei lamang ang susundin ko,Lucing.Kaya magsibalik na kayo sainyong mga trabaho."aniya na pumalakpak pa.Dali dali namang nagsi-lakad ang mga katulong paalis rito upang bumalik sakanilang mga ginagawa.
"Wala kang awa,Laverna."iyon ang huli kong narinig kay Manang Lucing bago siya naglakad paalis.
Narinig ko ang pagsinghal ng Mayordoma."hindi kinakaawan ang anak ng isang criminal."Aniya't sinipa ang planggana palayo saakin saka naglakad na paalis.
Pumapatak nalamang ang nga luha ko habang pinupulot isa isa ang mga butil ng kanin,Naaawa ako sa sarili ko.Hindi ko inaasahang darating ako sa sitwasyong ito,ngunit kasalanan ko dahil pinasok ko ang problemang ito kaya titiisin ko.Mas magiging mahirap pa pala ang magiging buhay ko rito sa Valeriana kesa doon sa Del Campo.Sa kabila ng hilo't gutom na nararamdaman ay nagawa ko paring pulutin lahat ng mga butil ng kanin na nagkalat sa sahig kahit may oras na pakiramdam ko'y babagsak na ako.Pagkatapos ay niligpit ko na ang mga pinagkaininan t dinala sa lababo,linisan ang lamesa saka naghugas na ng mga pinggan.Matagumpay kong natapos ito sa kabila ng nararamdaman,kaya pagkabalik ko ng mga pinagkainan sa mga lalagyan nito at mawalisan ang sahig ay tumungo na ulit ako sa library para ipagpatuloy ang gawain roon.
YOU ARE READING
Chasing Butterfly(Señorito Series One)
RomansaLaviente Dragomir Grei,The first son of Don Leonhart Ephraime Grei.Mahal mo kaya kahit na alam mong Mali,Bawal,may masasaktan,magagalit,masisira't maaaring gulo ang kahihinatnan ay heto ka't pilit parin siyang ipinaglalaban.Mahal mo kaya balewala sa...