"Nakausap mo na ba si Tiya Amora?"Saktong pagkapatay ko ng tawag ay iyon din ang pagdating ng Señorito Dragomir dito sa Kwarto,Nakasando nalang ulit siya ngayon.Galing siya sa kwarto ng Señorito Camaro.
"Oo,Señorito.Kakapatay ko lang nga ng tawag."saad ko.Kinamusta ko siya pati na si Diego,Nagkwento rin ako kay Nanay tungkol sa islang ito,tuwang tuwa naman si Nanay habang nag ke-kwento.I-enjoy ko raw ito dahil ito ang unang beses na nakapagliwaliw ako sa ganitong lugar.
"Kamusta daw sila ni Diegho?"tanong ng Señorito.
"Ayos lang daw sila,Señorito."
"Mabuti naman kung gano'n.Gusto mo bang maglakad lakad sa tabing dagat?"
Tumango tango ako."G-gusto ko,Señorito."
Napangiti naman siya."Hindi ka ba magpapalit?"Magpapalit?pero ayos panaman 'tong suot ko,hindi panaman marumi at mabaho."Sayang naman kung hindi mo susuutin yung iba,magaganda panaman 'yon."Aniya.Sabagay may punto naman ang Señorito,sayang kung hindi ko susuotin yung iba.
"S-sige,Señorito.Magpapalit ako."pag sang-ayon ko.
Panibagong ngiti naman ang sumilay sakanyang labi."Sige,lalabas nguna ako.Handyan lang ako,tawagin mo nalang ako kapag tapos ka ng mag bihis."
"Sige,Señorito."
Lumabas na nga siya't sinarado ang pinto.Isa isa kong nilibas ang mga damit na binili niya saakin saka nag umpisang mamili,medyo nahirapan pa akong pumili dahil pare-parehong magaganda, hindi ko alam kung anong susuotin ko.Sa huli ay napagpasyahan kong suotin 'tong bohemian dress na may kaiksian kaya medyo kita ang mga hita ko,hapit ito sa baywang at bakcless din ito pero walang problema dahil matatakpan naman ang likod ko ng mahaba't tila pancit canton kong buhok na kulay brown.
Hinubad ko na ang head scarf ko't hindi na naglagay pa ng kahit anong accessories sa buhok.Hindi na rin ako nag lagay pa ng pulbo sa mukha dahil paniguradong maliligo lang naman kami ng Señorito.Ibinalik ko ng muli sa beach bag ang mga damit,pagkatapos ay napagpasyahan ng lumabas.Pagkabukas ko ng pinto ay nadatnan ko nga ang Señorito na naghihintay sa labas.
"Beautiful."Namamanghang aniya pagkakita saakin.
nahihiya akong napangiti."S-salamat,Señorito."
"Let's go?"inilahad niya ang kanyang kamay saakin.Nakangiti naman akong tinanggap ito.Pinagsalikop niya ang mga daliri namin saka naglakad na pababa.
Napapababa nalamang ako ng tingin dahil sa nakakailang na mga titig saakin ng bawat kalalakihan na nadaraanan namin habang naglalakad lalakad kami rito sa seaside.Iyong iba'y ngingisi ngisi pa,hindi maganda ang idinudulot saaking pakiramdam.
Ilang saglit pa'y biglang nangibabaw ang tilian ng mga kababaihan mula sa di kalayuan dahilan para maibaling ko ang aking atensyon sa lalakeng kanilang pinagkakaguluhan.Ang Señorito Darcio.Halos lumuwa ang mga mata ng mga kababaihan sa kanyang nakalantad na abs at muscles,namamasa masa pa ito pati na ang buhok niya.Naka-topless lang kasi ito at sa pagitan ng kanyang kabilang braso't taligiran ay naroroon nakaipit ang surfing board habang naglalakad.Ngunit balewala lang sakanya ang tilian ng mga kababaihan,deretso lang ang tingin niya,walang pakealam sa mga taong nasa paligid niya.Ang suplado niya talaga,at sa parehong oras ay nakakatakot rin siya dahil sa patulis at medyo magkadikit niyang mga kilay.
"Mukhang pinagkakaguluhan ka ata ng mga babae"Sinalubong namin siya ng Señorito Dragomir.Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagsulyap niya sa kamay naming maghawak ng Señorito Dragomir.
"Hindi na kataka-taka"aniya sabay sulyap saakin.Hindi ko alam kung gawa gawa ko lang ba pero medyo kakaiba talaga ang bawat pagsulyap,pagtingin at pagtitig mg Señorito Darcio saakin.
YOU ARE READING
Chasing Butterfly(Señorito Series One)
RomanceLaviente Dragomir Grei,The first son of Don Leonhart Ephraime Grei.Mahal mo kaya kahit na alam mong Mali,Bawal,may masasaktan,magagalit,masisira't maaaring gulo ang kahihinatnan ay heto ka't pilit parin siyang ipinaglalaban.Mahal mo kaya balewala sa...