Ibang iba ang kasiyahang nararamdaman ko ngayon.Nagsisisigaw ang puso ko sa tuwa at nagtititili sa kilig.Ganito pala ang pakiramdam na maging boyfriend ang isang Señorito Dragomir.Pakiramdam ko ako na ang pinaka-masayang tao sa mundo.Kung paano niya ako halikan kanina ay para bang inaangkin niya ako ng buong buong.Kung mayroon man akong gustong lalakeng angkinin ng paulit ulit ang labi ko,tanging ang Señorito Dragomir lang iyon.Kailanman hindi ako magsisisi na sakanya ko ibinigay ng buong puso ang aking unang halik.
Nasasabik na akong i-kwento kay Nanay ang tungkol sa pagsagot ko sa Señorito Dragomir at i-anunsyo sakanya na boyfriend ko na ang Señorito.Alam kong matutuwa si Nanay para saakin dahil hindi niya man aminin ay alam ko't nararamdaman kong boto siya sa Señorito bilang boyfriend ko,hindi dahil sa yaman at ari-arian nila kundi dahil sa pag uugaling mayroon ang Señorito Dragomir.
Takot man akong pumasok sa isang relasyon,susubukan ko para sa Señorito Dragomir,dahil mahal na mahal ko siya.Gusto kong iparamdam sakanya araw araw ang pagmamahal ko.Ipinangako ko noon na hinding hindi ako papasok sa isamg relasyon at iibig hangga't hindi pa ako nakakapagtapos ng pag aaral ngunit balewala na saakin ngayon kung napako ko man ang pangako kong iyon saakin sarili,mag aaral panaman ako ng mabuti habang minamahal ang Señorito Dragomir.
"Where's Darcio?"tanong ng Señorito Dragomir nang mapansin na wala pa ang Señorito Dacrio hanggang ngayon dito sa Restaurant na pinagkakainan namin.Dalawa kasi ang restaurant dito sa Resort,napili ng magkakapatid na mag dinner dito sa Italian restaurant.
"He didn't answer my call."Tugon ng bunso niyang kapatid habang nag hihiwa ng cake.Napansin ko na kahit sa paghiwa ng mga pagkain,pag-gamit ng kubyertos at pag inom ay ang expensive nilang magkakapatid na tingnan."You want some, Mariposa?"alok nito nang mapansin nitong pinagmamasdan ko siyang kumakain ng cake.
"M-mamaya nalang,Señorito.Hindi pa ubos 'tong pagkain ko."pagtanggi ko.
Sakanilang magkakapatid,Sakanilang bunso ako medyo hindi naiilang.Hindi masyadong nakakailang ang mga tingin niya at kahit anong itsura't gawin mo wala lang iyon sakanya,wala kang makikitang panghuhusga sakanyang mga mata,makakagalaw ka talaga ng maayos at makakahinga ng maluwag.Napakasimple niyang tao katulad ng Señorito Dragomir,kung magsuot nga siya'y hindi gaanong pang mayaman ang dating,kung makitungo siya sa mga taong tulad ko ay para bang kalebel niya lang,Iyong paraan kasi ng pakikitungo niya kanina kay Quanco ay para bang hindi siya mayamang tao,pareho sila ng Señorito Dragomir na hindi ipinagmamayabang ang pagiging sikat at mayaman.Mabait siya,minsan seryoso,minsan sumasabay sa pagiging maloko ng kapatid niyang si Señorito Camaro,minsan naman tahimik lang ngunit hindi mahirap pansinin at pakisamahan hindi tulad ng Señorito Darcio na mag-aalangan ka pang pansinin at kausapin.
"Paniguradong naglalasing ngayon ang lalakeng 'yon."maya maya'y saad ng Señorito Camaro dahilan para sakanya naman ako mapabaling.
"Naglalasing?at bakit naman?"takang tanong ng Señorito,kinuha niya ang baso kong wala ng laman saka sinalinan ulit ito ng panibagong tubig.Nakangiti akong nagpasalamat sakanya nang ilapag niya na muli ito sa may gilid ng plato ko.
"Baka broken hearted."Tugon ng Señorito Camaro,nginisian ako nito't kinindatan ng mapasulyap saakin.Hindi na talaga mawawala sakanya ang ngumisi at hilig niya narin talaga ang mangkindat ng babae.
"Bakit,may ginugusto na ba ang supladong 'yon?"takang tanong ulit ng Señorito Dragomir.Tulad ng kapatid nilang bunso,wala pa raw niisang babaeng nililigawan ang Señorito Darcio,hindi rin nila alam kung may ginugusto na bang babae ang Señorito.
nagkibit balikat ang Señotiro Camaro."Ewan ko sa supladong 'yon."aniya't nagpatuloy na sa pagkain.
"By the way,Mariposa is already my girlfriend."maya maya pa'y anunsyo ng Señorito Dragomir sa dalawa niyang kapatid.Kanina niya pa gustong gusto ito i-anunsyo sakanyang mga kapatid,sabik na sabik siya ngunit naghahanap lang kasi siya ng tyempo kaya medyo natagalan ngunit sa wakas ay nasabi niya narin ito sa mga kapatid niya maliban nga lang sa Señorito Darcio na hanggang ngayon ay hindi pa dumadating dito.
YOU ARE READING
Chasing Butterfly(Señorito Series One)
RomantikLaviente Dragomir Grei,The first son of Don Leonhart Ephraime Grei.Mahal mo kaya kahit na alam mong Mali,Bawal,may masasaktan,magagalit,masisira't maaaring gulo ang kahihinatnan ay heto ka't pilit parin siyang ipinaglalaban.Mahal mo kaya balewala sa...