Laviente Dragomir Punto De Vista
Saktong pagka-ahon ko ng ulo mula sa paglangoy rito sa pool ay narinig kong nagri-ring ang phone ko na naka lapag roon sa ibabaw ng babasaging lamesa kasama ang inalmusalan ko na malapit lang rito sa pool.Naroroon rin ang alaga kong si Lavimir na abalang kumakain ng saging habang nanonood ng pangbatang video sa i-phone na binili ko para sakanya,para may pag libangan rin siya.Si Mariposa kaagad ang sumalpak sa isip ko,kaya dali dali akong umahon sabay kuha ng twalya sa lounge chair at nagpupunas ng buhok at katawan na naglakad patungo sa lamesa.
Si Mariposa nga!Nasasabik akong sinagot ito."Maha-"
"MALIGAYANG KAARAWAN,MAHAL KO!"
Iyon kaagad ang masiglang bungad niya saakin dahilan para hindi ko matapos ang sasabihin.Awtomatiko namang gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ko."Salamat,Mahal."
"Pasensya na kung hindi kita nabati ng maaga,Mahal.Kakagising ko lang kasi."Aniya.
Kaagad namang sumagi sa isip ko ang mga nangyare saamin kagabi.Mukhang iyon ang naging dahilan kung bakit tanghali na siya nagising.Tuloy ay para ko ulit naririnig ngayon ang bawat pag ungol niya at ang paulit ulit niyang pagbigkas ng salitang 'Mahal.'I Like the way she moan,ang hinhin.Sigurado akong napasarap ang tulog niya."Ayos lang,Mahal.Inaasahan ko ng tatanghaliin kang gumising dahil sa mga nangyare saatin kagabi."
"Mahal naman e'!Wag mo na ipaalala."
Napahagikhik ako sa naging reaksyon niya.Sigurado akong nahihiya siya.Hindi ko man siya nakikita ay alam kong nakasimangot siya,Na-i-imagine ko palang ang mukha niya ay kinikilig na ako,ang ganda ganda niya.Kahit ano kasing maging reaksyon ng mukha niya,galit man at nakasimangot ay nananatili parin ang kagandahang taglay niya,iyon parin ang nangingibabaw.
Naisip ko na asarin pa siya."Alam mo bang ang ganda ganda mong tingnan kagabi,Mahal?Hindi ko alam na mas lalo ka pa lang gumaganda kapag magulo ang buhok,hingal na hingal at pagod,Mahal."
"Wag mo ng ipaalala,Mahal.Nahihiya ako."
Muli akong napahagikhik."Bakit ka ba nahihiya?boyfriend mo naman ako.Marami pang mangyayare saatin kapag naging mag-asawa na tayo,kaya ngayon palang ay sinasanay na kita."
"Hindi naman ako papayag na araw arawin mo ako kapag mag-asawa na tayo,Mahal."
"Matitiis mo ba ako,Mahal?"maloko't may panunuksong tanong ko.Natawa nalamang ako nang hindi siya nakasagot,mukhang natahimik siya sa naging tanong ko.
"Nakakainis ka na,Mahal."bakas na sa tinig niya na mukhang hindi na siya natutuwa.Kinabahan naman ako at baka galit na siya saakin.
"Binibiro lang kita,Mahal ko."pagbabawi ko."Sorry na,wag ka ng sumimangot diyan.I Love you."malambing na saad ko.
"Ikaw kasi,Mahal.Hindi ako komportable sa ganyang usapan."Aniya,wala paring nagbago sa tinig niya,Seryoso parin gaya ng kanina.Mas lalo tuloy akong kinabahan,sana pala hindi ko nalang siya biniro.Pag-ganyan na kasi ang tono ng boses niya,iyong seryoso na ay kinakabahan na ako.
"M-mahal ko,Galit ka ba?"
"Sa tingin mo ba natutuwa pa ako?"punong puno ng kaseryosohang tugon niya.
Fuck!Nagalit ko nga siya!Inis akong napasabunot sa buhok ko.
"Umagang umaga ginagalit mo ako,Dragomir."
Kaagad na gumapang ang takot sa dibdib ko pagkatapos na pagkatapos niyang sabihin iyon at lalong lalo nung ang pangalan ko na mismo itong binanggit niya't hindi na 'Mahal' at sa parehong oras ay mariin akong napalunok at nag-init rin ang mukha ko.Dulot ng kaba't takot ay para ng mawawasak ang dibdib ko sa bilis ng pintig ng puso ko.Pinagsisisihan ko na ngayon na biniro-biro ko pa siya.Sana hindi nalang ako nagbiro!Sana iniba ko nalang ang usapan!Ano ng gagawin ko?nagalit ko siya?!Paano na 'toh?!Para na akong mapa-praning rito!
YOU ARE READING
Chasing Butterfly(Señorito Series One)
RomanceLaviente Dragomir Grei,The first son of Don Leonhart Ephraime Grei.Mahal mo kaya kahit na alam mong Mali,Bawal,may masasaktan,magagalit,masisira't maaaring gulo ang kahihinatnan ay heto ka't pilit parin siyang ipinaglalaban.Mahal mo kaya balewala sa...