Tuloy tuloy ang naging panliligaw saakin ng Señorito.Araw araw ay pumupunta siya rito sa bahay pagkatapos mag trabaho sa bukid.Walang araw na wala siyang bitbit na mga pagkain para saamin,tulad ng prutas,gulay,isda at kung ano ano pa,minsan na nga siyang nagdala ng grocery dito sa bahay at bago siya pupunta ng bukid ay dadaan nguna siya rito't magiiwan ng iba't ibang klase at mamahaling tinapay.Dahil dito ay hindi na kami nakakapamalengke ni nanay.
Nakakahiya nga dahil pagkatapos niyang magtrabaho sa bukid ay tutulong pa siya rito saamin sa mga gawaing bahay,kung ano ano pa ang pinapagawa ni Diegho sakanya,tulad ng pag iigib ng tubig at pagsisibak ng kahoy.Pinipigilan ko naman siya ngunit ang tanging sagot niya lang lagi saakin ay gusto niya raw ang ginagawa niya.Napansin ko ngang sanay na ang katawan niya sa mga mabibigat na gawain,kung pagmamasdan mo kasi siya siya habang ginagawa ang mga mabibigat na gawaing iyon ay para bang ang dali dali lang sakanyang gawin ang mga ito.Totoo ngang matipuno siya.
Ilang araw rin na siya itong namasada nang trangkasuhin si Diegho.Ayaw naman namin sana ni Nanay na gawin niya iyon ngunit mapilit siya.Gusto niya raw tulungan ang kapatid ko sa pag iipon ng allowance nito sa pasukan,sayang daw ng araw at oras kung hindi mamamasada.Dahil sa pagiging magandang lalake niya ay marami siyang kinita dahil karamihan sa mga sumasakay sakanya'y mga kababaihan.Kwinento niya iyon saakin.
"Ito nga pala yung mga kinita ko sa pamamasada,Diegho."Iniabot ng Señorito ang kulay black na belt bag sa kapatid ko na puno ng barya."Masaya ako na ayos ka na."
kinuha naman ni Diegho sa kamay ng Señorito ang belt bag niya."Kinita mo 'to lahat?"hindi makapaniwalang tanong ng kapatid ko ngunit sa mahinahong paraan.
"Oo,'yan ang mga kinita ko sa limang araw na pamamasada.Wag kang mag alala,walang bawas 'yan."Ani Señorito.
"Kung gano'n,Salamat."walang emosyong pasasalamat ng kapatid ko sa Señorito't naglakad na papasok ng bahay,hindi na hinintay pa ang pagtugon ng Señorito.
Nagpakawala ako ng buntong hininga.Sa kabila ng tulong sakanya ng Señorito ay hindi niya parin ito magawa-gawang pakitaan ng magandang pakikitungo."Pasensya na,Señorito....Kung malamig parin ang pakikitungo sa'yo ng kapatid ko."nalulungkot na wika ko.
May ngiti sa labing inipit niya sa likod ng tainga ko ang kaunting hibla ng buhok ko."You don't need to say sorry.Naiintindihan ko ang kapatid mo kung ba't gano'n ang pakikitungo niya saakin.Darating din ang araw na matatanggap niya ako para sa'yo.Napagsalamat naman siya saakin,ayos na'yon."sabay hawak sa baba ko't dinampian ng halik ang tungkil ng ilong ko na ikinabigla ko.
"S-señorito..."nanlalaki ang mga mata kong sambit.
Nagpakawala siya ng mahinang tawa."Sa ilong lang naman."aniya.Napanguso nalamang ako.
Madalas ay siya na itong nagluluto ng gabihan namin,wala naman kaming magawa ni nanay para pigilan siya dahil masyado siyang mapilit.Nakakahiya nga kasi siya na nga itong bumili ng ulam,siya pa itong nag luluto.Sobra sobra na ang nagagawa niya para saamin,pero nakikita ko naman sakanya na gustong gusto niya ang ginagawa niya't hindi siya nag papakitang tao lang para sagutin ko.Patagal ng patagal rin ay mas lalo akong nahuhulog sa Señorito,pakiramdam ko iba na itong nararamdaman ko,hindi na ito pagkagusto nalang.
"Maiwan ko nguna kayong dalawa rito,Señorito.Pupunta lang ako sa palengke."Paalam ni Nanay na ngayon ay nakapagpalit na ng suot.Paldang abot paa at blouse na puti,naka-clamp ang buhok at hawak hawak ang kanyang pahaba wallet na kulay itim.
"Huwag na,Tiya Amora."Pigil ng Señorito na napahinto pa sa pagpapaypay ng pugon na may nakasalang na kaldero kung saan nakalagay ang bigas na niluluto."Paparating na po sila Mang Sebastian dito dala ang mga gulay,rekados at prutas.May pinasabay narin po akong bagong huling isda.Mamaya handito na po sila."
YOU ARE READING
Chasing Butterfly(Señorito Series One)
RomanceLaviente Dragomir Grei,The first son of Don Leonhart Ephraime Grei.Mahal mo kaya kahit na alam mong Mali,Bawal,may masasaktan,magagalit,masisira't maaaring gulo ang kahihinatnan ay heto ka't pilit parin siyang ipinaglalaban.Mahal mo kaya balewala sa...