Pag sapit ng Gabi,inaya kami ng mga kaibigan ni Darcio sa Club corner ayoko sanang sumama pero napilitan ako dahil kay Darcio.Isang Privé off shoulder ruched mesh bodycon dress ang suot ko na tinernuhan ko ng silver lace up stilletto na may mga disenyong maliliit na paru-paro.Nilugay ko lang ang kulot kong buhok at naglagay ng clip na may disenyong kulay pulang rosas sa gilid na parte ng buhok ko.
"Ughmm...D-darcio-Uhmmm...T-tama na,Darcio."Marahan ko siyang tinulak upang patigilin sa ginagawa niyang pagsiil sa labi ko.Narito kami sa cotse niya,nakaupo ako sa mga hiya niya paharap sakanya.
Napabuga siya ng hangin sabay sandig sa upuan at dahan dahan niyang inalis mula sa loob ng suot ko ang dalawang kamay niya't matiim akong tinitigan."Kilalang mga demonyo ang Mastrantonio,pero hindi ko akalain na magkakaroon ng isang anghel sa angkan nila."seryosong aniya."Kahit papaano,may magandang nagawa si Valencio."sabay haplos ng marahan sa labi ko gamit ang hinlalaki niya.
Maya maya pa'y umalis na kami,seryoso lang siyang nag mamaneho habang malalim naman ang iniisip ko.Tahimik lang kami sa byahe hanggang sa makarating kami sa clubcorner.Nabalik lamang ako sa wisyo nang magsalita siya pagkatapos niyang ma-i-park ang cotse.
"We're here,Mariposa."Aniya.
Siya ang unang bumaba,pagkatapos ay pinagbuksan ako ng cotse at inalalayan akong makababa,hindi naman naiwasan ng isip ko na maalala iyong mga panahong ang kapatid niya pa ang gumagawa nito saakin.Hawak hawak niya ako sa baywang na pumasok sa club,malakas na hiyawan ng mga nagsasayawan,tawanan ng mga nag iinuman at tugtugan ang bumungad saamin pagkapasok.Hindi ito ang unang beses na nakapasok ako sa club,lagi kasi ako noon na isinasama ni Antheros sa club nung nasa spain pa kami,sinanay niya akong makisama't makipag communicate sa mga tao.
Sinalubong kaagad kami ng mga kaibigan niya,sina Yves at Zeron.Binati nila kaming dalawa at pagkatapos ay iginayak na papunta sa pwestong napili nila.Bukod pala sakanilang dalawa ay may mga iba pa pala silang kasama,tatlong lalake at tatlong babae,hindi ko sila kilala ngunig mukhang mga college students din sila.Binati din nila kami ni Darcio at nagpakilala.Pinadagdagan pa nila sa waiter ang mga inumin at pagkain.At hanggang sa pag upo ay nanatiling nasa baywang ko ang kamay ni Darcio.
"By the way,Congrats pala sainyo.Lalo na sa'yo Mister President,Fiance mo na si Mariposa."Nakangiting bati saamin nung nag ngangalang Mariegold na may panunukso pang tinig at tingin ng balingan niya si Darcio at sunod sunod na silang nagsi-bati saaming dalawa.
"Salamat.."at ginawaran sila ng pilit na ngiti.
"Kailan ang engagement?napagplanuhan niyo na ba?"Tanong ni Yves habang nagsasalin ng alak sakanyang baso.
"Not yet,but soon."Si Darcio ang sumagot.Hindi ko naman naiwasang makaramdam ng kaba sa isinagot niyang iyon.Kung gano'n ay binabalakan niya ng pagplanuhan ito.Hindi maaari,hindi ako pwedeng matali ng tuluyan sakanya,hindi kasama iyon sa plano ko.
Habang abalang nakikipag-usap si Darcio sa mga kaibigan niya ay hindi ko sinasadyang maibaling ang tingin sa labasan nitong club,saktong pagtingin ko rito ay isang lalake ang biglang pumasok at gano'n nalamang ang pamimilog ng mga mata ko sa gulat nang makilala kung sino ito.
Mahal ko...Sambit ng puso't utak ko.
Nararamdaman ko ang mabilis na pagkalabog ng pintig ng puso ko habang namimilog ang mga matang pinagmamasdan siyang naglalakad at may kausap sa telepono.Tila ba naging mabagal ang oras at nawala ang ingay,ang tanging naririnig ko nalamang ay ang malakas na kalabog ng puso ko.Wala paringpinagbago,hangang hanga parin ako sa kagwapuhang taglay niya.Lahat ng katangiang mayroon siya ay napapahanga parin ako ng sobra.Wala parin talagang nag bago,kahit anong pigil ko,nagagawa niya paring patibukin ang puso ko.Ikaw parin talaga ang lalakeng gustong gusto ng puso ko,Dragomir.
YOU ARE READING
Chasing Butterfly(Señorito Series One)
RomanceLaviente Dragomir Grei,The first son of Don Leonhart Ephraime Grei.Mahal mo kaya kahit na alam mong Mali,Bawal,may masasaktan,magagalit,masisira't maaaring gulo ang kahihinatnan ay heto ka't pilit parin siyang ipinaglalaban.Mahal mo kaya balewala sa...