Señorito 53:Le Maistre

2.5K 52 3
                                    

Pagkatapos niyang maghugas at malinisan ang loob nitong kubong tinutuluyan namin ay inaya niya akong maglakad lakad sa dalampasigan.Nagpaalam nguna akong magpapalit ng damit,iyon nga lang ay lahat ng bestidang pinaheram saakin ng asawa ni tiyo marding ay puro strapless,gustong gusto ko panaman sana ang mga disenyo nito,parang island girl lang ang datingan.Siguro ito ang uso ritong style at disenyo ng mga bestidang sinusuot ng mga babae.

Dahil sa wala akong choice ay nagpalit parin ako.Tuwang tuwa naman ako ng masuot ko na ang isa sa mga nagandahan ko,dahil bagay na bagay saakin.Iyon nga lang ay baka hindi ako payagan ni Dragomir na lumabas at maglakad lakad ng ganito ang suot.Pero susubukan ko paring magpaalam baka sakaling payagan niya ako.

Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko siya sa labas,sa may tabi ng puno nakatanaw sa karagatan."Mahal..."tawag ko sakanya.

Dahan dahan naman siyang humarap saakin.Saglit pa siyang natigilan nang mapansin niya ang suot ko,at pagkatapos ay sinipat niya pa ako mula ulo hanggang paa.

"Mahal,ayos lang ba kung ganito ang suot ko?"

Nagpakawala siya ng buntong hininga sabay ngiti."Why not?you look beautiful in that dress."

Nasiyahan naman ako sa itinugon niya."T-talaga,Mahal?ayos lang ba talaga sayo na ganito ang suot ko?hindi ka magagalit?"

Nagpakawala siya ng mahinang tawam"Bakit naman ako magagalit?anong dahilan ko para magalit?"

Napakurap kurap ako."K-kasi....yung iba kasing lalake hindi nila pinapayagan yung girlfriend nilang magsuot ng mga maikli at kita ang mga balat na damit kapag lalabas,tulad nitong suot ko kaya akala ko hindi mo rin ako papayagan."

Muli ay nagpakawala siya ng mahinang tawa."Come here"at marahan akong hinila palapit sakanya saka hinawakan ako sa magkabilang baywang."May ibang lalake talaga na overprotective,hindi nila pinapayagang magsuot ng maiikli at kita ang balat na damit ang mga girlfriend nila,gusto lang kasi nilang protektahan ang mga mahal nila mula sa mga lalakeng bastos,gano'n rin naman ako sa'yo."

"Kung gano'n,ba't ayos lang sayo kung ganito ang suot ko?"

Nagpakawala siya ng buntong hininga't hinawakan ako sa magkabilang pisnge."Dahil alam kong masaya ka bestidang 'yan.Overprotective ako pero nilulugar ko.Ayaw kong ipagkait sayo ang mga bagay na nagpapasaya sayo.

Napangiti naman ako sa sinabi niya."Salamat,Mahal."saad ko.Ngumiti siya't ginawaran ako ng halik sa noo.

Magkahawak ang kamay naming naglakad lakad sa dalampasigan,tama lang ang lakas ng hangin,hindi rin ganoon katindi ang init ng araw,nakapaa lang din kami pareho,white sand kasi ang buhangin rin ito,ang sarap sa paa.May mga nakasalubong kaming iilang mamayaman nitong Le Masitre,mahihiling raw magsisid ng perlas ang mga tao rito,napansin ko rin na kadalasan sa tinitinda nilaay puro mga kwintas at porselas na gawa sa mga shell.Ang gaganda!Naisipan rin naming dumaan sa bahay nila Tiyo Marding para magpasalamat ulit sa binigay nilang ulam at ibalik ang platitong pinaglagyan ng adobong kangkong.

Hineram niya pa kay Tiyo Marding ang gitara nito,kaya ngayon ay panay ang kalabit niya habang naglalakad lakad kami rito sa tabing dagat.Palubog na ang araw,pagabi nanaman.Gusto ko mg dumating yung gabing tapos na ang mga problema namin ni Dragomir,nang sa-gano'n ay magkaroon na ng katiwasayan ang pagtulog ko,kasama ko man si Dragomir ngayon may mga oras parin na bumabagabag sa isip ko ang mga problema namin.Maya maya pa' y pinaupo niya ako rito sa nadaan naming bato,medyo mababato rito sa tabing dagat,malalaki pa.

"Pwede ba kita ulit haranahin?"tanong niya.

Nagpakawala ako ng mahinang tawa."ano naman ang rason ko para tumanggi?Mahal ko ang haharana sa'kin,bakit hindi?"

Chasing Butterfly(Señorito Series One)Where stories live. Discover now