Señorito 61

2.6K 39 0
                                    

Warning:This chapter contains mature content!(Very SPG!)

Hindi ko mapigilang titigan ang repleka ng sarili ko sa pahabang salamin ni Dragomir dito sakanyang kwarto.Napapakagat nalamang ako sa ibabang labi ko habang tinititigan ang sarili.Isang kulay itim na chemise dress ang suot ko ngayon,kaunting parte lang ng hita ko ang natatakpan,backless ito kaya lantad na lantad ang buong likod ko at may kanipisan pa kaya bumabakat ang korona ng nagyayamanan kong mga dibdib,hindi na kasi ako nag suot pa ng pantakip sa dibdib pati na ng panty.Huhubarin niya lang naman.

Narinig ko ang paghinto ng tunog ng shower sa banyo.Mukhang tapos na siya.Iyon na ang pag-gapang ng kasabikan saaking dibdib,kung dati ay kinakabahan ako kapag alam kong may mangyayare saamin,pero ngayon kasabikan na itong nararamdaman ko.Kaya ko siguro nararamdaman ito dahil ilang araw na hindi kami nagkasama at nagkita,kaya tila ba uhaw na uhaw ako ngayon sakanya o kaya siguro tuluyan na akong na-addict sa sarap at init na ipinaparamdam niya saakin.

"Mahal...."

Kaagad na kumalabog ang puso ko nang marinig ang tinig niya.Dahan dahan ko siyang hinarap at unti unti nalamang na umawang ang bibig ko pagkakita sakanya,nakatapis lang siya ng twalya sakanyang baywang,hindi ko naiwasang mapatitig sa katawan niya,Malinis,maputi at maskuladong maskulado.Ngunit hindi ko maitatangging mas nakakaagaw na ng pansin ang paru-parung tattoo niya sa may kaliwang dibdib.Paniguradong iyon narin ang unang mapapansin ng mga kababaihan kapag wala siyang saplot pantaas.Hindi ko naman naiwasang mapalunok ng mariin nang bumaba sa V line niya ang mga mata ko.Kahit kailan ay hindi ako nabigong pahangain ng katawan niya.

"Are you excited?"

Naiangat ko ang tingin sakanya nang magtanong niya.Hindi ako nakasagot,bagkus ay napatitig ako sakanya.Ngunit alam kong 'Oo' ang sagot ko sa katanungan niyang iyon.Humagikhik siya at may ngiti sa labing naglakad palapit saakin.Nakaramdam ako ng kiliti saaking sistema nang marahan niyang hinawakan ang magkabila kong baywang.

"Hindi ako sanay na makitang ganyan ang ayos ng buhok mo,Mahal."May ngiti sa labing saad niya nang mapansin ang tali ng buhok ko ngayon.Naka-messy high bun kasi ako ngayon.Hindi nga siya sanay na makitang ganito ang ayos ng buhok ko dahil lagi niya akong nakikitang nakalugay lang.

"panget ba,Mahal?"tanong ko.

Ngumiti siya."You will never be ugly in my eyes,Solandis."

Kumalabog naman ang dibdib ko nang sambitin niya ang ikalawang pangalan ko.Ganoon nalamang kaganda at kasarap sa pandinig ang paraan ng pagbigkas niyang iyon.Ito ang unang beses na tinawag niya ako sa pangawala kong pangalan at masasabi kong malakas ang naging epekto no'n saakin.Mas lalo ko atang nagandahan ang pangalawa kong pangalan ng bigkasin niya ito.

"Hindi ko inaasahan na tatawagin mo ako sa pangalawa kong pangalan,Mahal."

"I really love your name,That's why i tattooed it on my right biceps."

Awtomatiko naman akong napatingin sa kanang balikat niya,nakita ko nga dito ang buong pangalan ko na pa-vertical at cursive ang pagkaka-tattoo.Mariposa Solandis Santibañez Mastrantonio.Hindi ko ito napansin kanina.

"Ba't diyan mo naisipang ipa-tattoo,Mahal?"tanong ko.

"Para kung sakali man na titigan ng mga babae ang biceps ko,malalaman nila na pagmamay-ari mo na ako."

Napangiti naman ako sa sinabi niya.Maya maya pa'y dahan dahan niya akong pinaharap sa salamin at may ngiti sa labing pinagmasdan ang repleka ko rito."Sa kagwapuhan ko lang nababagay ang kagandahan mo."

"Kinino pa ba,Mahal?sayo lang naman."tugon ko na mas nagpangiti sakanya.

"Sigurado ka ba sa gagawin nating 'toh,Mahal?may oras ka pa para tumanggi."

Chasing Butterfly(Señorito Series One)Where stories live. Discover now