Nang matapos ko na ang lahat ng gawain ay naghilamos na ako.Pinagpahinga ko na si Nanay dahil masasakit raw ang mga kasu-kasuan niya,habang si Diegho naman ay naroroon narin sa kwarto niya't paniguradong natutulog narin iyon dahil pagod rin siya,maghapon kasi siyang namasada.
Pagkatapos kong maghilamos ay dumeretso na ako sa kwarto ko't nagbihis,pinagpagan ko nguna ang kama ko bago nahiga.Hindi pa ako dinadalaw ng antok,ngunit alam ko sa sarili ko na hindi talaga iyon ang rason kung ba't gising na gising pa ako,hinihintay ko ang text ng Señorito.Unti unti na kasi akong nasasanay na magka-text kami gabi gabi.
Maya maya pa'y biglang tumunog ang Telepono ko,nabuhayan kagaad ako kaya awtomatiko akong napabalikwas mula sa pagkakahiga at kinuha ang teleponong nakaibabaw sa lamesang nasa gilid ng kama ko,paniguradong Nag text na saakin ang Señorito.Ngunit ganoon nalamang ang pagkadismaya ko nang makitang galing sa 8080 ang mensahe,at mas lalo akong nadismaya nang mabasa ito,Expired na raw ang load ko!Paano na ako nito makakareply sa Señorito kung sakaling mag text siya saakin?Malayo panaman ang Paloadan rito.
Ilang saglit pay nag text na nga ang Señorito.Ilang text pa ang sunod sunod na dumating ngunit dahil sa expired nga ang load ko ay wala akong nagawa kundi ang ulit ulitin nalamang na basahin ang mga text niya saakin.Napapabuntong hininga nalamang ako dulot ng lungkot,ano nalang ang iisipin sa'kin ng Señorito.Hindi na ako nakatanggap pa mg text niya,kaya pinatay ko nalamang ang telepono ko't umayos na ng higa saka nagkumot.Ilang oras akong nakatitig sa maliwanag na buwan,tila ba nakikita ko sa langit ang nakangiting mukha ng Señorito,tuloy ay hindi ko mapigilang mapangiti.Maya maya pa'y nakaramdam na ako ng antok,paunti unti nang pumipikit ang mga mata ko nang biglang tumunog ang Telepono ko!Dahilan para mapamuklat ako't mapabalikwas.
From Señorito Dragomir:
Are you still awake?Handito ako sa labas.
Pagkatapos kong mabasa ang text niya ay kaagad akong bumangon at dali daling lumabas,sabik na sabik na kaagad siyang makita gayong magkasama palang kami kanina.Muntik pa nga akong madapa sa panamabik.Umukit kaagad ang ngiti sa labi ko nang madatnan ko nga siyang naririto sa labas.
"Señorito"nakangiti akong lumapit sakanya."Magandang gabi."magalang kong bati."Ano't naparito kayo?"takang tanong ko.
Nagpakawala siya ng buntong hininga,mahihimigan don ang lungkot."Hindi kasi ako mapakali,hindi ka kasi nag rereply sa mga text ko kaya pinuntahan kita rito."bakas ang pag aalala sa tinig niya.Pumunta patalaga siya rito dahil lang don,gayong pwede namang ipagbukas nalang.Pero aaminin kong kinikilig ako."Iniiwasan mo na ba ako?"nalulungkot na tanong niya.
"Hi-hindi,Señorito!"kaagad kong giit."Pasensya na Señorito,naubusan kasi ako ng load kaya hindi na ako naka-reply sa mga text mo,gabing gabi na't malayo dito ang paloadan kaya hindi na ako nag abala pang lumabas para magpa-load."paliwanag ko.
"Ga-ganon ba?Akala ko naman iniiwasan mo na ako."nabubuhayang aniya."Tara!"nagulat ako nang bigla niyang hinila ang isang kamay ko.
"Sa-saan tayo pupunta,Señorito?"takang tanong ko habang hila hila niya ako papunta sa Jeep gladiator niya.
Huminto siya nang may ngiti sa labi."Sa tindahan,Papaloadan kita."aniya.Nakaramdam naman ako ng hiya nang pasadahan niya ng tingin ang suot ko.Naka-sleeveles lang kasi akong pantulog na bestidang puti.Sa kakamadali kasi ay nakalimutan kong mag Jacket.
Bigla niyang hinubad ang suot niyang jacket, pagkahubad niya'y itinakip niya ito sa balikat ko."Masyadong malamig,At baka may mga tambay sa tindahang pupuntahan natin bastusin kapa."aniya habang inaayos ang pagkakatakip ng kanyang jacket sa balikat ko.
"Salamat sa pag aalala."nakangiting saad ko.Inalalayan niya ako't hinitay makasakay,pagkatapos ay sumakay narin siya't inistart na ang makina ng kanyang sasakyan.Medyo nababahala ako dahil masasakit panaman ang mga katawan ni Nanay,paano nalang kung magpapatuloglng siya saakin o kiya may iuutos saakin?
YOU ARE READING
Chasing Butterfly(Señorito Series One)
RomanceLaviente Dragomir Grei,The first son of Don Leonhart Ephraime Grei.Mahal mo kaya kahit na alam mong Mali,Bawal,may masasaktan,magagalit,masisira't maaaring gulo ang kahihinatnan ay heto ka't pilit parin siyang ipinaglalaban.Mahal mo kaya balewala sa...