Author's Note:Masyadong mahaba mahaba ito,Sana ay mapagtyagan niyong basahin.Maraming salamat!God bless! :>
----
"Kinakabahan ako,Anak."
Kanina pa hindi mapakali si Nanay habang naririto kami sa sala nakaupo,hinihintay ang susundo saaming cotse papunta sa Mansion ng Don Grei,hindi parin ako makapaniwala na makakapunta ako sa Mansion ng isang tinitingalang Don.Ngayong araw ng linggo napagpasyahan ng Don na papuntahin sila Nanay sakanyang Mansion,sabik sabik na raw kasi ang Don na makilala sila Nanay.
"Huwag kang kabahan,Nay.Mabait ang Don.Wala siyang gagawing masama saatin,gusto lamang niyang makilala."Pagpapakalma ko.Ang ganda ganda niya panaman sa suot niyang bestida na binili pa namin ng Señorito sa isang mamahalimg botique.Hindi ko akalain na mas gaganda pa siya kapag nag suot ng mga ganitong damit at kapag naayusan."Ang ganda ganda niyo,Nay."nakangiting puri ko sakanya.
"Sus,binola mo pa ako,Anak."
"Totooo ang sinasabi ko,Nay.Ang ganda niyo ho."Ako pa ang nag ayos sakanya pati na sakanyang buhok.Kay Nanay ko namana ang kulot kong buhok,ngunit itim ang sakanya habang saakin ay may halong kulay brown na mas lalong tumitingkad kapag naaarawan,sa angkan raw ng tatay ko namana ang kulay ng buhok ko,pati na raw ang mukha kong parang amerikana,pero para saakin kay Nanay ko namana ang itsura ko.
"Hindi maganda ang kutob ko dito,Ate.Kapag pinahiya tayo ng Don na'yon,pagsisisihan mo'to."Utas ng kapatid ko na kanina pa seryoso,mainit ang ulo't iritado na alam kong dahil saamin ng Señorito,hindi kasi kami nakauwi kagabi dahil nakulong kami ng ulan sa talon buti nalang ay may kubo doon na naging silungan naming dalawa kaya kaninang umaga kami nakauwi.
"Mabait ang Don Grei,Diegho.Wala kang dapat ipag alala."giit ko.
"At pa'no ka nakakasiguro,ate?Pa'no kung nagpapakitang tao lang 'yon?"salubong na salubong ang kilay niya saakin.Hindi ko naman napigilang mapaisip sa sinabi niyang iyon,paano kung totoo nga ang sinabi niya?pero ayoko namang husgahan kaagad ang Don.
"Ang Señorito Dragomir na mismo ang nagsasabi na gusto ng Don na makilala niya kayo ni Nanay,Diegho.Sabik na sabik siyang makilala kayo.May tiwala ako sa Señorito."
Nagpakawala ng buntomg hininga si Diegho at mahihimigan do'n ang pagka-inis."Paniwalaan mo siya kung gano'n,pero eto ang tatandaan mo ate,Kapag tama ang kutob ko hinding hindi ka na makakalapit pa saamin ni Nanay.Sumama ka na sa Señorito Dragomir,tutal mahal na mahal mo na naman siya hindi ba?kaya kapag may nangyareng masama mamaya,kalimutan mo na kami ni Nanay at kakalimutan ka narin namin."
Magsasalita pa sana ako nang biglang may bumisinang cotse mula sa labas.Handito na ang magsusundo saamin.Isang mahaba't itim na cotse ang tumambad saamin nila Nanay pagkalabas namin.Para naman kaming Prinsesa't prinsipe nito sa cotseng ito.Isang naka-suit na itim ang lumabas mula sa cotse,sa tindig palang nito't alam mo ng isa sa mga gwardya ng Don Grei."Buenas Dias."bati nito saamin.
"A-anong ibig sabihin ng salitang iyon,Anak?"tanong ni Nanay.
"Magandang umaga raw,Nay."tugon ko.
"Ah,M-magandang umaga rin sa'yo."Si Nanay ang bumati dito.Binati ko rin ito ng may ngiti sa labi.
"Pinapasundo na kayo ng Don Grei at ng Señorito Dragomir."Anito.
Ginabayan kami ng gwardyang ito sa pagsakay sa tila pang-prinsesa't prinsepeng cotseng ito.Pagkasakay namin ay sumakay na rin ito at pinaharurot na paalis.Mas lalo namang nadagdagan ang kasabikan saaking dibdib,nag-text kaagad ako sa Señorito Dragomir na papunta na kami,ngunit wala akong natanggap na reply niya.Siguro ay abala iyon sa paghahanda para sa magaganap ngayon.Hindi maalis alis ang nasasabik na ngiti saaking labi habang nasa daan kami hanggang sa dumating ang oras na natanaw ko na ang pinakatuktok ng Mansion ng Don Grei,Sa pinakagitna nito ay may malaking orasan.Dalawang gwardya ang nagbukas nitong malaki't tila gintong gate ng Mansion ng Don Grei para saamin.
YOU ARE READING
Chasing Butterfly(Señorito Series One)
RomanceLaviente Dragomir Grei,The first son of Don Leonhart Ephraime Grei.Mahal mo kaya kahit na alam mong Mali,Bawal,may masasaktan,magagalit,masisira't maaaring gulo ang kahihinatnan ay heto ka't pilit parin siyang ipinaglalaban.Mahal mo kaya balewala sa...