"Class dismiss."Anunsiyo ni Mrs.Laluna,pagkatapos ay nauna ng lumabas saamin.
Nagsilabasan narin ang mga kaklase ko.Habang sila Veron,Sonnet at Adelaide ay nag paalam na saakin.Hindi na raw nila ako aayain mag Lunch dahil mukhang may kasama na raw ako,ang tinutukoy nila ay ang Señorito.Natanaw kasi nila ito sa labas ng bintana na naghihintay saakin.Kilig na kilig sila para saakin.
Sinaklay ko na ang back pack ko ngunit ganoon nalamang ang pagtataka ko nang pagbuhat ko ay hindi ito maalis.Tiningnan ko naman ang nakalaylay na strap ng bag ko kung naipit ba at nagulat nalamang ako nang makitang nakatali ito sa upuan.Sino bang nagtali nito?
Narinig ko ang paghagikhik ng katabi kong si Loveria.Ngingisi ngisi siya saakin habang nakakruss ang mga braso nang lingunin ko siya.Binelatan pa niya ako bago naglakad palabas ng room.Siya ang nagtali nito.Napabuntong hininga nalamang ako't sinimulang kalasin ang pagkakatali ng strap ng bag ko sa upuan.Buti naman ay hindi ganoon kahigpit ang pagkakatali niya kaya hindi ako nahirapang tanggalin ito sa pagkakatali sa upuan.
Papasok na sana ang Señorito Dragomir nang lumabas ako."Natagalan ka ata,Mahal?May problema ba?"tanong niya.
"Wala naman.Inayos ko pa kasi yung mga gamit ko kaya natagalan ako."pagpapalusot ko.
"Ako na ang magdadala ng bag mo."Presinta niya saka kinuha saakin ang backpack ko.
"Salamat."at ginawaran siya ng tipid na ngiti.Hinawakan niya na ang kamay ko't pinagsalikop ang mga daliri namin saka inaya na akong bumaba para pumunta sa Cafeteria.
"Kamusta,may mga naging kaibigan ka na ba?"tanong niya habang naglalakad kami rito sa hallway.Hindi ko maiwasang mapansin ang mga matang nakatingin saamin ng Señorito.
"May mga naging kaibigan na ako,Mahal.Sila Veron,Adelaide at Sonnet.Sila mismo ang lumapit saakin para makipag kaibigan."Nakangiti ako habang kwinekwento iyon sakanya.
"Masaya ako na may mga kaibigan ka na.Hindi ako nagkamali ng isipin na magkakaroon ka kaagad ng kaibigan,sa bait mong 'yan sino ang hindi makikipag kaibigan sa'yo."May ngiti rin sa labing aniya.
Ngunit sumalpak sa isip ko si Loveria.Halatang hindi niya ako gusto,pinandidirian niya nga ang pagkain ko,ako pa kaya?Laki siya sa yaman lahat ng nakakasalamuha niyang tao ay mayaman kaya naiintindihan ko kung bakit ganito siya makitungo saakin,alam niya kasing mahirap lang ako.Hindi kami magka-lebel kaya paniguradong ayaw niya saakin.
Napunta kaagad saamin ang atensyon ng mga tao pagkapasok namin sa loob ng Cafeteria.Binalewala ko nalamang ito't naghanap na ng mauupan namin ng Señorito."Anong gusto mong kainin,Mahal?"Tanong niya pagkaupo namin.
"Nagbaon ako,Mahal.Alam ko kasi na mamahalin ang mga pagkain dito kaya nagdala nalang ako ng baon."saad ko.
Nagpakawala siya ng buntong hininga."Hindi ba sabi ko,kung ano ang hindi mo afford bilhin hayaan mong ako ang bumili no'n sayo."ang tono ng boses niya'y para bang pinapagalitan ako pero sa mahinahon at malumanay na paraan.
"Ayoko naman kasing umasa lagi sa'yo,Mahal.Ayoko rin na sabihin ng ibang tao na kaya kita sinagot ay dahil para makalibre."paliwanag ko.Alam ko sa sarili ko na hindi yaman at pera ang dahilan kung ba't ko siya sinagot.Kahit isa pa siyang mahirap tulad ko sasagutin ko parin siya dahil gusto ko ang buomg pagkatao niya,gusto ko lahat ng katangiang meron siya.
Hinawakan niya ang mga kamay kong nasa lamesa."Boyfriend mo ako,hindi ba?hindi lang ako ang pag aari mo,kung ano ang pag aari ko pag aari mo narin,Mahal.Ibibigay ko lahat ng gusto kong ibigay sayo at walang makakapigil sakin.Mahal kita at gusto kong iparamdam 'yon sayo sa kahit anong paraan."
"Pero ayoko namang abusuhin ka,Mahal."
"Hindi mo naman ako inaabuso,Ako nga mismo ang kusang nagbibigay sayo kahit hindi mo naman sa'kin hinihingi hindi ba?lahat ng ginagawa't binibigay ko sayo ay kagustuhan ko.Naiintindihan mo ba ako,Mahal?"
YOU ARE READING
Chasing Butterfly(Señorito Series One)
RomanceLaviente Dragomir Grei,The first son of Don Leonhart Ephraime Grei.Mahal mo kaya kahit na alam mong Mali,Bawal,may masasaktan,magagalit,masisira't maaaring gulo ang kahihinatnan ay heto ka't pilit parin siyang ipinaglalaban.Mahal mo kaya balewala sa...