Sa 2nd floor ang room ng Stem Strand.Iyon ang nakalagay sa Bulletin board nang i-check namin ng Señorito kung saan ang magiging room ko.Hanggang sa pagdaan namin sa Hallway at pagtaas namin sa 2nd floor ay pinagtitinginan parin kami ng Señorito,gulat ang parating reaksyon na makikita sa mukha nila na halos ay malaglag na ang kanilang mga panga.Daig panamin ang Artista dahil ganoon nalamang kami kung makahakot ng atensyon ng mga tao.At gano'n parin ang reaksyon at titig ng mga magiging kaklase ko nang ihatid na ako ng Señorito papasok sa sa classroom.Sa hiya ay napababa ako ng tingin.
"Saan mo gustong umupo,Mahal?"tanong ng Señorito.
Iginala ko ang aking paningin sa mga upuan,kaunti nalang ang bakanteng upuan sa unahan sa likuran at sa gilid ay may mga bakante pa."Siguro do'n nalang ako likuran,Mahal.Doon malapit sa may bintana."
"Ayaw mo ba dito sa unahan?may bakante pa naman,baka mahirapan kang intindihin ang mga nakasulat sa board kapag nagpakopya."Aniya.
Umiling iling ako."Hindi naman,Mahal.Sa hulihan talaga ako laging umuupo."
"Sige,basta kapag nahirapan ka magsabi ka lang sa magiging Lecturer niyo."Bilin niya.Tumango tango naman ako't tipid na ngumiti.
Iginayak niya na ako papunta sa Upuang napili ko."Pano ba'yan,Mahal.Kailangan ko ng umalis,hayaan mo susubukan kong bisitahin ka dito."Aniya't marahang inipit ang hibla ng buhok ko sa likod ng aking tainga.
Tumango tango ako."Sige,Mahal."
"Kapag nagka-problema tawagan mo kaagad ako,nasa tabi ko lang ang telepono ko para masagot ko kaagad ang tawag at text mo."bilin niya."Basta balitaan mo ako kapag may kailangan ka,Mahal.Don't worry,magkakaroon kadin ng kaibigan dito.Kalma lang,Just always think positive."at pagkatapos ay dinampian niya ng halik ang labi ko na nasisiguro kong nakita ng lahat ng naririto.
Nagpaalam na nga siya't naglakad na palabas ng room.Napahugot ako ng malalim na hininga't naupo na.Nakatuon lang ang tingin ko sa Board nang mag umpisang mag bulong-bulungan ang ilang kababaihan rito.
"Omg,Girlfriend siya ng Señorito Lavimir?!"
"Hindi ba obvious?hinalikan nga siya sa labi diba?"
"Hindi ako magtataka kung ba't nagustuhan siya ng Señorito Lavimir,ang ganda ganda niya."
"Omg!bagay sila!"
Ang buong akala ko ay masasamamg salita ang maririnig ko mula sakanila.Binalewala ko nalamang ang pagbubulong-bulongan nila tungkol saamin ng Señorito Dragomir at itinuon nalamang ang atensyon sa room na ito.Malaki ang pinagkaiba ng room na ito sa naging room ko doon sa mababang paaralan ng Valeriana,ang sahig doon ay kulay pula na kailangan pa naming i-floorwax habang ang sahig dito ay tiles na kumikinang pa sa linis.May aircon na nga may dalawa pang electric fan na nakadikit sa magkabilaang pader,may T.V pa sa taas ng White board at may mga shelf na naglalaman ng kahit ano anong uri ng libro.May tig iisa pa kaming lamesa at ang upuan dito ay hindi gawa sa kahoy.Grabe,room palang ang ganda na!
Awtomatiko akong napahinto sa pag gala ng paningin sa classroom na ito at natitigilang napatitig sa lalakeng bagong dating.Si Flavio!Nagkatinginan kami sa isa't isa,akmang ngingiti na sana ako nang bigla niya nalang akong lampasan ng tingin at naglakad na,doon siya naupo sa kabilang glid na malapit rin sa bintana,may kalayuan ito dito sa inuupuan ko.Pagkaupo niya'y inilibas niya ang kanyang telepono kasama ang earphone,isinaksak niya ito sa teleponi niya saka isinalpak ang earphone sa magkabilang tainga niya at inabala na ang sarili sa pagkakalikot ng telepono niya.Gumapang ang lungkot sa dibdib ko habang pinagmamasdan siya,alam kong masama ang loob niya saakin, nararamdaman ko iyon.
Maya maya pa'y isa nalamang ang natitirang bakanteng upuan dito malapit sa may tabi ko.Nauna pang dumating ang unang Lecturer namin na magtuturo saamin kesa sa natitirang kaklase namin na wala pa hanggang ngayon.May hawak hawak itong Laptop nang dumating dito.May katabaan itong Lalake naming Lecturer,moreno ito't may suot na salamin.
YOU ARE READING
Chasing Butterfly(Señorito Series One)
RomanceLaviente Dragomir Grei,The first son of Don Leonhart Ephraime Grei.Mahal mo kaya kahit na alam mong Mali,Bawal,may masasaktan,magagalit,masisira't maaaring gulo ang kahihinatnan ay heto ka't pilit parin siyang ipinaglalaban.Mahal mo kaya balewala sa...