Makalipas ang isang buwan"Ang gaganda naman ng mga bulaklak na'yan,para kinino 'yan,Señorito?"
Isang batang babae ang bumungad saakin pagkalabas ko ng flores flower shop.Hawak hawak nito ang bisekleta habang may nakasabit na isang basket sa kabilang manibela na may lamang iba't ibang klaseng matatamis na tinapay.Pamilyar ang mukha ng batang babaeng ito,madalas ko siyang makita sa baybayin ng Valeriana ngunit hindi ko alam ang pangalan.Bakas sa mga mata niya ang nararamdamang mangha sa isang bungkos na bulaklak na dala ko.
"Maganda ba?Para sa babaeng Mahal ko ang bulaklak na'to."wika ko."
"Iyon bang nag-ngangalang Mariposa,Señorito?"tanong pa nito.Ngumiti lang ako."Nasaan na po siya ngayon?hindi ko na po kasi siya nakikita,Señorito."
"Nasa mabuti na siyang kalagayan."may ngiti sa labing tugon ko.Saglit itong napatitig saakin at kumurap kurap saka muling nilipat ang tingin sa bulaklak na dala ko.Halatang nagugustuhan niya ito kaya bumunot ako ng isang pirasong bulaklak na pink ang kulay saka iniabot sakanya."Sayo na'to."
Unti unti namang nanlaki ang mga mata nito na para bang nabibigla,nasisiyahan at hindi makapaniwala."T-talaga,Señorito?"
Ngumiti ako't tumango tango."Kaya kunin mo na"
Nasasabik niya itong kinuha sa kamay ko."Maraming salamat,Señorito!"tumalon talon pa ito sa tuwa.
natawa naman ako."Wag kang mag-alala,may magbibigay rin sayo ng ganito kagandang bulaklak balang araw."
Maingat kong inilapag sa passenger seat ang isang bungkos na bulaklak na binili ko.Pagkatapos ay sinara na ang pinto at tumungo na sa driver seat.Isang buwan narin ang nakalipas,ngunit malinaw parin sa isipan ko ang mga nangyare sa mga nakaraang buwan,lalo na nung kaarawan ko.Naririto parin sa puso ko ang sakit na idinulot ng mga nakaraan,at mas lalo kong nararamdaman ito sa tuwing naaalala ko ang mga masasakit na nangyare sa nakaraan namin ni Mariposa.Ang sakit lang isipin na kailangan ay may masaktan at mapahamak pa bago maayos ang lahat.
Sa kabila no'n ay masaya parin ako at nagpapasalamat na natapos rin ang lahat ng mga problema't gulo,nagkaroon narin ng kapayapaan ang mga buhay namin,lalo na ang buhay ni Mariposa.Sa wakas ay makakapagpahinga narin siya mula sa mga masasakit at nakakapagod na nangyare.Gano'n rin ako pati na ang mga pamilya namin.Lahat talaga ng bagay ay may hangganan,may katapusan ngunit hindi natin alam kung magiging maganda ba o hindi.Para sa iba,maganda man o hindi ang magiging katapusan ng lahat,ang mahalaga ay lumaban ka.Ngunit para saakin ay walang kwenta parin ang lahat ng laban na ginawa mo kung iyong ipinaglaban mo ay mawawala sa'yo.
Habang nasa kalagitnaan ako ng byahe ay biglang tumunog ang phone ko na nakapatong rin sa passenger seat,dinampot ko ito't sinagot,habang ang kabilang kamay ko nguna ang ipinagmaneho ko."Napatawag ka?"bungad kong tanong sa kapatid kong si Camaro habang ang mga mata ko'y nakatuon sa kalsada.
"Where are you,kuya?ngayon ang uwi ni Dad,magtatampo ang matandang 'yon kapag hindi natin sinalubong sa Airport."
"Dadaan lang ako sa Sementeryo saglit.Mauna ka na sa airport,susunod nalang ako.Don't worry,mabilis lang ako."at pinatay na ang tawag saka binilisan na ang pagpapatakbo.
Ngayon ang dating ni ama rito sa pilipinas galing sa Espanya.Pagkatapos ng mga nangyare ay napagdesisyonan niyang magpahinga roon sa espanya kasama sila Darcio't Cassiano na nauna sakanyang tumungo sa espanya kasama si Camora pati na ang mga Cavallaro,ngunit nagpaiwan nguna ang dalawang kapatid ko roon.Hindi ko alam kung kailan sila uuwi.Sa kabila ng mga nangyare ay nagkaayos parin kami ni Ama,natutuhan niya na ring tanggapin ang lahat.Ngunit si Darcio,simula nung araw na umalis siya ay hindi pa kami nagkakausap,hindi ko alam kung hilom na ba ang sugat sa puso niya dahil sa mga nangyare,kung naglaho na ba ang sakit na dulot ng mga nangyare.
YOU ARE READING
Chasing Butterfly(Señorito Series One)
RomanceLaviente Dragomir Grei,The first son of Don Leonhart Ephraime Grei.Mahal mo kaya kahit na alam mong Mali,Bawal,may masasaktan,magagalit,masisira't maaaring gulo ang kahihinatnan ay heto ka't pilit parin siyang ipinaglalaban.Mahal mo kaya balewala sa...