Señorito 55

2.3K 49 0
                                    

"Ayoko ngunang umuwi sa Mansion,Darcio."Wika ko habang nasa kalagitnaan kami ng daan.Gabi na at nagpresinta siyang ihatid ako sa Mansion ngunit dahil sa nangyare kanina ay hindi ko pa gusto kong umuwi roon.

"Kung gano'n saan mo gustong pumunta?"tanong niya na ang tingin ay nakatuon sa daan.

"Kay Flavio."Tugon ko.Kailangan ko ng makakausap ngayon,at ang kaibigan kong si flavio ang naisipan kong puntahan.Matagal tagal narin kaming hindi nag uusap at nagkikitang dalawa simula nung magkaayos kami.Kahit papaano ay nami-miss ko rin siya,sila ni Swan..
"Who's flavio?"

nilingon ko siya na ngayon ay bahagyang nakasalubong ang kilay habang nakatutok parin ang tingin sa daan.Hindi niya pa siguro nakikilala si flavio."Kaibigan ko."Tugon ko.

"Ang dami mong lalake."aniya nang hindi ako nililingon.

"Nagkakamali ka,hindi ko siya lalake."agarang git ko."Kaibigan ko siya,Darcio.Matalik na kaibigan,at alam iyon ni Dragomir."Paglilinaw ko.Ayokong pag isipan niya ako ng iba.

"Makapag titiwalaan ba ang kaibigan mong 'yon?"tanong niya.Hindi ko naman alam kung bakit natanong niya iyon ngunit sinagot ko nalang.

"Matagal na kaming mag-kaibigan,hindi tatagal ang pagkakaibigan namin kung hindi siya makapagtitiwalaan."

"Mabuti naman kung gano'n"komento niya."Sinisigurado ko lang na magiging maayos at ligtas ka.Hindi kita basta-bastang iiwan sakanya kung hindi siya katiwa-katiwala."

Saglit akong napatitig sakanya dahil sa sinabi niyang iyon,habang siya'y seryoso lang na nagmamaneho.Nakokonsensya ako sa ginawa ko sakanya,suplado man siya at laging galit tingnan pero mabait siyang tao.Kung ano ang nakikita mo sa panlabas niyang anyo ay iyon naman ang kabaliktaran ng kanyang panloob na aniyo.Sakanilang dalawa ni Dragomir,si dragomir itong pinakagusto ng mga tao,dahil lang sa hindi siya namamansin at nakikipag-usap.Pero ang totoo ay may kabutihan sakanyang puso,nararamdaman ko iyon.Nalulungkot ako at naiinis sa sarili dahil sa ginawa ko,nasaktan ko siya ng sobra.Dinamay ko siya sa galit ko.Nagsisisi ako.

Pagkatapos no'n ay wala na saamin ang nagsalita pa,namayani ang katahimikan sa cotse.Ngunit hindi ko na siya hinintay pang tanungin saakin kung saan ang daan patungong bahay nila Flavio,binasag ko na ang namumuong katahimikan.Kusa na akong nagsalita para ituro sakanya ang daan na sinunod niya naman.Madilim na ang langitnng makarating kami sa bahay ni Flavio,siya ang unang bumaba't pinagbuksan ako ng pinto.

"Mariposa?!"tinig ni flavio.Gumuhit ang ngiti sakanyang labi pagkalingon ko sakanya.Bakas ang tuwa sa mukha niya na makita ako"Gabi na,ano't napadaan ka?"naglakad siya palapit saakin.

"She needs you."ang Señorito Darcio itong nagsalita dahilan para mapunta sakanya ang atensyon ni Flavio.

"K-kayo pala,Señorito...Magandang gabi."nakangiting bati niya sa Señorito.

"Magandang gabi rin."bati sakanya ng señorito pabalik.

"Salamat sa paghatid rito,Darcio."baling ko sa Señorito."Mas mabuti sigurong bumalik kana sa hospital,baka hinahanap ka na ng Don."

Nagpakawala ng buntong hininga ang Señorito."I need to go,Flavio."paalam niya sa kaibigan ko."Ikaw na ang bahala kay,Mariposa."

"Makakaasa ka,Señorito."tugon naman ng kaibigan ko.

"Salamat."ani Señorito kay Flavio saka muli akong binalingan."Don't worry,hindi pa mamamatay ang kapatid ko."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tinalikuran niya na kami saka pumasok na sa cotse at tuluyan ng umalis.Napahugot nalamang ako ng malalim na hininga habang tinatanaw ang cotse niyang papalayo,punong puno ng lungkog ang puso ko,ramdam na ramdam ko ang bigat nito lalo na ngayon.

Chasing Butterfly(Señorito Series One)Where stories live. Discover now