"Señorito!Señorito!"Tumatakbong tawag saakin ni Mang Sebastian habang pinapaliguan si Taimas.Narito ako ngayon sa bukid,tumulong ako kanina sa pag-araro.
nahinto ako sa ginagawa ko't inilagay nguna ang tabo sa balde."Ano ho iyon,Mang Sebastian?"naglakad ako palapit sakanya.
"Narito ang unica iha ng Señorita Anastasia.Hinahanap kayo,Señorito."Aniya.Bahagyang nagsalubong ang kilay ko.Si thalia? Ano kayang sadya niya?At sa pagkakaalam ko hindi siya pinapayagan ng Señorita Anastasia na lumabas ng bahay na mag isa.
"S-sige ho,Mang Sebastian.Pakibantay nalang nguna si Taimas,pupuntahan ko lang siya."saad ko't pinuntahan na si Thalia.Naglalakad ako ng matanaw ko na siya,napakunot noo pa ako nang makitang may nakatakip sa ulo't mukha niyang kulay puting belo,Palinga linga pa siya tila ba tinitingnan kung may tao sa paligid.
"Thalia.."tawag ko.
Gulat naman siyang napabaling saakin."S-señorito..."namimilog ang mga matang sambit niya.
"Hinahanap mo raw ako,may importante kabang sasabihin?"nakapamaywang na tanong ko.
"M-meron,Señorito.P-pero pwede bang sa ibang lugar tayo mag usap?baka kasi may makakita saakin rito,baka isumbong ako kay Mommy."nabababahalang aniya.
"Mukhang tumakas ka sa Mansion niyo."
"Hindi naman talaga ako tumakas."giit niya."nakiusap ako sa mga katulong namin pati na sa gwardya,pero ang alam nila sa Mall ako pupunta tsaka may meeting ngayon si Mommy sa company namin kaya nakalabas ako."
"Kung gano'n tungkol saan ang sasabihin mo saakin?"tanong ko.
"Tungkol kay Mariposa."Awtomatiko akong natigilan sa sinabi niya.Tungkol kay Mariposa?"Alam ko kung nasaan siya."dagdag niya na ikinabuhay ng puso ko.
"T-talaga?alam mo kung nasaan si Mariposa?"nabubuhayan at hindi makapaniwalang saad ko.
Tumango tango siya."Oo,alam ko,Señorito.Bukod dito marami pa akong kailangan sabihin sa'yo kaya bilisin na natin,kailangang masabi ko kaagad 'yun sayo hindi kasi ako pwedang matagalan,baka dumating na si Mommy sa Mansion."
Binilisan ko nga ang pagmamaneho papunta sa Mansion.Hindi na ako makapaghintay na malaman kung nasaan si Mariposa pati na ang tinutukoy niyang kailangan ko pang malaman.Ramdam na ramdam ko ang nangingibabaw na kuryusidad sa dibdib ko.Gustong gusto ko ng mahanap at makita si Mariposa,humingi ng tawad at makapagpaliwanag.Gabi gabi nalang na hindi ako nakakatulog ng maayos sa kakaisip,kahit na nasa kalagitnaan ako ng trabaho,siya parin itong tumatakbo sa isip ko.
"Maaari mo na bang sabihin sa'kin kung nasaan si Mariposa ngayon?"sabay lapag ng tray na may lamang cucumber juice at isang baso sa center table saka naupo sa couch.
Nagsasalin siya ng juice sa baso pagkatapos ay sumimsim."Wag ka sanang magalit,Señorito."paninimula niya sabay lapag ng baso sa center table."Ako kasi ang dahilan kung bakit bigla nalang siyang nawala sa Mansion ng Don Grei."
bahagyang umawang ang bibig ko at saglit na napatitig sakanya."B-bakit?"nagtataka't naguguluhang tanong ko.
Nagpakawala siya ng mabigat na buntong hininga."Nangako ako sakanya na tutulungan ko siyang makaalis sa Mansion ng Don Grei,makatakas sa pagpapahirap ng Don at ng Mayordoma niyong si Laverna pati na sa pang-aapit't pang lalait ni Mommy.Hindi ko na kasi kayang tiisin ang ginagawa nila sa kaibigan ko kaya nagpasya ako na gumawa ng paraan para makaalis na siya sa nakakaawa niyang sitwasyon.Iyon nga lang ay hindi ko alam kung saan ako hihingi ng tulong,hindi ko na kasi alam kung saan lumipat sila Tita Amora pagkatapos masunog ang bahay nila.Imposible naman ako makahingi ng tulong sa pulis dahil malakas ang kapit ng Don Grei sakanila hanggang sa biglang pumasok sa isip ko ang isang taong alam kong makakatulong sakanya na makatakas at sigurado akong mailalayo siya't mapoprotektahan mula sa Don Grei at kay Mommy.P-pero...hindi ako nakakasiguro kung matutuwa ka kapag nalaman ko kung sino ang taong 'yon,Señorito."bakas ang kaba,pag-aalala't pagkabahala sa mukha niya ngayon.
YOU ARE READING
Chasing Butterfly(Señorito Series One)
RomanceLaviente Dragomir Grei,The first son of Don Leonhart Ephraime Grei.Mahal mo kaya kahit na alam mong Mali,Bawal,may masasaktan,magagalit,masisira't maaaring gulo ang kahihinatnan ay heto ka't pilit parin siyang ipinaglalaban.Mahal mo kaya balewala sa...