Señorito 43:Dragomir Punto De Vista(Katotohanan)

2.4K 40 0
                                    

Author's Note:Masyadong mahaba mahaba ito,Sana ay mapagtyagan niyong basahin.Maraming salamat!God bless! :>

----------

...Flashback...

"Let me guess,Hindi ka makatulog dahil sa mga titig niya sayo,tama ba ako?"Ani Camaro habang narito kami sa Dalampasigan,nakasakay sa alaga naming kabayo.

Nagpakawala ako ng buntong hininga't napangiti nang muli kong maalala ang nakakakilig na nangyare kahapon sa pier,nahuli ko siyang nakatitig saakin na bahagyang ikinagulat ko,napansin ko pa nga ang kaba sa mukha niya nang mahuli ko siya,iyon din ang unang beses na nagkatitigan kaming dalawa,nginitian ko pa siya ngunit sa kasamaang palad ay tinalikuran niya ako,halatang nahiya siya saakin.

Tama ang kapatid ko,hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kakaisip no'n.Kabisadong kabisado parin ng utak ko kung paano niya ako titigan ng mga oras na'yon,Namumula ang pisnge niya no'n,maging ang maganda niyang labi.Nililipad ang kulot niyang buhok na mas tumitingkad ang pagka-kulay ginto kapag naaarawan,gano'n din ang mga mata niya na namumungay pa ang habang nakatitig saakin.Sa mukha niya palang ay halatang hindi siya purong pilipina,nasisiguro kong may lahi siya.Sa kakaisip ko sakanya ay napanggigigilan ko si Lavimir dahil sa kilig.

"Mapupunit ang labi mo sa kakangiti."paggising saakin ni Camaro mula sa pagkakatulala.

Nabalik naman ako sa wisyo."Tch,Tara na."Saad ko't pinatakbo na si Taimas.

"Saglit lang!"habol ng kapatid ko.

Muli kaming nagkatitigang dalawa nung araw na nag deliver ako ng mga gulay,prutas at rekados sa bayan ng valeriana at hindi ko inaasahang makikita ko siya roon.Magkausap kami no'n ni Mang Sebastian nang makita ko siyang nakatayo sa may gilid ng kalsada,bigla nalamang na kumalabog ang dibdib ko nang mahuli ko siyang nakatitig ulit saakin,napatitig rin ako sakanya dahilan para mabalewala ko ang sinasabi ni Mang sebastian,iyon nanaman ang mangha't hanga sa mga nata niya na nakikita ko nanaman ngayon habang nakatitig saakin,nagiging pilingero tuloy ako.Kakaibang ngiti ang iginawad ko sakanya ngunit sa kasamaang palad ay biglang may dumating na tricycle.

"Maaari ko ho bang malaman ang pangalan ng magandang dilag na'yon,Mang sebastian?"Tanong ko kay Mang sebastian habang pinagmamasdan siyang kausap ang tricycle driver,liningon naman ni Mang sebastian ang babaeng tinutukoy ko,buti nalang ay lumimgon kaagad si Mang Sebastian sakanya bago pa siya makasakay.

"'Mariposa ang pangalan niya,Señorito.Bago silang lipat rito sa Valeriana."

Mariposa,Nakakabighaning pangalan.Bagay na bagay sa kagandahan niya.Hindi ba ang ibig sabihin ng Mariposa ay Paru paro?"Napakaganda niya namang paru paro."komento ko.

Tumawa si Mang Sebastian."Mukhang tinamaan ka ata sa babaeng 'yon,Señorito."

"Sobra,Mang Sebastian."may ngiti sa labing saad ko habang tinatanaw ang tricycle na sinakyan niya na paunti unti ng nakakalayo.

Kwinento ko kaagad kay Camaro ang nangyareng ito,maging ang pangalan ng babaeng 'yon ay sinabi ko sa kapatid ko.Ang malaman ang pangalan niya ay malaki ng kasiyahan para saakin.Bagong lipat pala sila rito kaya pala hindi ko siya kilala at ngayon ko palamang siya nakita rito.Ngunit natutuwa ako na dito sila sa Valeriana lumipat,kung sa ibang bayan sila lumipat ay hindi ko makikita ang paru-parong magpapatibok sa puso ko.Mariposa.Paulit ulit na sumasalpak sa utak ko ang pangalan niya,minsan ay nasasambit ko pa nang may ngiti sa labi.Kakaibang pangalan,kakaiba pang kagandahan.Sa tuwing nakakakita ako ng paru paro sa hardin ay siya itong naaalala ko.

Chasing Butterfly(Señorito Series One)Where stories live. Discover now