Señorito 44:Dragomir Punto De Vista(Katotohanan)

2.7K 54 0
                                    

...Flashback...

Lahat ginawa ko para maipakita't maiparamdam sakanya na malinis ang intenston ko,totoo ang nararamdaman ko't sinsero ako sa lahat ng ginagawa ko't binibitawang mga salita.Gustong gusto ko ang ginagawa kong pagsisilbi sakanya hindi dahil sa nililigawan ko lang siya kundi dahil sa gustong gusto ko ang ginagawa kong pagsisilbi sakanya pati na kay Tiya Amora.Balewala saakin ang pagod dahil Mahal ko naman ang babaeng pinagsisilbihan ko.Makita ko lang siya,lalo na ang mahihinhin niyang mga ngiti ay nakapagpahinga na ako.Ngunit nalulungkot parin ako na sa kabila ng mga ginawa kong iyon ay wala paring tiwala saakin ang kapatid niyang si Diegho.Ngunit sa kabila no'n ay hindi parin iyon naging dahilan para sumuko ako,pinagpatuloy ko ang panliligaw kay Mariposa,napagpasyahan ko pang isama siya sa Vienbenido nang sa-gano'n ay maipasyal ko man lang siya sa isa sa mga magandang islang napuntahan ko na.At hindi ko inaasahan na sa araw at lugar na iyon ay doon ko makukuha ang pinakahinihintay-hintay kong matamis niyang Oo.Daig ko pa ang nanalo sa Lotto sa sobrang sayang naramdaman ko,halos magsisisigaw ako.Kaya naman makalimutan ko na ang lahat ng magagandang islang napuntahan ko na huwag lang ang isla ng Vienbenido,hinding hindi ko ito gugustuhing makakalimutan ang hanggang sa pagtanda ko dahil dito sa islang ito nagsimula ang lahat saamin ni Mariposa.

Hindi kaagad ako nakatiis na ikwento kay Camaro at sa mga kaibigan ko ang tungkol dito.Mas nagkaroon pa kami ng magagandang alaala simula ng maging kami,Hindi parin ako makapaniwala na ang babaeng dati ay tinititigan ko't pinagmamasdan ko lang ay Girlfriend ko na ngayon.Balewala saakin kung isa man siyang Mastrantonio,mahal ko siya at patagal ng patagal ay mas lalo ko siyang minamahal na halos ay ituring ko na siyang mundo ko at mas lalo rin siyang gumaganda sa paningin ko.Tanging siya lang itong magandang babae sa paningin ko,mananatili habang buhay at natatangi ko.Kahit anong kanta,kakantahin ko sa harap niya at lahat ng kantang iyon ay tanging sakanya ko lang inaalay.Nasasakop niya palagi ang isip ko,sa pag-gising ko sa umaga hanggang sa pagtulog ko sa gabi,sabik na sabik ako palagi na makita siya,makasama,mayakap,at mahalikan.Walang araw na hindi ako umaalis ng hindi nguna siya ginagawaran ng halik,hindi rin ako magastos na tao pero pagdating sakanya handa akong gastusin lahat ng pera ko,dahil mahal na mahal ko naman ang manginginabang.Simula ng maging akin lahat ng pera't ari-arian ko ay pag-aari niya narin.

Gusto kong ipakita't patunayan kay ama na mabait at mabuting tao si Mariposa,hindi tulad ng inaakala niya na masama ang ugali tulad ng mga Mastrantonio.Kaya nag desisyon akong isama siya sa Espesyal naming dinner sa Hotel.Nasiyahan naman ako na kahit papaano'y naging maayos ang pag uusap nila Ama't mariposa kahit na may mga katanungan siyang ibinabato sa Girlfriend ko na hindi ko gusto,buti nalang ay mabait si Mariposa't totoo,dahil nasasagot niya ito ng maayos at walang pagsisinungalin sa kabila ng kabang nararamdaman niya kay Ama.

"Salamat,iha."hindi ko inaasahang yayakapin niya si Mariposa."Nice to meet you."At nakipag kamay pa."Sana ay magkaroon din ako ng pagkakataon na makilala rin ang Nanay at ang kapatid mo."iyon ang huli niyang sinabi Kay mariposa bago tuluyang nag paalam at naglakad paalis.Ngunit nakaramdam ako ng kaba sa huling sinabi niyang iyon kaya nagpaalam nguna ako kay Mariposa para habulin si Ama.

"Ama!"habol ko kay ama bago pa siya makasakay ng tuluyan sa cotse.

nagpakawala siya ng buntong hininga't humarap saakin"Ano iyon,Laviente?"

"Gusto ko lang sabihin na...mabait at mabuting tao si Mariposa pati na ang Nanay at kapatid niya,nakita niyo naman kung gaano siya kagalang sainyo,hindi ba?hindi siya tulad ng inaakala niyo,Ama.Dugo man ng mga Mastrantonio ang nananalaytay sa ugat niya,ngunit mabuti ang kalooban niya.Hindi siya masamang tao,saksi ako kung ganoo siya kapatid,para siyang si Ina,Ama.Kung kikilalanin niyo pa ng lubusan si Mariposa,magbabago ang isip niyo."buong lakas ng loob kong sinabi iyon.

Chasing Butterfly(Señorito Series One)Where stories live. Discover now