Señorito 56

2.4K 41 0
                                    

"Anong ginagawa mo rito sa teritoryo namin?"

kinabahan ako nang makasalubong namin si Antheros pagkababa namin ng hagdan para mag almusal.Kung gano'n hindi pa pala alam ni Antheros na naririto si Dragomir,natatakot tuloy ako na baka magkagulo nanaman rito.

"Tinatanong pa ba'yun,Antheros?"pabalik na tanong ni Dragomir.Parehong masama ang awra nila sa isa't isa,Si antheros naman ay parang kaunti nalang ay susugurin niya na si Dragomir sa talim ng mga tingin niya."Handito ang Mahal ko,kaya ako handito."

"Wala ka talagang takot noh?bugbog sarado na nga ang nakuha mo sa mga tauhan namin,ang lakas parin ng loob mong pumunta rito?ang sarap basagin 'yang bungo mo."

"Antheros!"nananaway ang tinig ko."Si ama ang nagpapasok sakanya rito."

Nakita ko ang pag igting ng panga niya."Si Ama?"hindi makapaniwala't galit na aniya."Bullsh*t!"mura niya't naiinis na naglakad papuntang opisina ni ama.Sa wakas ay umalis na rin siya,nakahinga narin ako ng maluwag.

Tulad ng sinabi niya'y nilutuan niya nga ako ng almusal at pinagtimpla pang gatas."Gatas para sa babaeng mahal na mahal ko."may matamis na ngiti sa labing saad niya at maingat na inilapag sa lamesa ang tasa.

"Salamat,Mahal."nakangiting saad ko.

Pinagmamasdan ko siya habang nagluluto,hindi ko mapigilang mapangiti.Wala naman siyang ginagawa pero kilig na kilig ako rito.Pagkatapos niyang magluto ay nag almusal na kami,ako na sana itong maghuhugas ngunit pinigilan niya ako,mas mabuti raw kung maligo na ako at siya nalang ang bahala sa mga hugasin.Aakyat nalang raw siya pag tapos na.Paglabas ko ng banyo ay naabutan ko siya rito sa kwarto na inaayos ang hinigaan ko.Nakalimutan ko kasing ayusin kanina.

"Ako na ang bahalang magwalis ng mga dumi,Mahal."saad ko nang damputin niya ang walis tambo.

"Hindi na,Mahal.Baka madumihan ka pa."Aniya at nagsimula ng walisin ang mga dumi sa sahig.Pagkatapos niyang mag walis ay nagpaalam na nguna siyang lalabas saglit para makapag-bihis ako."Lalabas nguna ako para makapagbihis ka,Mahal."Isa sa nagustuhan ko sakanya ay may respeto siya saakin,nirerespeto niya ang pagiging babae ko.

Simpleng bestida lang ang isinuot ko at hindi narin ako nag ayos ng sobra,flat sandals rin lang ang sinuot kong sapin sa paa.Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako,nadatnan ko siyang ngingiti ngiting tinitingnan ang malaking portrait ko na nakasabit sa pader.Nasa Mexico ako ng mga araw na'yan nung gawin ang portrait na'yan.

"Mahal,tara na."aya ko sakanya dahilan para maputol ang pagkakatitig niya sa portrait ko at mapalingon saakin.

Ngumiti siya."Pwede ko bang nakawin 'tong portrait mo?"

Napahagikhik ako."Baka magalit si Ama,Mahal."gustong gusto panaman ni Ama ang portrait ko na'yan.Hindi papayag 'yon.

Nagpaalam nguna kami kay Ama,bago umalis.Hindi talaga ako makapaniwala na pumayag na si Ama na lumapit saakin si Dragomir.Naiiyak tuloy ako dahil sa tuwa.Habang nasa kalagitnaan kami ng byahe ay kwinento saakin ni Dragomir ang naging pag uusap nila ni Ama.

"Hindi ako pumunta rito para gumawa ng gulo,Valencio.Si Mariposa,ang anak mo ang ipinunta ko rito,gusto ko siyang makita at alam kong nag aalala siya sa kalagayan ko." alam kong kahapon pa siya nag aalala saakin,ayoko naman na hanggang ngayong umaga ay ipag-alala ko pa siya.Pagkagising na pagkagising ko ay siya kaagad itong pumasok sa isip ko,tumakas lang ako ng hospital at tanging si camaro lang no'n ang nakakaalam.

"Kung gano'n sumama ka sa'kin,nais kong makausap ka."makapangyarihan at seryosong aniya.Pareho sila ni ama,kung makapag-utos at magsalita ay masyadong makapang-yarihan.

Nagkalat ang mga gwardya't tauhan niya sa labas,hindi ko alam kung sila ba ang mga nakalaban ko kahapon o panibagong tauhan ng mga Mastrantonio.Kumpara sa bilang ng mga tauhan at gwardya ni Ama,mas marami ang tauhan at gwardya ng mga Mastrantonio at lahat sila ay may kanya-kanyang hawak na mahahabang baril.

Chasing Butterfly(Señorito Series One)Where stories live. Discover now