Pagdating ko sa bahay ay kwinento ko kaagad kay Nanay ang mga naganap kanina,isa na doon ang pagbili saakin ng Señorito ng maganda't eleganteng bestida sa isang mamahaling botique.Pinakita ko pa nga iyon kay nanay,manghang mangha siya sa ganda ng bestida,tila ba kumikinang pa ang mga mata niya habang pinagmamasdan ito.Sa itsura palang ng bestida ay mahahalata mo ng mamahalin,narinig ko sa sales lady ng botique na iyon na ang bestidang ito ay gawa pa sa paris pati na ang iba pang bestidang naroroon,pag aari daw ng isang sikat na model sa paris ang brand ng bestidang iyon.
"Nakakahiya sa Señorito,Anak.Siya na nga ang sumagot sa mga gamit mo sa iskwelahan pati na ng tanghalian,binilhan ka pa niya ng ganoon kagandang bestida."Komento ni Nanay habang nagmemeryenda kami ng ginataang saging na luto ko.
"Nakakahiya nga po talaga,Nay.Pinipigilan ko naman po siya kaso masyado siyang mapilit at makulit,espesyal daw ho kasi ako sakanya."
"Espesyal?!"nabibiglang utas ni Nanay na muntik pang masamid habang umiinom ng kape.Dahil sa naging reaksyon niya ay do'n ko lang narealize kung ano ang sinabi ko!"Sinabi iyon ng Señorito,Anak?"hindi makapaniwalang saad ni Nanay.
Wala na akong magagawa pa para bawiin iyon.Nadulas na ako."Opo,Nay."
"Hindi kaya,may gusto sa'yo ang Señorito,Anak?"inaasahan ko ng maghihinala si Nanay.Masyado kasing makahulugan ang salitang espesyal,kaya alam komg magdududa talaga si Nanay.
"Hindi naman po siguro,Nay."tanggi ko kahit iba ang nararamdaman ko.Sa mga salita palang na binibitawan ng Señorito lalo na kanina ay talagang maghihinala ka,masyado kasing makahulugan kaya hindi mo mapipigilan.Ngunit pilit ko itong iwinawaksi saaking isipan,dahil ayokong maging assumera.Gusto ko ay manggaling mismo ito sa bibig ng Señorito kesa sa mag umasa ako.
"Matagal na ba kayong magkaibigan ni Flavio?"hindi ko inaasahang tanong niya isang hapon ng Sabado habang narito kami sa Jeep Gladiator niya,papunta sa plaza.Inaya niya kasi akong mag tusok tusok,este mag Street foods.
"Oo,Señorito."
"Since when?"sinulyapan niya ako.
"Simula pa nung bagong lipat kami rito sa Valeriana.Siya kasi itong unang nag approach saakin,mahiyain kasi ako."tugon ko.Bago kami naging magkaibigan ni Thalia ay si flavio nguna itong nauna.
"Kung ganon matagal na pala,Wala kabang nararamdaman sakanya,tulad ng paghanga o pagkagusto?"tanong pa niya,Medyo naguguluhan ako kung ba't niya ito tinatanong pero sinagot ko nalang.
"Mahal ko siya bilang kaibigan,Señorito."Kaibigan lang talaga ang turing ko kay Flavio.Oo,mahal ko siya pero bilang kaibigan lang.Alam ko namang gano'n rin saakin si Flavio.
"Bakit?wala ba kay Flavio yung katangiang gusto mo sa isang lalake?"sunod pa niyang tanong.Nagtataka na talaga ako kung ba't ganyan nalamang ang mga ibinabato niyang katanungan saakin.
"Hindi naman sa wala,Señorito.Sadyang iyon lang talaga ang nararamdaman ko para kay Flavio."paliwanag ko.Nakita ko naman ang biglaang pag silay ng ngiti sakanyang labi matapos kong sabihin iyon.
"Ano bang gusto mo sa isang lalake?"nilingon niya ako.Saglit akong napatitig sakanya,halatang interisado siyang malaman.
Tipid akong ngumiti't inalis ng tingin sakanya saka ibinalik ang tingin sa harap ng kalsada."Unang una,Mabait"paninimula ko.
"Hindi sa pagmamayabang pero maraming nagsasabi na mabait ako,itanong mo pa sa mga taga Valeriana."sabat niya dahilan para muli akong mapalingon sakanya na ngayon ay may ngiti sa labing nakatingin na sa daan.
"'Yun lang ba?"nilingon niya ako nang mahalatang natahimik ako.
"Sye-syempre maalagain,Señorito."dagdag ko pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/343829670-288-k221924.jpg)
YOU ARE READING
Chasing Butterfly(Señorito Series One)
RomanceLaviente Dragomir Grei,The first son of Don Leonhart Ephraime Grei.Mahal mo kaya kahit na alam mong Mali,Bawal,may masasaktan,magagalit,masisira't maaaring gulo ang kahihinatnan ay heto ka't pilit parin siyang ipinaglalaban.Mahal mo kaya balewala sa...