Sumapit ang Miyerkules,araw kung kailan namin napagplanuhan ni Flavio na mag enroll sa DVU(Del Valiente University).Buti nalang ay inagahan ko ang pag punta rito dahil ang haba ng pila.Mga saktong alauna kasi ay handito na ako,nauna ako kay Flavio dahil may inasikaso muna siya.Nakapag enroll kaagad ako,habang si Flavio ay kasalukuyan paring nakapila hanggang ngayon.
Napagpasyahan ko ngunang maglibot libot rito sa Campus habang naghihintay kay Flavio.Totoo ngang napaka-prestihiyosyo ng unibersidad na ito,napakaganda pa't napakalinis.May basketball at volleyball court,soccerfield,music room at marami pang iba.Isa pa'y ang lawak ng Cafeteria nila pati na ang library,Lahat ng room ay mayroong tig iisang aircon.Parang nga unibersidad lang sa ibang bansa ang unibersidad na ito.Nakaka-enganyo talagang pumasok.
"Ang swerte ko't nakapasok ako sa ganito kagandang unibersidad."bulong ko sa sarili ko habang narito sa kalagitnaan ng ground nakatayo't iginagala ang paningin sa mga nagtataasang building."Pangako ko na mag aaral ako ng mabuti,hindi ko sasayangin ang scholarship na binigay saakin."humugot ako ng malalim na hininga sabay ngiti.Isang biyaya ang mabigyan ng scholarship at makapag aral sa ganito kagandang iskwelahan.
"Nakaharang ka sa daanan ko,Miss."
Awtomatiko akong natigilan nang biglang mangibabaw ang supladong tinig na iyon ng isang lalake mula sa likuran ko.Dahan dahan ang naging pagkilos ko paharap sa kung sino mang lalakeng ito,at ganoon nalamang ang gulat ko nang paglingon ko ay tumambad ang supladong mukha ng Señorito Darcio,ang pangalawang anak ng Don Grei.Bagay na bagay sakanya ang suot niyang eye glasses.
"Tutungaga kanalang ba diyan o tatabi ka?"
Napalunok ako sa naging tono ng boses niya pati na nang taasan niya ako ng isang kilay."Pa-pasensya na ,Señorito."nakayukong saad ko't tumabi na para makadaan siya.Iritado siyang bumuntong hininga't nilampasan na ako.
Sinundan ko siya ng tingin na ngayon ay naglalakad na palayo saakin,ngunit bigla kong narealize na sa laki't hiwas ng ground na ito,ano't ako pa itong nag adjust eh pwede naman na umiba nalang siya ng dereksyon ng dadaanan?Sabagay,Señorito siya,anak ng isang Don kaya kung ano ang gustuhin niya'y iyon ang masusunod.Hindi na ako magtataka kung ba't dito siya nag aaral,bagay na bagay sakanila ang university na'to dahil karamihan sa mga estudyanteng naririto ay mayaman at sikat,isa na sila do'n.
Nag-umpisa na akong lumakad palayo sa kinatatayuan ko kanina ngunit biglang may humarurot na motorsiklo sa dadaanan ko dahilan para mapahinto kaagad ako,sa bilis ay muntik ng tumaas ang suot kong palda buti nalang ay natakpan ko kaagad ng kamay ko at muntik narin akong masagasan buti nalang din ay alerto ako.Ang bilis naman kasing magpatakbo ng lalakeng 'yon!
"Ang Señorito Camaro!"Tilian ng mga babae.Señorito Camaro?Kaagad akong napalingon sa gawi ng mga babaeng nagtitilian at do'n ay nakita ko ang pinagkakaguluhan nila,iyong naka motorsiklo kanina na muntik na akong mabangga,walang iba kundi ang Señorito Camaro pala!
Kung pagkaguluhan siya ng mga kababaihan ay para bang isa siyang Hollywood Actor.Maging ang kanyang Motorsiklo ay gwapong gwapo ang dating tulad niya,pormadong pormado pa.Sa stilo palang ng motor niya'y masasabi ko ng mamahalin.Pinanood ko siyang bumaba ng motor,inalis niya ang kanyang sungglasses sabay ngisi't kindat sa mga babae dahilan para mas lalong lumakas ang tilian ng mga ito.
Nang mapansin kong papalingon siya rito sa gawi ko ay mabilis kong inalis ang paningin sakanya't naglakad na papalayo.Baka kung ano pa kasing isipin niya kapag nahuli niya akong nakatingin sakanya.Napagdesisyonan ko nalang na tumungo sa Waiting area,sa labas nitong University para do'n nalang hintayin si Flavio.
Ngunit hindi ko inaasahang paglabas ko ng gate ay siya kaagad ang nahagip ng mga mata ko dahilan para matigilan ako.Walang iba kundi ang Señorito Laviente Dragomir,nasa kabilang kalsada siya't naghihintay na makatawid.Iyon nanaman ang biglaang pagkalabog ng dibdib ko nang magtagpo na ang mga mata namin sa isa't isa.Bahagya pa siyang nagulat nang makita ako.
YOU ARE READING
Chasing Butterfly(Señorito Series One)
रोमांसLaviente Dragomir Grei,The first son of Don Leonhart Ephraime Grei.Mahal mo kaya kahit na alam mong Mali,Bawal,may masasaktan,magagalit,masisira't maaaring gulo ang kahihinatnan ay heto ka't pilit parin siyang ipinaglalaban.Mahal mo kaya balewala sa...