Señorito 30

2.6K 52 0
                                    

Tahimik ang buong sulok ng kwarto nang magising ako.Dahan dahan akong bumangon saka iginala ang paningin sa paligid,hinahanap ang Señorito Dragomir,Ngunit wala siya.Ako lamang ang tao rito.Saka ko lang din napagtantong wala pala akong saplot,tanging ang makapalan na kumot ang nagsisilbing takip saaking hubad na katawan.

Bigla naman akong kinabahan,pinakiramdam ko ang aking sarili,wala namang masakit saakin maging sa aking kaselanan ay wala naman akong kirot na nararamdaman.Inalala ko ang mga nangyare saamin kanina ng Señorito,nakahinga naman ako ng maluwag at naging kampante nang maalalang hindi naman kami umabot sa bagay na iyon.Buti nalang ay may limitasyon siya.

Umalis na ako sa kama't isinuot ng muli ang mga saplot ko na maayos ng nakapatong sa couch,alam kong siya ang nag lagay nito dito dahil nagkalat ang mga ito sa sahig kanina bago ako nakatulog.Pagkatapos kong magbihis ay inayos ko nguna ang medyo magulo kong buhok sa harap mg salamin.Hindi ko naiwasang mapatingin sa mga maliliit at namumulang marka saaking leeg,Tinakpan ko nalamang ito ng kulot kong buhok at pagkatapos ay lumabas na para hanapin ang Señorito at ipapatay sakanya ang aircon sa kwarto,hindi ko kasi alam kung paano.

Sa laki at hiwas ng Mansion niya'y pakiramdam ko ay nawawala na ako,hindi ko alam kung saan siya hahanapin.Habang palinga linga ako't naglalakad ay bigla akong may narinig na para bang tunog ng isang puching bag na pinapaunalan ng suntok.Sinundan ko kung saan ito nagmumula.Dahan dahan lang ako sa paglakad hanggang sa mahanap ko na kung saan ang pinanggagalingan ng tunog na iyon.Awtomatiko nalamang akong napahinto sa paglalakad at bahagyang umawang ang bibig ko nang makita ang Señorito Dragomir na pinapaulanan ng suntok ang isang punching bag na naka bitin habang nakasuot ng boxing gloves.Kumikintab kintab ang malapad at makisig niyang likod dahil sa pawis,sumasabay ang tensyonado niyang mga muscles sa likod pati na ang muscles niya sakanyang braso habang sumuntok,umiigting rin ang kanyang mga ugat sa braso.Saka ko lang din napagtantong isang work out room pala itong pinasukan nang igala ko ang paningin sa paligid nitong room dahil lahat ng makikita mo ay mga gamit pang ensayo.

Hindi paman niya ako nakikita dahil nakatalikod siya saakin at nararamdamab ang aking presensya ay dahan dahan na akong naglakad palapit sakanya."Pawis na pawis ka na,Mahal."

Awtomatiko siyang natigilan nang marinig ang boses ko.Sumasabay pa ang likod at balikat niya sa paghinga,hingal na hingal siya.Nagpakawala siya ng hininga sabay harap saakin."Gising ka na pala,Mahal."may ngiti sa labing aniya.

Hinubad niya ang kanyang boxing gloves at ipinatong ito sa kulay itim na bench na malapit sa may Treadmill sa kinuha dito twalya't nagpunas ng pawis sakanyang noo,buhok at katawan.Pagkatapos ay sinampay niya ang twalya sakanyang kabilang balikat at ngingiting lumapit saakin.

"Mukhang napasarap ata ang tulog mo,Mahal."nakangiti niyang hinalikan ang ibabaw ng isang kamay ko saka marahan akong hinila palapit sakanya.Ipinatong niya ang dalawang kamay ko sakanyang balikat saka hinawakan ako saaking baywang."Namumula pa ang labi mo,Mahal."Aniya sabay dampi ng halik saaking labi.Napansin ko nga rin ito nang manalamin ako.

"Hi-hindi ko pala napatay yung aircon sa kwarto,hindi ko kasi alam kung pa'no,Mahal."nahihiyang saad ko.

Humagikhik siya."Ako na ang bahala do'n,Mahal."

Gabi niya na ako nauwi sa bahay,doon niya na kasi ako pinakain ng gabihan.Dumaan pa kami sa bayan para bumili ng pasalubong kila Nanay.Hindi nagtagal ang Señorito sa bahay,nagpaalam rin kaagad siya.Kwinento ko naman kay Nanay kung gaano kaganda ang Mansion ng Señorito Dragomir,sa kwento ko palang ay napahanga't namangha na si Nanay,kahit hindi niya pa raw ito nakikita ngunit base sa kwento ko ay alam niya na raw na maganda ang pagkakaayos at pagkakatayo nito.

Mahal:

'I've printed your Chapter 1 and SOP already,Mahal ko.'

Iyon ang laman ng text niya nang basahin ko ito.Tulog na sila Nanay at tahimik na ang paligid nang matanggap ko ang text niyang ito.Nakangiti akong nag reply.

Chasing Butterfly(Señorito Series One)Where stories live. Discover now