Warning:This Chapter contains Spg scene!
---
"¿Estás lista,hermana?" 'Are you ready,Sister?'
Nasa kalagitnaan ako ng pag iisip habang nakatayo rito sa harap ng malaking bintana't sumisimsim ng Amalia wine nang biglang mangibabaw ang tinig ng kapatid kong si Antheros.Dahan dahan akong humarap sakanya't ginawaran siya ng simpleng ngiti.
"Matagal kong pinaghandaan ang araw na'to,Antheros."saad ko.May mga bagay man na labag sa loob kong gawin,wala akong magagawa kundi ang ituloy ito dahil parte ito ng paghihiganti ko."¿Dónde está?" 'Where is he?'Tanong ko.
Ngumisi siya't nagsimulang maglakad palapit saakin."Ya está en la habitación."'He's already in the room.' Aniya sabay hinto sa harapan ko."Kaya ano pang hinihintay mo?puntahan mo na siya."at kinuha mula sa kamay ko ang wine glass saka nilagok ang natitira pang alak rito.Pinagmasdan ko siya hanggang sa maubos ito."Kinakabahan ka?"may ngisi sa labing tanong niya.Hindi ako sumagot,binigyan ko lamang siya ng walang reaksyong tingin.
Matunog siyang ngumisi't naglakad papunta sa center table,kinuha niya ang isang bote ng Amalia saka muling naglakad palapit saakin.Ngingisi ngisi siya habang sinasalinan ang wine glass."Isa kang Mastrantonio.Ang pagiging Mastrantonio mo ang makakatulong sayo na makapaghiganti ngunit hindi mo magagawa 'yon kung hindi mo alam kung pa'no maging isang Mastrantonio.You should know how to be Mastrantonio,para mapagtagumpayan mo ang plano mo."
Inagaw ko sa kamay niya ang wine glass ng akmang lalagukin niya ulit ang alak na isinalin niya rito."Buo na akong Mastrantonio ngayon,Antheros."giit ko."Bakit,Hindi pa ba sapat itong mga ibinago ko sa sarili ko?"may katarayang tanong ko.
Nagpakawala siya ng mahinang tawa't muling kinuha sa kamay ko ang wine glass sabay simsim rito ng hindi inaalis ang nakangising mga mata saakin.Kung paano niya ako ngisian ay hindi ko gusto,para bang nakikipag lokohan ako sakanya."Hindi lang sa kilos,ugali,pananalita't pananamit."Aniya pagkatapos sumimsim.Awtomatiko namang nagsalubong ang kilay ko."Kailangang buhay rin sa utak at puso mo ang pagiging Mastrantonio."
"Buhay na buhay,Antheros."may diing giit ko."Hindi na ako tulad ng dati."Kumiyom ang mga kamao ko sabay tingin sa gawi ng bintana.Muli kong inalala ang mga pang-aapi,panglalait,pangkakawawa,panloloko't sakit na natanggap ko sa walang hiya't awang mga taong 'yon.Umiigting ang panga ko sa sobrang galit na nararamdaman ko."Huwag mo nguna akong pangunahan dahil magsisimula palang ako ngayon,Antheros."at dahan dahang ibinaling muli ang tingin sakanya.
Nanatili ang ngisi sakanyang labi ngunit iba na ang dating nito tila ba nagugustuhan niya ang nag uumapaw na galit at panggigigil na makapaghiganti na nakikita niya saakin."Prove it,Then."
"Gust mo ng patunay?"panghahamon ko saka kinalas ang pagkakatali ng pangibabaw kong roba nang hindi inaalis ang umaalab kong mga mata sakanya pagkatapos ay hinubad ito,dahan dahan pa itong dumausdos pababa hanggang sa tuluyan na itong mahulog sa sahig.Bumalandra ang suot kong Gold chemise satin dress na kalahati lang ng aking hita ang natatakpan."Dito ko uumpisahan,Antheros."saad ko.Dahan dahan niyang pinasadahan ng tingin ang nakalantad kong mga hita ng kagat kagat ang ibabang labi.
Ilang saglit pa'y gumuhit ang ngisi sakanyang labi sabay angat ng paningin saakin."That's my baby girl."ngingisi ngising komento niya.
"Matitikman nila ang bangis ng isang paru-parong kinawawa't inapi-api nila."at taas ng noong nilampasan si Antheros.Sisimulan ko na ang plano ko.Pagsisisihan nila ang lahat ng ginawa nilang panloloko,pananakit,panglalait at pang aapi saakin.Sisiguraduhin kong manggigigil sila sa galit at inis at ipaparamdam ko sa taong 'yon ang ipinaramdam niyang hirap at sakit saakin.Hindi sila makakatakas sa paghihiganti ko.
YOU ARE READING
Chasing Butterfly(Señorito Series One)
RomanceLaviente Dragomir Grei,The first son of Don Leonhart Ephraime Grei.Mahal mo kaya kahit na alam mong Mali,Bawal,may masasaktan,magagalit,masisira't maaaring gulo ang kahihinatnan ay heto ka't pilit parin siyang ipinaglalaban.Mahal mo kaya balewala sa...