Señorito 40

2.4K 49 2
                                    

Dahil sa ginawang iyon ng Señorito Darcio,pakiramdam ko'y mas lalong nainis saakin ang Mayordoma.Nakikita ko ang pagpipigil niya ng kanyang inis saakin,kung siguro wala ang Señorito Darcio rito sa Mansion ay paniguradong kanina niya pa ako sinugod.Kung paano niya kasi ako tingnan habang tumutulong sa mga kasambahay sa mga gawain ay para bang gustong gusto niya akong durugin,para bang may lumalabas na usok sakanyang ilong at tainga.Hindi ko naman ginusto iyon,hindi ko nga inaasahan ang pagdating ng Señorito Darcio.Ngunit naalala ko na sinabi niya pala saakin bago siya umalis kaninang umaga na babalik siya.

Tinulungan ko parin si Manang lucing sakanilang mga ginagawa.Nabalitaan ko din sa mga kasamabahay na nasa Espansya na pala sila ni Camora,kakaalis palang kagabi.Muling nabuhay ang sakit at lungkot sa dibdib ko nang mabalitaan iyon at ng maisip na magkasama sila roon,masaya't nag-iibigan.Bakit nga ba ako nagtiwala sa'yo?Lolokohin mo lang pala ako at iiwan.Pinagsisisihan ko na ngayon na inibig pa kita,Señorito Dragomir.

Pagsapit ng gabi ay sabay sabay ulit kami nila Manang lucing kumain,tumulong ako sa pagligpit ng mga kalat,paglinis ng lamesa't paghugas ng mga pinagkainan.Pagkatapos ay tumungo na roon sa bodego bitbit ang lampara,bilang ilaw papunta roon.Pagkatapos maghilamos at magbihis ay humiga na ako para matulog,tumagilid ako ng higa paharap sa nagiisang bintana nitong kwarto at pinagmasdan ang kalangitan na punong puno ng mga nagkikislapang bitiuin.Naalala ko pa no'n nung sabay namin itong pinagmamasdan sa dalampasigan,parehong masaya't may ngiti sa mga labi,ang sarap sa pakiramdam na kasama mo ang mahal mo habang sabay ninyong pinagmamasdan ang magandang kalawakan,Ngunit nalulungkot ako na hindi na iyon mauulit pa.

Unti unti ng pumikit ang mga mata ko,hanggang bigla nalang akong may naramdamang braso sa dahan dahang yumayakap saakin."Dito ulit ako sa tabi mo matutulog."

Awtomatiko akong napamuklat nang marinig ang tinig na iyon ng Señorito Darcio,tumaas pa ang balahibo ko sa batok nang tumama rito ang hininga niya."S-señorito..."Mahina ngunit may bakas ng pagkagulat na saad ko.

"Ang bango mo.."anas niya at naramdaman ko ang marahang pagdampi ng labi niya saaking batok.Nanatili paring nakaharap sa kalangitan ang namimilog kong mga mata habang marahan niyang dinadampian ng halik ang leeg ko.Maya maya pa'y hinigpitan niya ang pagkakayakap saakin na sa sobrang lapit ko na sakanya ay ramdam na ramdam ko na siya."Goodnight,Mariposa.."iyon ang huli kong narinig sakanya.

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog habang nasa sitwasyong iyon.Magbubukang liwayliway palang ng magising ako at paggising ko ay wala na sa tabi ko ang Señorito Darcio.Sa maliit ma lamesa kaagad ako napalingon pagkabangon ko,may nakalagay na kasi ritong termos,isang tasang nakatiulob,kutsara,isang supot ng mamahaling at imported na tinapay,isang imported na kape at palaman na nakalagay pa sa mababasaging garapon.At sa termos ay may nakadikit na stiky notes na may nakasulat na 'You should breakfast first,Pretty.', -Mister President.' Naramdaman ko ang pagsilay ng ngiti sa labi ko nang may maalala dito.Ngunit kaagad ko rin na iwnaksi ito sa isipan.

Pagkatapos kong mag almusal ay naligo na ako,nagbihis at nag ayos saka bumaba na para magtrabaho.Nadatnan ko sila Manang lucing na nag-a-almusal palang,sila kaagad itong bumati saakin na binati ko rin naman pabalik at ginawaran ng magandang ngiti.Dahil sakanila ay nami-miss ko sila Mang Sebastian at ang iba pang magsasaka roon na sa tuwing pumupunta ako sa bukid ay binabati kaagad nila ako at ginagawaran ng magagandang ngiti.Kamusta na kaya sila?pati sila Nanay at Diegho?Tuloy ay nakaramdam ako ng lungkot.

"Halika na't mag almusal,Iha."aya saakin ni Manang lucing.

"Nag-almusal na ho ako,Manang Lucing.Pagkagising ko po kasi may tinapay at kape na sa lamesa."Saad ko.

"Uyy,Alagang alaga ng Señorito Darcio..."panunukso nila saakin na ikinabigla ko.Lahat sila ay nanunukso ang mga tingin at ngiti saaking maging si Manang Lucing.Mukhang alam nila kung sino ang nagdala saakin ng mga 'yon sa kwarto at mukhang nahahalata rin nila amg Señorito Darcio.

Chasing Butterfly(Señorito Series One)Where stories live. Discover now