Señorito 15

2.9K 72 0
                                    

"Alam na ba ni Flavio na nililigawan kita?"tanong ng Señorito habang naglalakad lakad kami rito sa dalampasigan.

Tinatangay ang kulot kong buhok ng hangin pati na ang suot kong pambahay na bestida.Buti nalang nag blazer ako dahil strapless itong bestidang suot ko,malamig kasi ang ihip ng hangin rito sa tabing dagat.

"Hindi pa,Señorito.Hindi pa kasi kami nagkikita."saad ko.Abala rin kasi iyon si Flavio sa palengke.

"May plano ka bang sabihin sakanya ang tungkol sa panliligaw ko?"sunod niyang tanong,mula sa kaliwang kamay ay nilipat niya ang gitara sa kabila,nangangalay na siguro ang kaliwa niya,mabigat kasi ang gitara niya.

"Oo,Señorito.May plano akong sabihin sakanya,tutal kaibigan ko naman siya."tugon ko.Nakita ko naman ang pag angat ng dalawang sulok ng labi niya.

"by the way,hatid sundo kita sa pasukan."Aniya.Hatid sundo?hindi naman kaagad ako nakasagot,naisip ko kasi flavio,ang alam niya kasi sabay kami ulit papasok at uuwi,tulad ng dati.Sana magkita na kami para masabihan ko kaagad siya."Natahimik ka?May problema ba?"napansin niya ang biglaang pagtahimik ko.

"Wala naman,Señorito."umiling iling ako't nagbaba ng tingin.

"Ayaw mo bang ihatid sundo kita?"

"Hindi naman,Señorito."agarang giit ko."Ayos lang sa'kin."at ginawaran siya ng tipid na ngiti.Inaalala ko lang kasi si Flavio.Baka sumama ang loob niya sa'kin,umaasa kasi 'yon na araw araw kaming sabay papasok.

"Magkahiwalay pala ang building ng college at building ng Senior high,kaya hindi kita makikita at masasamahan araw araw."aniya.Nakaramdam naman ako ng lungkot sa sinabi niyang iyon.Kung gano'n magkahiwalay pala amg building namin,hindi rin pala makikita araw araw,Señorito."Pero gagawa ako ng paraan para kahit paminsan masasamahan kita."

"T-talaga,Señorito?Gagawa ka ng paraan?!"natutuwa at nabubuhayang wika ko.Bigla naman siyang natigilan at napatitig saakin,ilang saglit pa'y bigla siyang natawa at do'n ko lang napagtanto kung ano ang naging dahilan niya kung ba't gano'n ang naging reaksiyon niya saakin.Tuloy ay namula ako sa sobrang hiyang naramdaman.Hindi ko kasi napigilan ang sarili ko na ipakita ang pagkatuwa sa sinabi niya,nakakahiya.Baka isipin niya gustong gusto ko siyang makita,pero iyon naman talaga ang totoo.

"Tara maupo tayo do'n sa bangka."turo niya sa bangkang kulay puti.Nakabaon ang akla nito sa tubig kaya hindi naman ito matatangay ng alon.

"S-sige."pagpayag ko.Kinaluskos niya ang kanyang pantalon hanggang sa tuhod,ako naman ay inangat ng kaunti ang bestida ko para hindi mabasa.

"Akin na ang kamay mo."aniya't kinuha ang kamay ko,kakaibang pakiramdam naman ang naramdaman ko nang hawakan niya ang kamay ko.Sabay kaming lumusong sa dagat habang hawak hawak niya ang kamay ko,pagkatapos ay inalalayan niya akong makasakay sa bangka.Pagkasakay ko ay naupo na ako at siya naman ay naupo sa harap ko.

"Ang ganda ng langit."nakangiting saad ko habang nakatingala sa langit na punong puno ng mga nagniningningang bituin at maliwanag na buwan.

"Sobra."anas niya.Dahan dahan akong napababa ng tingin sakanya,bahagyang umawang ang bibig ko't nagsimulang kumalabog ang puso ko dahil nakatuon pala saakin ang namumungay niyang mga mata na punong puno ng pagkamangha na ang akala ko ay nasa kalangitan.

"S-señorito..."mahinang sambit ko.

Ngumiti siya."Alam mo ba noong unang panahon hinaharana ng mga lalake ang babaeng mahal nila?"

"Oo,Señorito.Nakakakilig nga."komento ko.Isa rin iyon sa gusto kong ginagawa ng mga lalake para maipahayag ang nararamdaman nila sa babaeng mahal nila.

"Gusto mo bang haranahan kita?"tanong niya.

Saglit akong napatitig sakanya.Ngumiti ako't tumango tango."Gusto ko,Señorito."Gusto ko rin kasimg maexperience iyon.

Chasing Butterfly(Señorito Series One)Where stories live. Discover now