Si Nanay lang ang naabutan namin ng Señorito sa Bahay,Nag igib raw kasi ng tubig si Diegho.Pagkahatid saakin ng Señorito ay nagpaalam rin kaagad siya saamin,may aasikasuhin raw kasi siya sa Hacienda.Habang nagmemeryenda kami ni Nanay ng biniling tinapay ng Señorito ay masaya kong Ikini-kwento sakanyaang mga naganap kanina sa iskwelahan.Masaya siya na nagkaroon kaagad ako ng mga kaibigan.Kwinento ko rin sakanya na ako ang ni-nomimate na Muse saaming klase.Ngunit hindi ko binanggit kay Nanay ang tungkol sa sitwasyon namin ngayon ni flavio.Iniiwasan niya ako at hindi ako sanay do'n,kaya balak ko sanang puntahan siya ngayon sa bahay nila para kausapin.
"Nay,Magpapaalam ho sana ako,pupuntahan ko lang si Flavio sa bahay nila."paalam ko kay Nanay na nag aalis ng mga bato sa bigas na isasaing para sa mamayang gabihan.
"Siya nga pala,Anak.Pumunta si Flavio dito kaninang umaga sa bahay,sabay daw kayong papasok.Ang sabi ko ay sinundo ka ng Señorito Lavienye.Hindi mo pa ba nasasabi sa kaibigan mo ang tungkol sainyo ng Señorito?"
Kung gano'n pumunta nga siya rito para sunduin ako.Umasa siya na sabay kaming papasok,hindi ko siya masisisi kung masama ang loob niya saakin ngayon.Gusto kong magpaliwanag sakanya,gusto kong magkaayos kami ngayon ayokong iniiwasan niya ako.
"Hindi pa ho Nay.Pero pupunta po ako sakanila ngayon may importante lang kasi akong sasabihin sakanya.Sasabihin ko narin sakanya Nay ang tungkol saamin ng Señorito Laviente."saad ko.
"Sige,Anak.Maglalakad kalang ba?"inayos niya ang kanyang salamin na masyado ng luma't maluwag sakanya.Bigay lang naman kasi ito sakanya nung amo niya dati sa pinagtatrabahuhan niya roon sa Del Campo.
"Opo,Nay.Malapit lang naman po,kayang kaya ko lakarin."
"Oh,sige Anak.Mag iingat ka."Bilin ni Nanay.
Umalis na nga ako ng bahay at naglakad papunta sa bahay nila Flavio.Hindi ako sanay na galit saakin ang isa sa mga kaibigan ko,kasalanan ko man o hindi handa akong magpakumbaba nang sa gano'n ay maging ayos lang kami.Mahalaga ang pagkakaibigan saakin,lalo na kapag matagal na ito.Hindi ko kayang masira lang ito ng gano'n gano'n nalang.
Naabutan ko si flavio na abalang naglilinis ng kanyang Tricyle.Bina-brushan niya pa ito at sinasabon.Napansin ko na mukhang siya lang itong tao rito sa bahay nila,tahimik kasi ang loob ng bahay nila at wala akong makitang tao sa loob.Hindi paman niya napapansin ang presensya ko'y lumapit na ako.
"Flavio"tawag ko.Napansin kong natigilan siya ngunit maya maya din ay nagpatuloy sakanyang ginagawa na para bang walang narinig.Panibagong lungkot ang gumapang sa dibdib ko."Galit ka ba sa'kin,Flavio?"sinubukan ko ulit magsalita ngunit sa oras na ito ay binalewala niya ulit ako.Patuloy lang siya sakanyang ginagawa."Pakiusap,kausapin mo naman ako,Flavio."nakikiusap na ang tinig ko.
"Ayokong makipag usap sa'yo,Umuwi ka nalang."malamig na aniya nang hindi man lang ako nililingon.
"Hindi ako sanay na iniiwasan mo ako,Flavio.Alam kong masama ang loob mo saakin dahil umasa kang sabay tayo papasok,pasensya na kung hindi kaagad kita sinabihan na hindi ako makakasabay sa'yo.At pasensya narin kung hindi ko sayo kaagad nasabi ang tungkol saamin ng Señorito,may plano naman talaga akong sabihin kaso hindi kita nakikita."
Narinig ko ang pagkawala ng buntong hininga niya at mahihimigan do'n ang pagkainis."Umasa ako,Mariposa.Umasa ako!"Mariing bulyaw niya na ikinagulat ko.
Mariin akong napalunok."H-hindi ko naman sinasadya Fla-"
"Inakala ko na may pag asa ako sa'yo,Mariposa."
Awtomatiko akong natigilan at napatitig sakanya dahil sa sinabi niyang iyon."Anong ibig mong sabihin,Flavio?"naguguluhang tanong ko.Ngunit ang totoo'y may namumuo na sa isip kong kahulugan ng sinabi niyang iyon,may kutob na ako ngunit ayokong isipin na iyon nga ang ibig niyang sabihin.Hindi pwede!
YOU ARE READING
Chasing Butterfly(Señorito Series One)
RomanceLaviente Dragomir Grei,The first son of Don Leonhart Ephraime Grei.Mahal mo kaya kahit na alam mong Mali,Bawal,may masasaktan,magagalit,masisira't maaaring gulo ang kahihinatnan ay heto ka't pilit parin siyang ipinaglalaban.Mahal mo kaya balewala sa...