Señorito 18:Vienbenido De Mar

3.3K 65 0
                                    

Napapangiti nalamang ako sa ganda ng karagatan habang narito sa deck ng yate.Asul na asul ito't kumakintab dahil sa sinag ng araw.Gustong gusto ko itong pagmasdan,bukod sa ganda nito ay nakaka-relax din kasing tingnan,Isabay mo pa ang mapreskong ihip ng hangin talagang marerelax ka.Kung handito lang sana sila Nanay tiyak makakapag relax din sana sila.

"Cake?"Nangibabaw bigla ang tinig ng Señorito Dragomir.Nilingon ko siya na ngayon ay nakapagpalit na.

Imbes sa inaalok niyang strawberry cake ang bigyan ko ng pansin bagkus ay napunta ang atensyon ko sa bihis niya ngayon.Nakalantad ang magagandang hubog ng niyang muscles sa braso dahil sa suot niyang sando,ganoon nalamang ito kalinis at kaputi,medyo fit pa ito sakanya kaya bumabakat ang hulma ng kanyang dibdib.Iyong pambaba niya naman ay itim na short at wala siyang suot na kung anong sapin sa paa.

Nabalik lamang ako sa wisyo nang marinig ang mahina niyang tawa."May mali ba sa suot ko?"tanong niya.

"Wala,Señorito."umiling iling ako."Ang totoo nga niyan ang gwapo niyo sa suot niyo."nagbaba ako ng tingin.Simple lang pero matindi na ang dating na talagang makakaagaw at magpapatili sa mga kababaihan.

"Ginagalingan ko talaga sa pagpoporma para maging gwapo ako sa paningin mo."

Dahan dahan akong napaangat muli ng tingin sakanya na ngayon may tila kinikiliting ngiti sa labi habang nakatingin saakin.Dahan dahang umawang ang labi ko habang paunti unting napapatitig sa gwapo niyang mukha.Kahit hindi niyo na galingan ang pagpoporma,Señorito.Dahil sa mukha palang niyo'y gwapong gwapo na ako.

"Ang gwapo ng manliligaw mo,hindi ba?"

Saka ko lang napagtanto na napapatitig nanaman pala ako sakanya nang magsalita ang Señorito.Sa hiya ay kaagad akong napaiwas ng tingin sakanya.Nakakahiya,ginagawa ko ng libangan ang pagtitig sa gwapo niyang mukha at talagang ginagawa ko pa mismo sa harap niya.

Muli ay nagpakawala siya ng mahinang tawa."Can you taste this cake?"pag iiba niya.

Dahan dahan ko namang ibinalik ang tingin sakanya.Humiwa siya ng isang maliit na pirasong cake gamit ang tinidor saka ito inilapit sa may labi ko"Taste it"aniya. Saglit akong napatitig sakanya bago dahan dahang ibinuka ng bahagya ang labi't kinain ang cake na nasa tinidor na hawak niya.Ang sarap!

"Does it taste good?"

Nakangiti akong tumango tango."Oo,Señorito.Masarap!"paglapat palang ng cake sa dila ko ay nalasahan ko na kaagad ang sarap nito.

"I bake it"Aniya.

"T-talaga,Señorito?"hindi makapaniwalang tanong ko.Ngumiti siya't tumatango.

"Kung gano'n marunong pala kayong mag bake,Señorito."saad ko.

"Gwapo na baker pa"aniya sabay kindat saakin.Mahinhin naman akong natawa.

Pareho kaming nakatanaw sa dagat habang kumakain ng strawberry cake na binake niya.Bawat bulubundukin na nakikita namin ay ipinakilala niya saakin,alam niya lahat ang bawat pangalan ng mga bulubundukin na ito.Karamihan raw sa mga bulubundukin na ito ay napuntahan niya na dahil may mga nag oorder rin sakanila ditong mga prutas,gulay,rekados at bigas,siya kasi minsan ang mismong nag de-deliver habang iyong iba na masyado ng malalayo sa lugar ng Valeriana ay hindi pa.Ngunit sigurado naman ako na kahit hindi pa niya napupuntahan ang iba dito ay kilala parin ang pamilya niya ng mga taong nakatira sa mga bulubundukin na iyon.

"Ang ganda ng karagatan hindi ba,Señorito?"hindi maalis alis ang ngiti sa labi ko habang nakatanaw sa magandang karagatan.

"Tama ka."Aniya.Nagkaroon ng saglit na katamikan sa pagitan naming dalawa,nanatili namang nasa karagatan ang tingin ko.Hanggang sa ilang saglit pa'y tinawag niya ako."Mariposa...."

Chasing Butterfly(Señorito Series One)Where stories live. Discover now