"Magpalamig nguna tayo,Mahal."
Punong puno parin ng paghanga't mangha ang mga mata ko habang iginagala ang paningin sa mahiwas at malaki niyang Mansion nang mangibabaw ang boses niya dahilan para mapabaling ako sakanya na ngayon ay may ngiti sa labi habang may bitbit na tray na may lamang mababasaging pitsel na may lemon juice at dalawang mababasaging baso.
Inilapag niya ito sa center table saka sinalinan ang dalawang baso ng lemon juice."Uminom ka nguna,Mahal.Masyadong mainit ang panahon."iniabot niya saakin ang basong may juice.
"Salamat,Mahal."nakangiti ko itong kinuha sa kamay niya't sumimsim.
"Akin na ang bag mo."inilapag niya ang baso sa center table pagkatapos uminom saka kinuha ang shoulder bag na pinaglagyan ko ng binder,ballpen at yellowpad saka ipinatong sa sofa.Nabanggit ko kasi sakanya na ngayon ko sisimulan ang chapter 1 ng research paper ko,ang sabi niya dito na raw ang gumawa sa Mansion niya at tutulungan niya raw ako.
"Maupo ka nguna.Magpapalit lang ako ng damit,kukunin ko na rin yung Laptop ko."paalam niya.
"Sige,Mahal."tipid akong ngumiti't naupo na.Sinundan ko siya ng tingin na ngayon ay umaakyat na ng hagdan.Maging ang hawakan ng hagdan ay salamin,halos salamin ang makikita mo sa labas at loob ng Mansion niya.
Inilapag ko na ang baso sa center table pagkaubos ko ng juice saka inilabas ang binder ko.Habang hinihintay siya ay napagpasyahan kong basahin ang mga notes ko tungkol sa mga dapat at kailangan gawin at isulat sa Chapter 1 sa subject na Practical research,para tuloy tuloy na ang paggawa ko mamaya.Buti nalang ay may presentation ang lecturer namin at nakakapag notes ako na maggagabay saakin sa paggawa ng research paper ko,wala kasi akong libro.Masyadong mahal ang halaga ng libro sa Del Valiente.Buti nalang din ay may mga kaibgan ako na mababait,pinapahiram ako nila Veron ng libro nila.
"Ano bang topic ng research paper mo,Mahal?"maya maya pa'y nakababa na siya.Natigil ako sa pagbabasa at napalingon sakanya na naglalakad palapit dito sa sala.Naka-sando siyang puti at itim na short,bitbit niya ang kanyang branded na Laptop pati na ang isang maliit na libro.
"Tungkol sa mga tiktok addict ang naisipan kong i-topic sa Research paper ko,Mahal."saad ko.
Naupo siya sa may tabi ko,inalapag niya ang laptop sa center table at dahan dahan itong binuksan."Hindi naman ganoon kahirap ang topic mo,Mahal.Marami kang makukuhang Participants sa University,sa dami banaman ng mga addict sa tiktok."Aniya na ang paningin ay nakatutok sa screen ng laptop,ang dalawang braso niya'y nakapatong sa magkabilang hita niya habang pumipindot pindot sa keyboard.May sine-search sa googgle tungkol sa Tiktok.
"Tama ka,Mahal.Hindi ako mahihirapang mag hanap ng participants,ang totoo niyan may lista na ako ng pangalan ng magiging participants ko,iyon lang ay kulang pa ng apat"saad ko.Iyong iba kasing kaklase ko ay hindi ko pa masyasong close,nahihiya ako kaya anim palang ang partipants ko.Kailangan kasi ay sampu,ang bilin kasi sakin ng Lecturer ko ay maghanap raw ako ng sampung particpants nung mag pacheck ako sakanya ng SOP ko.
"May mga kaklase akong mahihilig mag tiktok,Mahal "Nilingon niya ako."Pwede mo silang gawing participants mo."
"P-pero hindi ko naman sila kilala at close.Nakakahiya,Mahal."
"Handito naman ang boyfriend mo,Mahal.Ako ang mag su-survey sakanila"
"Baka makadistorbo pa ako sa mga gawain mo,Mahal.Susubukan ko nalang maghanap."pagtanggi ko.Ayoko naman kasing dagdagan pa ang mga gawain niya,hindi niya man kasi sabihin alam kong marami na sakanilang pinapagawa ang kanilang mga Lecturer.
Nagpakawala siya ng buntong hininga."Kailanman hindi ka magiging distorbo sa'kin,Mahal.Isa ka sa mga prayoridad ko."pagkatapos ay dinampian ng halik ang labi ko saka ibinaling ng muli ang paningin sa laptop.Hindi ko naman naiwasang mapangiti sa sinabi niyang iyon."May SOP ka na ba,Mahal?"ilang saglit pa'y tanong niya.
YOU ARE READING
Chasing Butterfly(Señorito Series One)
RomanceLaviente Dragomir Grei,The first son of Don Leonhart Ephraime Grei.Mahal mo kaya kahit na alam mong Mali,Bawal,may masasaktan,magagalit,masisira't maaaring gulo ang kahihinatnan ay heto ka't pilit parin siyang ipinaglalaban.Mahal mo kaya balewala sa...