Señorito 32

2.3K 59 1
                                    

Sa Cafeteria ng mga college students ako inayang magtanghalian ng Señorito Dragomir.Gusto niya raw akong ipakilala sa mga kaibigan niya.Pagpasok na pagpasok namin sa Campus ay saakin kaagad napunta ang atensyon ng mga tao.Pinagtitinginan nila ako tulad nung unang araw ng pasukan.Pinag-bubulungan rin nila ako tulad ng mga estudyante sa campus namin pagkakita saakin.Pinilit ko nalang na balewalain ang mga ito.

"Hinihintay na nila tayo,Mahal."aniya habang naglalakad kami rito sa hallway saka muling ibinulsa ang kanyang celphone,nasa baywang ko ang kabila niyang kamay,nakahawak rito.

"Ang mga kaibigan mo,Mahal?"tanong ko.

"Oo,sila Mhalik,Phollo at Hernan.Matatalik kong kaibigan sila,Mahal."

Pagdating namin sa Cafeteria ay saakin kaagad napunta ang mga tinginan ng tao,tulad kanina ay binalewala ko nalamang ito.Malaki't mahiwas rin ang Cafeteria ng college tulad ng Cafeteria namin.May waiter at waitress din na nagse-serve sa mga estudyante.

"Lavi!"isang pamilyar na lalake ang tumawag sa Señorito at kumaway kaway saamin.May kasama pa itong dalawang lalake sa lamesa,iyong isa ay pamilyar rin saakin ngunit yung isa'y hindi.Mukhang sila ang tinutukoy ng Señorito na matatalik niyang kaibigan.Tulad niya ay nakasuot rin ang mga ito ng pang-crim na uniporme.

"Halika,Mahal."iginayak ako ng Señorito papunta sakanila.

"Handito na pala ang Lover boy natin."nakipag apir sakanya ang isa pang lalake na pamilyar saakin,moreno ito.

"Mukhang ang sigla nanaman ng buhay ng Señorito namin."tinanggal ng hindi pamilyar na lalake ang isang earpods na nakasalpak sa tainga nito at nakipag apir rin sa Señorito.Tawa't ngiti ang naging tugon sakanila ng Señorito Dragomir.

"Sila ang matatalik kong kaibigan,Mahal."baling niya saakin.

Ginawaran ko sila ng ngiti saka binati."Magandang tanghali sainyo."

"Magandang tanghali rin,Mariposa.Phollo nga pala."Tumayo ito't Nakipagkamay saakin.Kung gano'n pholo pala ang pangalan ng Morenong ito,Naalala ko na ngayon,siya iyong lalakeng nadatnan kong akay akay ang Señorito Dragomir nung gabing lasing na lasing siya.

"Mhalik naman ang pangalan ko,Mariposa.Ikinagagalak kong makilala ka."nakipag kamay rin ito saakin."Ako nga pala yung tumawag sayo nung gabing lasing na lasing at nagwawala si Lavi sa Club corner at si phollo yung kasama ko.Kami yung naghatid sainyo ni Lavi sa Mansion niya ng gabing 'yon."dagdag nito.Kung gano'n sila pala iyon.

"Hernan,Mariposa.Ikinagagalak ko ring makilala ka."Tulad nila Pholo't Mhalik ay nakipagkamay rin ang hindi ko kilalang kaibigan na ito ng Señorito Dragomir.

"Ikinagagalak ko ring makilala kayo."nakangiting saad ko.

Naupo na kami ng Señorito,sila Pholo't Hernan itong nag presintang pumunta sa counter para mag order ng pagkain namin.Habang nag kwentuhan naman nguna sila Mhalik at Señorito.Napapansin ko ang bawat pagtingin,paglingon at pagsulyap saakin ng mga college students na kumakain rito.May oras na napapababa ako ng tingin dahil sa mga tingin nilang mata pobre ang dating.Iyong iba'y ang tataray ng dating ng mga tingin saakin o sadyang mataray lang talaga siguro sila kung tumingin,may iba rin na pinagbubulungan ako na may kasama pang nakakainsultong tawa.Ngunit may iilan rin namang estudyante na hindi ganoon ang paraan ng pagtingin saakin,sa paraan palang ng pagtingin nila ay halatang mababait silang tao,ang iba nga sakanila ay nginingitan ako na nginingitian ko ring pabalik.

Maya maya pa'y handito na sila Pholo't hernan,Nagkwentuhan nguna silang apat habang hinihintay namin na mai-serve saamin ang mga inorder naming pagkain.Pag magkakasama pala silang apat ay ang i-ingay nila,kahit ang Señorito ay nakiki-sama rin sa ingay ng tatlo niyang kaibigan,ngayon ko lang din siya nakitang tumatawa ng malakas,nakikipag-biruan at nakikipag-asaran.Ngunit nanatiling nasa baywang ko nakahawak ang kamay niya habang nasa ganoon siyang sitwasyon.

Chasing Butterfly(Señorito Series One)Where stories live. Discover now