Señorito 26

2.6K 50 0
                                    

Kinabukasan,pagkagising na pagkagising ko ay ang Señorito Dragomir kaagad itong sumalpak sa isip ko pati na iyong pagsayaw niya saakin kagabi sa dalampasigan.Naramdaman ko nalamang ang pagsilay ng ngiti saaking labi nang maalala iyon.Alas singko palang ay kinikilig na kaagad ako.

Naisipan kong tawagan siya.Kaya naman imbes na bumangon na't maghanda na para sa pagpasok ay telepono kaagad itong ginapgapan ko.Gusto kong marinig ang boses niya,nagkita palang kaming dalawa kagabi ngunit ano't namimiss ko nanaman siya at nasasabik nanaman akong makita siya.

Ganito na ba talaga katindi ang epekto saakin ng Señorito Dragomir?na halos oras oras,minu-minuto't araw araw ay hindi siya nawawala sa isip ko.I-dinial ko ang numero niya pagkatapos ay tinawagan na siya,dalawang beses nag ring ang telepono niya bago niya ito sagutin,ganoon nalamang ang tuwa ko nang marinig ang tinig niya.

"Kamusta ang tulog ng Mahal ko?"bungad niya.Napakagat ako sa ibabang labi ko nang marinig kung gaano ka-gwapo ang bagong gising niyang tinig.

"Ayos lang,Mahal.Ikaw?"

"Simula nang maging akin ka,araw araw ng maganda ang tulog ko,Mahal."

Dala ng kilig ay napanguso ako.Umagang umaga pinapakilig niya kaagad ako.Ngingiti ngiti akong tumagilid ng higa't niyakap ang unan ko habang hawak hawak ko parin ang teleponong nasa kabilang tainga ko.

"Bakit ka nga pala napatawag ng maaga,Mahal?may sasabihin ka ba?"

"Gusto ko lang marinig ang boses mo,Mahal."may ngiti sa labing saad ko.Wala man siya sa harap ko ngayon,pakiramdam ko ay napangiti siya sa sinabi kong iyon.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya."Gusto mo bang kantahan kita,Mahal?"

Naglitpat ulit ako ng posisyon ng higa,nakatagilid parin ngunit sa kanang bahagi na ang harap."Sige,Mahal."Sa ganda ng tinig niya kapag kumakanta bakit ako tatanggi?pero kahit naman hindi ganoon kaganda ang tinig niya,magpapaharana parin ako sakanya,paniguradong gaganda't gaganda ang tinig niya sa pandinig ko dahil ang lalakeng naghaharana saakin ay ang lalakeng Mahal ko.

"Ayos lang ba kung hindi ako gumamit ng gitara,Mahal?" Gitara?A-anhin niya pa ang gitara e' tinig niya itong gustong marinig ng tainga't puso ko.

"Tinig mo lang itong gusto kong marinig,Mahal."

"Kung gano'n gusto kong damahin mo ang kantang 'to,Mahal.Dahil hindi lang 'to basta kantang gagawin ko,Mensahe ko rin ito sayo."

"Sige,Mahal."Ganoon nalamang ang kasabikan ko na marinig ito.Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa bago siya nagsimulang kumanta.

Noon, akala ko
Ang wagas na pag-ibig

Ganoo niya nalamang kadaling pinasilay ang matamis na ngiti saaking labi pati narin sa puso ko nang kantahin niya na ang unang liriko ng isa sa mga paborito kong kanta.'Pangako sayo' Hindi ako makapaniwalang may isang lalakeng ngayo'y kinakantahan ako ng kantang ito.Dala rin ng kilig ay napahigpit ang pagkakayakap ko saaking unan.

Ay sa nobela lang matatagpuan
At para bang kay hirap na paniwalaan

Ikaw, ikaw pala
Ang hinihintay kong pangarap
Ngayong kapiling ka at tayo'y iisa
Hindi ko hahayaan na sa atin ay may hahadlang

Pangako sa 'yo, ipaglalaban ko
Sa hirap at ginhawa ang ating pag-ibig
Upang 'di magkalayo kailan man
'Pagka't ang tulad mo ay minsan lang sa buhay ko.

Chasing Butterfly(Señorito Series One)Where stories live. Discover now