Señorito 35:Isang mainit na gabi

3.6K 77 1
                                    

Author's Note:Medyo mahaba haba ang chapter na ito,pasensya na.Sana mapagtiyagan niyong basahin.Don't forget to Vote,Salamat!

Warning:This chapter contains SPG Scene.

Araw ng Sabado ulit ay inaya niya akong maligo sa talon,malapit ito doon sakanilang Hacienda at sa lupang pinapatuyan ng Mansion ng Señorito Cassiano.Pinayagan naman ako ni Nanay,ang bilin niya lamang saamin ay ang lagi niyang pinapaalala saaming dalawa.Ang kanyang jeep gladiator ang sinakyan namin papunta sa lugar kung nasaan ang talon na iyon.Inihinto niya ang sasakyan sa tapat ng isang kagubatan.Naglalakihan at nagtataasan ang mga puno.

"M-mahal,Wala bang ahas dito?"pagala gala ang tingin ko sa tinatahak naming daan habang magkasalikop ang mga daliri namin sa isa't isa.Kinakabahan kasi ako na baka lusubin nalamang kami ng ahas rito kung meron man.

"Meron."

Kaagad naman akong kinabahan sa isinagot niya."Kung gano'n lumabas nalang tayo ulit,Mahal.Wag nalang tayong maligo,baka kung mapano tayo dito."kinakabahang saad ko.Ngunit natigilan ako't napakurap kurap nang tawanan niya lang ako.Unti unting bumasangot ang mukha ko."Hindi naman ako nakikipag-lokohan,Seryoso ako,Mahal."

Awtomatiko siyang natigilan sa pagtawa nang mahimigan niya sa tinig ko ang pagiging seryoso."Halika nga dito sa'kin."marahan niya akong hinila palapit sakanya saka isinandig sa puno,ikinorner niya naman ang kabilang kamay niya saakin habang hinawakan naman ng isa pa niyang kamay ang kabilang pisnge ko."Kung meron mang ahas rito ako 'yon,Mahal.Pupuluputan kita hanggang sa hindi ka na makawala sa'kin at tutuklawin kita hangga't gusto ko."

Napanguso ako."Nakakatakot ka namang ahas,Mahal."komento ko.

Nagpakawala siya ng mahinang tawa.Ilang saglit pa'y dahan dahang bumaba ang kanyang tingin papunta saaking leeg.Marahan niyang hinapoy papunta sa likod ang kulot kong buhok at maya maya pa'y naramdaman ko nalamang ang kanyang labi na dumadampi rito,napapikit nalamang ako't dinama ito.Naramdaman ko ang dahan dahang pagbaba niya ng kabilang strap ng suot kong puting bestida na ipanliligo ko.

Tumungo ang mararahan niyang halik saaking balikat na kalaunan din ay bumaba sa kalahati ng nakalabas kong dibdib.Maya maya pa'y ang labi ko na itong pinapaulanan niya ng romantikong halik na tinugunan ko naman kaagad.Nasa leeg ko na ulit ang labi niya nang naramdaman ko ang paggapang ng dalawang kamay niya saaking mga hita papasok sa bestida ko.Huhubarin niya na sana ang panty ko ng biglang sumalpak sa isip ko ang talon.

"M-mahal,akala ko pupunta tayo sa talon."Saad ko dahilan para hindi niya matuloy ang akmang paghubad sa panty ko na siyang dahilan rin kung ba't natigil siya sa pag halik saaking leeg.

Inilabas niya na ang dalawang kamay niya mula sa loob ng manipis kong bestida't lumayo ng kaunti saakin."Pasensya na,Mahal.Nakalimutan ko."

Pinagpatuloy na nga namin ang pagtahak sa daan papunta sa talon ng magkasalikop ulit ang mga daliri namin sa isa't isa.Hindi ko parin maiwasang igala ang paningin ko sa paligid sa kaba na baka bigla nalang na may ahas na sumugod saamin,napapatingala rin ako sa nagtatayugang mga puno,takot na baka may bumagsak na ahas saakin.Tanging mga huni ng ibon at langutngot ng dahon sa bawat pag apak namin ang ingay na maririnig rito sa loob ng kagubatan.

Pagkatapos ng mahaba-habang paglalakad na ginawa namin mg Señorito,sa wakas ay natanaw ko narin ang talon mula doon sa parang lagusan palabas ng kagubatang ito,papasok sa talon."Handito na tayo,Mahal."Aniya.

Ganoon nalamang ang pag silay ng ngiti saaking labi at pagkamangha ko dahil sa magandang talon na ngayo'y nasa harapan na namin.Iginala ko ang paningin sa paligid nang may ngiti sa labi.May kataasan ang pinagmumulan ng tubig na bumabagsak.Pagtumingala'y tanging ang kalangitan at ibong lumilipad ang makikita mo.May mga kakaibang halaman at maraming nagkalat na bato,malalaki't maliliit.Mukhang hindi rin gaanong malalim ang talon,lalo na doon sa pinagbabagsakan ng tubig.Sa buong buhay ko,ito palang ang unang beses na makakaligo ako sa talon.

Chasing Butterfly(Señorito Series One)Where stories live. Discover now