Makalipas ang isang buwan...
Ring! Ring! Ring!
Nakatutok sa labas ng bintana ng eroplanong 'toh ang paningin ko habang malalim ang iniisip nang biglang mag ring ang phone ko.'Camora's calling.'Nagpakawala ako ng buntong hininga nang makitang si camora ang tumatawag,alam ko na kung ano ang dahilan niya't napatawag siya saakin.Mas mabuti siguro kung sabihin ko na ang totoo sakanya kung nasaan ako kesa sa mag-alala pa siya't mabahala saakin ng sobra.
"Where are you?!I've been looking for you for a while now!" bakas ang inis sa tinig niyang bungad saakin.
Muli akong nagpakawala ng hininga."I really want to go home,Camora." At ang tahanang tinutukoy ay walang iba kundi si Mariposa lang.
"What?!"asik niya.
"I'm sorry."iyon lang at binabaan ko na siya ng tawag.
Matagal ko ng hinihintay ang pagkakataon na ito na makaalis sa espanya't makabalik sa pilipinas.Isang buwang nagdusa ang puso't utak ko sa kakaisip kay Mariposa,Araw araw akong nag-aalala sakanya,nababahala na baka kung ano-ano na ang pagpapahirap na ginagawa sakanya ni Ama at ng Señorita Anastasia.Wala akong magawa kundi ang umiyak ng umiyak,magpakalasing at magwala.Dumating sa puntong na-hospital ako nang ma-aksidente ako sa sobrang kalasingan dahilan para mas mahirapan akong makapag-isip ng paraan kung paano makakalabas ng espanya.Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko,sa galit at kawalan ng pag-asa ay nagawa kong magwala sa hospital na iyon,gustong gusto ko ng magpakamatay ng oras na'yon.
Hindi lang ako nagagalit sa mga taong naging dahilan kung bakit nasa ganito kaming sitwasyon ni Mariposa,maging sa sarili ko ay galit na galit ako.Nangako ako sa sarili ko,sa kapatid niya't Magulang at lalong lalo na sa harap ng diyos na hinding hindi ko siya sasaktan,na ipaglalaban ko siya kahit anong mangyare ngunit anong ginawa ko?Sinaktan ko siya,pinaiyak ko siya,pinagmukha ko siyang tanga,hinayaan kong api-apihin,lait laitin,pahirapan at pagbayaran ang kasalanang hindi niya naman ginusto!Binigo ko sila,siya at ang diyos na dininig ang dasal kong mahalin ako pabalik ni Mariposa.Aaminin kong naduwag ako at isang malaking kahihiyan iyon saakin!Natakot lang naman kasi ako na kapag hindi ko ginawa ang nais ni Ama,baka tuluyin niya ang bantang sinabi niya saakin kapag hindi ko siya sinunod,Kaya labag man sa kalooban ko'y sinunod ko siya,pumayag ako sa nais niya,kilala ko siya kung ano ang sinabi niya'y gagawin niya,kaya natakot ako para sa Mahal ko, lalong lalo na kila Tiya amora't diegho.
Unti unting nadudurog,kinukumyos at tila libo libong karayom ang tumutusok sa puso ko habang paunti unting naglalaho ang ngiti't saya sakanyang mukha at napapalitan ng luha,lungkot at sakit nung araw na inakala niyang nais talaga ni Ama na makilala si Diegho't tiya Amora,dahil ang totoo'y iyon na ang araw na magpapaguho sa mundo naming dalawa.
Pagkalapag ko sa airport ay hindi na ako nagpaligoyligoy pa,Dumeretso kaagad ako sa Mansion ni Ama para kunin si Mariposa.Siya itong unang prayoridad ko ngayon,sa pagkakataong ito ipaglalaban ko na siya kay Ama,kahit anong mangyare kahit kunin pa saakin ni ama ang lahat ng pag-aari ko wala akong pakealam,ang mahalaga nalang saakin ngayon ay makuha ko si Mariposa,maibalik ko siya saakin at maipagpatuloy namin ang relasyon namin.
"Ang Señorito Laviente!"
"Handito ang Señortio Laviente!"
Gulat na reaksyon kaagad itong nakita ko sa mga mukha ng kasambahay pagdating ko,nadatnan ko silang nag-wawalis,nagdidilig ng mga halaman at inaalis ang mga nahulog na tuyong dahon sa pool.Maging ang mga gwardyang nakabantay lang ay gulat rin ng makita ako.Hindi nila inaasahan ang pagdating ko.At alam kong nagtataka sila kung paano ako nakalabas ng espanya.
"Magsi-bati kayo!"dinig kong utos ng Mayordomang si Laverna sa mga kasambahay.
Nagsitigila naman sila sakanilang ginagawa't binati ako."Magandang umaga,Señorito Laviente."
YOU ARE READING
Chasing Butterfly(Señorito Series One)
RomanceLaviente Dragomir Grei,The first son of Don Leonhart Ephraime Grei.Mahal mo kaya kahit na alam mong Mali,Bawal,may masasaktan,magagalit,masisira't maaaring gulo ang kahihinatnan ay heto ka't pilit parin siyang ipinaglalaban.Mahal mo kaya balewala sa...