Señorito 62

2.5K 44 1
                                    

Kinabukasan ay nakatanggap ako ng text mula kila Sonnet,Veron at Adelaide.Inaaya nila akong mag sine at maglakad lakad sa Mall mamayang 1pm,si Veron daw ang bahala sa ipanggagastos sa sine.Mukhang magandang ideya nga iyon na libangin ang sarili namin sa pamamasyal dahil ilang araw kaming nakatutok sa pag-aaral.Tutal patapos narin ang iskwela,wala ng kailangang gawin,napasa na namin lahat ng activity at project.Hinihintay nalang namin ang pag release ng grades at paghahanda para sa Graduation.Graduating na ako ngayon,sa wakas ay magko-kolehiyo narin ako.Apat na taon nalang ang kailangan bago ako makapagtapos.Siguradong dadating din ako do'n.

"Inaaya ako nila Sonnet na mag sine,Mahal.Libre daw ni Veron."paalam ko kay Dragomir.Galing ako sa taas at nadatnan ko siya rito sa sala na abala sakanyang Laptop.May tinatapos siyang mga gawain sa iskwelahan,ang Jhs at shs ang mauunang mag tatapos,bago silang mga college,kaya hanggang ngayon ay abala parin siya sa mga gawain sa course nila.

"What time,Mahal?"tanong niya nang nakatutok parin sa laptop ang paningin habang ang mga daliri ay abala sa pagpipindot.

"1 pm daw,Mahal."tugon ko.

Sinulyapan niya ang kanyang silver na wrist watch."12:30 na"at maingat na sinara ang kanyang laptop saka tumayo."Let's eat para makapaghanda ka na."aniya at ginayak na ako papunta sa dinning table.

Nakahain na ang tanghalian namin sa lamesa,hinihintay ko nalang talaga siyang matapos sa ginagawa niya para sabay kaming mananghalian.Siya na itong nag presintang kumuha ng pinggan at kubyertos para saaming dalawa.Nilagyan niya nguna ako ng kanin at ulam sa plato bago niya lagyan ang sakanya,pati tubig ay siya naglagay sa baso ko.

"Susunduin raw ako nila rito,Mahal "saad ko habang nasa kalagitnaan kami ng panananghalian nang mag text ulit si Sonnet na susunduin raw nila ako rito sa Mansion ni Dragomir,cotse ni Adelaide ang gagamitin sasakyan.Nag reply naman ako ng 'okay'.

"Sinong magmamaneho,Mahal?"tanong niya.

"Hindi ko alam,Mahal.Baka si Adelaide kasi sakanyang sasakyan ang gagamitin."saad ko.

"Maingat bang magmaneho si Adelaide?"tanong pa niya.

"Hindi ko alam,Mahal.Hindi panaman kasi ako nakakasakay sa cotse niya."ngayon palang ako makakasakay sa cotse niya kaya hindi ko masasabi kung maingat ba siya magmaneho,pero siguro maingat naman siya.

"Gusto mo bang sumabay sakanila papunta sa Mall?"

"Gusto ko sana,Mahal.Pwede ba akong sumabay sakanila,Mahal?"

Humugot siya ng malalim na hininga sabay ngiti."Sige."

Tuwang tuwa naman ako nang pumayag siya.Pagkatapos namimg mananghalian ay naghugas na siya ng mga pinagkainan,siya naman talaga itong laging naghuhugas ng mga pinagkainan namin,ayaw niya na ako ang gumagawa ng bagay na alam niyang kaya niya namang gawin.Pinaghanda niya na ako at baka raw mamaya ay narito na sila Sonnet.Pagkatapos kong mag bihis at mag ayos ay bumaba na ako,naabutan ko siya sa sofa pinagpapatuloy na ang kanyang naudlot na ginagawa.

"Mahal,ayos na ba itong suot ko?"tanong ko.

Inalis niya ang kanyang tingin sa laptop at nilingon ako.Sinipat niya ako mula ulo hanggang paa sabay ngiti."Wala namang masama sa suot mo,Mahal."

"Sinisiguro ko lang na ayos ang suot ko sayo bago ako lumabas,Mahal."saad ko.Nakabestida akong pink na may mga disenyong bulaklak,abot tuhod ito at sleveeless.Nag flat sandals lang ako at naglugay lang ng buhok at inipitan lang sa gilid

Bumuntong hininga siya at tumayo."come here"kinuha niya ang isang kamay ko at marahan akong hinila palapit sakanya."Tulad ng sinabi ko noon,ayokong ipagkait ang mga bagay na nagpapasaya sa'yo.Isa na do'n ang mga damit na gusto mong suotin.Alam kong diyan ka masaya at komportable sa suot na'yan kaya ba't ko ipagkakait?Hindi ko gustong kinokontrol kita sa lahat,lalo na sa mga gusto mong suotin,kaya hindi mo na kailangan magpaalam saakin,Mahal."

Chasing Butterfly(Señorito Series One)Where stories live. Discover now