Señorito 33

2.4K 55 0
                                    

"Our resort has 280 rooms,8 Villas,three pool front and beach front.It has also three large swimming pools and one for kids pool.Dalawang restaurant,ang isa ay malapit sa may seaside.Yoga room,Bars,Souvenir shop,Gym,Foot and Massage Spa."

Grabe!Masyadong nakakalula ang trabaho ng Señorito Darcio dito sa Grei Hotel.Lahat ng iyon ay hawak niya.

"Masyado palang marami ang hawak na trabaho ng Señorito Darcio,Mahal."Komento ko habang naglalakad kami rito sa Entrance ng kanilang Hotel.

Mayroon silang Special dinner ngayon kasama ang Don Grei rito at inimbatahan niya ako,upang ipakilala narin ako sa Don Grei bilang Girlfriend niya.Medyo kinakabahan nga ako dahil makakasabay ko sa pag-kain ang Don Grei.Kailanman ay hindi ko naisip na makakasama ko sa isang espesyal na dinner ang isang napakayaman,makapangyarihan at tinitinangalang Don.Kung gaano kahirap huminga't gumalaw kapag kasama ko ang mga Señorito paniguradong mas triple pa ang hirap kapag handito na ang Don Grei.Presensya palang nilang mag-aama ay maninigas ka na.Ang isa pa sa dahilan kung bakit kinakabahan ako ay baka hindi ako magustuhan at matanggap ng Don Grei para sakanyang panganay na anak.

"Hindi naman ipapasa ni Ama sa kapatid ko ang Hotel at resrot na ito kung wala siyang tiwala sa kapatid ko."Aniya.May punto nga naman siya.Mukhang kayang kaya naman patakbuhin ng Señorito Darcio ang Hotel at resort nila.

"Buenas Tardes,Señorito Laviente."isang naka-corporate attire at nakasuot ng stilleto'ng itim na babae ang sumalubong saamin.May suot itong salamin,malinis,maayos at may kataasan ang pagkaka-bun ng buhok.

Kung hindi ako nagkakamali,mukhang siya ang Manager ng hotel na ito.Naalala ko kasi sakanya si Mrs.Cassandra Laurel iyong Mngr. sa Pinuntahan naming Resort sa Vienbenido De Mar.Kung ano ang tindig at suot ng babaeng ito ay gano'n rin si Mr.Cassandra Laurel.Pang Manager ang dating.

"Buenas Tardes,Mellissa."May ngiti sa labing bati ng Señorito dito.

"I would like you to meet my girlfriend,her is name is Mariposa."pagpapakilala ng Señorito saakin.

Ngumiti ako."Magandang gabi,Ms.Mellissa."magalang na bati ko.

"Siya ang Manager ng Grei Hotel,Mahal."Aniya.Kung gano'n tama nga ako siya ang Manager ng Hotel na ito.

"Buenas Tardes,Señorita Mariposa."may ngiti sa labing bati nito saakin."Ikinagagalak kong makilala ka,Señorita."at nakipagkamay saakin.

"Is Darcio already here?"baling ng Señorito kay Ms.Mellissa.

"Mister President hasn't arrived yet,Señorito.But his on the-"

"Estoy aquí." 'I'm here.'

Pare-pareho kaming natigilan nang biglang mangibabaw ang tinig ng Señorito Darcio mula sa likuran namin.Hindi man lamamg namin napansin ang pagdating niya,maging ang presensya niya'y hindi namin naramdaman.

"Buenas Tardes,Mister President."Nasa Señorito Darcio na ang tingin ngayon ng Manager na si Miss Mellissa.

"Buenas Tardes,Mellissa."naglakad paunahan ang Señorito Darcio."Iwan mo nguna kami rito."makapangyarihan utos niya sakanyang Manager

"Masusunod,Mister President."ani Miss Mellissa at magalang na tinalikuran kaming tatlo.

Nang makalayo-layo na Miss.Mellissa ay hinarap na kami ng Señorito Darcio ngunit bahagya akong nagulat nang saakin kaagad mapunta ang tingin niya dahilan para magtama ang paningin namin.Napalitan ng pagka-ilang ang gulat na naramdaman ko nang ilang saglit pa'y sinimulan niya akong sipatin mula paa hanggang ulo.

Maya maya pa'y tila ba nabalik sa wisyo,napapalunok siyang nag iwas ng tingin saakin sabay baling sa kapatid niyang nakahawak sa baywang ko."Pwede ba tayong mag usap,Dragomir?"seryosong anito sa nakakatanda niyang kapatid.Seryoso man ay nakakatakot na itong tingnan.

Chasing Butterfly(Señorito Series One)Where stories live. Discover now