Isang umaga,inanunsyo saamin ng Señorito Dragomir na may outing daw silang magkakapatid,At gusto ng Señorito na isama ako pati na sina Nanay at Diegho.Bago daw kasi magpasukan ay gusto nilang magkakapatid na mag beach,para mag relax at mag-enjoy.Puro kasi sila trabaho buong bakasyon,hindi lang sa bukid kundi sakanilang hacienda't hotel.Lahat ng trabaho dito ay sakanila pinagawa ng Don Grei habang siya'y abala sa kumpanya.Kaya naman abala sila buong bakasyon,walang panahong makapag-travel at beach,buti nalang daw ay pinayagan sila ng Don na kahit dalawang araw ay makapag relax man lang bago magpasukan.One week nalang kasi ay pasukan na.
"Naku,ang anak ko nalang ang isama niyo,Señorito."Dinig kong saad ni Nanay habang naririto ako sa lamesang pinagkakainan namin,nagtitimpla ng juice."Hindi ko pwedeng iwan itong bahay,maraming kailangang gawin.Tsaka sayang ng dalawang araw kung hindi ako makakapagbenta sayang ng kikitain ko."
"Gano'n ho ba?sayang naman.Ayos lang ho ba talaga kung isama ko si Mariposa,Tiya amora?malayo kasi ang islang 'yon,dalawang araw din kami doon,Tiya."saad ng Señorito.Inilapag ko ang isang pitsel ng juice at tinapay na may palamang lady choice sa lamesa't naupo sa tabi ng Señorito.Kagagaling kang ng Señorito sa tubig,kaya ginawan ko kaagad siya ng meryendahan,hindi man niya sabihin alam kong pagod at gutom siya.
"Ayos lang,Señorito.Basta huwag niyong kakalimutan ang limitasyon niyo."pag papaalala ni Nanay.
"Makaaasa po kayo,Tiya Amora."ani Señorito kay Nanay.
Kinabukasan ay inaya ako ng Señorito sa Mall para mamili daw ng damit na bagay suotin sa beach na gagamitin ko sa dalawang araw na pananatili doon sa pupuntahan namin.Hindi naman sana kailangang bumili dahil may mga bestida naman ako na bagay isuot sa beach,hindi nga lang kita ang mga balat tulad ng mga sinusuot ng artista at ibang tao sa tuwing magpapa-beach.
"Tama na ang mga ito,Señorito.Dalawang araw lang naman tayo roon."pigil ko na sa Señorito dahil patuloy parin siya sa paghahanap ng magagandang bestida para saakin.Apat na ang bestidang nasa yellow na basket na bitbit niya,masyado ng marami.
"Kaunti pa saakin ang apat,Mariposa.Marami pa akong nakikitang magagandang bestida na bagay sa'yo."
"P-pero kasi,Señori-"
"Hindi ba sabi ko,ayoko ng pero pero,Mariposa."Sabay harap saakin.Ang tono ng boses niya ay para akong pinapagalitan ngunit sa mahinahong paraaan dahil dito ay napababa ako ng tingin.Nagpakawala siya ng buntong hininga't inayos ang pagkaka-ipit ng clip sa buhok ko."Listen to me,Mariposa.."Marahan niyang inangat ang baba ko."Hangga't kaya kong bilhin,bibilhin ko.Kahit magkano pa 'yan,kahit ilan pa 'yan,basta para sayo bibilhin ko.Just like what i said before,i want to spoiled you."
Hindi ko naiwasang mapatitig sakanya pagkatapos niyang sabihin iyon.Hindi niya naman kailangang gawin 'yon,ngunit kung tatanggihan ko siya ay baka ikasama niya iyon ng loob,baka magtampo siya saakin.Kaya hinayaan ko nalamang siyang maghanap pa ng magagandang bestida.
Dito niya ako dinala sa isang botique na puro pang beach outfit at swim wear ang makikita.Iba't ibang stilo at disenyo,lahat magaganda,magkakaroon ka talaga ng interes na bumili,iyon nga lang karamihan dito ay kita ang mga balat.Natural na talaga na kita ang balat ng mga damit na sinusuot sa beach,hindi lang talaga kasi ako sanay sa mga kita ang balat na damit.
Hindi ko alam kung saan aabot ang halaga ng mga damit na pinili niya,ngunit nasisiguro kong nakakahimatay ang halaga ng inabot.Sa dami banaman ng napili niya at sa mamahaling presyo ng kada-damit na napili niya ay tiyak aabot ito sa napakataas na halaga.At tama nga ako,nang mai-punch na ang lahat ng damit na napili niya'y halos mahimatay ako sa taas ng inabot na halaga ng mga ito.Ngingiti ngiti pa siya ng iabot niya ang card niya sa cashier na para bang wala lang sakanya iyon,para bang ang mura mura lang sakanya ng halagang iyon.Pero kung sabagay,mayaman naman sila,sanay silang mag bayad ng matataas na halaga.
YOU ARE READING
Chasing Butterfly(Señorito Series One)
RomanceLaviente Dragomir Grei,The first son of Don Leonhart Ephraime Grei.Mahal mo kaya kahit na alam mong Mali,Bawal,may masasaktan,magagalit,masisira't maaaring gulo ang kahihinatnan ay heto ka't pilit parin siyang ipinaglalaban.Mahal mo kaya balewala sa...