Señorito 27

2.4K 59 0
                                    

"Maaari ba akong magtanong tungkol kay Loveria?"mahinhing tanong ko habang naglalakad na kami pabalik sa room.

"Oo,Naman."Si sonnet ang nagsalita."Bakit ano bang gusto mong itanong sa malditang 'yon?"kung gano'n kahit pala sila,namamalditahan kay Loveria.

"Napapansin ko kasi na lagi siyang mag isa.Wala ba siyang kaibigan?"takang tanong ko.Kahapon ko pa kasi siya nakikitang kumakain at naglilibot libot sa campus na mag isa.

"Paano naman magkakaroon ng kaibigan ang babaeng 'yon,Bukod sa pagiging maldita,napaka-mata pobre pa."Tugon ni Veron na sinang-ayunan naman ni Adelaide.

"Kahit sino hindi gugustuhing makipag kaibigan sa babaeng 'yon,maganda nga pero ang panget naman ng ugali."saad ni Adelaide.

Kung gano'n hindi lang pala ako ang tinatrato niya ng gano'n,akala ko kasi mahihirap lang itong tinatrato niya ng gano'n.Inaamin ko na sa umpisa palang ay hindi ko na nagustuhan ang ugali niyang ipinakita saakin,pero iniisip ko na baka may rason siya kung bakit ganoon siya mang trato ng ibang tao kaya iniintindi ko nalang.

"Hindi kaya may rason siya kung bakit gano'n ang ugali niya?"saad ko.

"Ano naman ang magiging rason niya para mangtrato siya ng ibang tao na parang basura,Spoiled brat lang kasi ang babaeng 'yon."umiirap na tugon ni Sonnet na naka-kruss pa ang mga braso habang naglalakad.

Sakanilang tatlo itong si Sonnet ang medyo mataray ng kaunti,palaban at matured mag isip.Si Adelaide itong medyo madaldal at pareho sila ni Veronica na bibo palagi,pero mababait sila at pagdating sa Acads ay pare-pareho silang matitibay.Napag alaman ko na kabilang pala sila sa With Honor.Siguro isa narin ang rasong iyon na Spoiled brat siya at baka kulang din siya sa atensyon ng mga magulang niya o baka naman nagkaroon na siya ng kaibigan noon pero trinaydor lang siya kaya naging ganoon ang ugali niya sa ibang tao dahil sa takot na magtiwala ulit.

Saktong pagdating namin sa Room ay nahuli ko si Loveria na tinapon ang wala ng lamang supot ng Piattos sa ilalim ng lamesa ko.Nang malaman niyang nakita ko siya ay para bang nagkunware siyang wala siyang ginawa.Naglakad ako papunta sa upuan ko saka kinuha ang tinapon niyang basura sa ilalim ng lamesa ko.

"Nasa likod lang naman ang basurahan,Loveria."saad ko sa mahinahong tono.

Nilingon niya ako nang may nang aasar na ngisi."Sorry,nakaupo ka kasi diyan e' kaya akala ko basaruhan."nang aasar na aniya."Itapon mo nalang 'yan,tutal hawak hawak mo narin naman."

Napabuntong hininga nalamang ako at naglakad papunta sa basurahan para itapon itong basura niya.Narinig ko pa ang pagtawa niya nang sundin ko nga ang sinabi niya.Hindi na ako tumugon pa't tahimik nalamang na bumalik sa upuan ko at naupo.Tulad nila Telicia,hindi ko siya papatulan dahil ayoko ng away at gulo,ang manlaban at gumanti ay hindi ko ugali.

Maya maya pa'y dumating na ang huling lecturer namin ngayong umaga.General Chemistry ang subject na ituturo niya saamin.Habang nakikinig ako sa discussion ay biglang may tumamang kinusot kusot na papel sa gilid ng ulo ko.Wala ng ibang gagawa no'n kundi ang katabi ko lang,nang lingunin ko si Loveria ay nang aasar niya akong binelatan sabay irap habang nakakruss ang mga braso saka bumaling na sa unahan.Tulad ng kanina ay napabuntong hininga nalamang ulit ako,pinulot ko ang kinumyos na papel sa sahig at inilagay ito sa bag ko.

Nagtuloy tuloy ang discussion,halos mahilo ako sa dami at hirap ng formula sa pag solve para makuha ang sagot.Pagkatapos ay nagbigay ng activity,medyo nahirapan ako pero natapos ko parin sa tulong ng sci-cal,iyong iba'y tapos narin habang may mga kaklase pa ako na nagso-solve parin hanggang ngayon.Kahit pa kasi sabihin na may sci-cal mahirap parin,hindi kaagad agad makukuha ang sagot.

"Time's up!"tumayo na ang lecturer naming bakla,mataba taba ito't may salamin din.Agad namang nagsi-tigil sa pag-solve ang mga kaklase kong hindi pa tapos."Finish or not finish,exchange your paper with your seatmate."

Chasing Butterfly(Señorito Series One)Where stories live. Discover now