"Para sa'ting dalawa ang bangkang 'yan,Mahal."
Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakatingin sa maliit na bangkang ito na pinagawa niya.May nakasulat dito ngunit hindi ko maintindihan dahil nakasalin ito sa espanyol na linggwahe.Inaya niya ako rito dahil may sorpresa daw siya saakin at ito ngang bangkang pinagawa niya ang sorpresang tinutukoy niya.Pinagawa niya raw ito para saaming dalawa.
Te amo con todo mi corazón,Mariposa.
-Laviente Dragomir Grei.
"Mahal..."nilingon ko siya sa may kanang balikat ko kung saan naroroon naka-pwesto ang mukha niya.Nasa likuran ko siya,nakukulong ako ng kanyang nagkikisigang mga bisig habang narito kami sa dalampasigan."Ano bang ibigsabihin ng salitang nakasulat sa bangka,Mahal?"
Ngumiti siya."I love you with all my heart ang ibig sabihin ng salitang 'yan,Mahal."
Binalingan ko ulit ang nakasulat sa bangka.'I love you with all my heart' Naramdaman ko ang Unti unting pagsilay ng ngiti saaking labi.Mahal rin kita ng buong puso,Mahal ko.
"Nagustuhan mo ba,Mahal?"tanong niya na sinilip pa ang mukha ko sa may kanang balikat ko.
Muli ko siyang nilingon nang may ngiti sa labi."Gustong gusto ko ito,Mahal."
"Halika,mamangka tayo."anyaya niya na marahan pang hinila ang kamay ko.
"S-sige,Mahal."pagpayag ko.Kahit saan pang lugar niya ako ayain,sasama ako basta't kasama ko siya.
Nagulat pa ako nang bigla niya akong buhatin ng pangkasal.Ito ang unang beses na may lalakeng bumuhat saakin ng ganito."Kumapit ka sa batok ko,baka mahulog ka,Mahal."utos niya na ginawa ko naman,nasa may dibdib niya kasi naka-pwesto ang mga kamay ko kanina.
Hindi ko naiwasang mapatitig sa gwapo niyang mukha habang buhat buhat niya akong naglalakad papunta sa bangka.Laging maaliwas ang mukha niya,para bang ang saya saya't ang sigla sigla ng buhay niya,walang iniisip na kahit anong problema.
Pagkalapit namin sa bangka ay dahan dahan niya na akong ibinaba.Nang maisakay niya na ako ay sumakay na rin siya.Ganoon nalamang talaga siya kalakas dahil isang hila niya lang sa makina'y umandar na kaagad ito.
Nakangiti siyang lumapit saakin saka hinawakan ang dalawang kamay ko."Gusto sana kitang isama mamaya sa Mansion ko."aniya.
Isasama niya ako sa Mansion niya? "Mag papaalam ako kay nanay,Mahal."may ngiti sa labing tugon ko.Kung ako talaga ang tatanungin ay gustong gusto ko sumama sa Mansion niya,gusto kong makita ang itsura nito.Ngunit kailangan ko paring magpaalam kay Nanay.
"Anong gagawin natin dito,Mahal?"takang tanong ko nang ihinto niya rito sa gitna ng dagat ang bangka,iginala ko ang paningin ko sa paligid.Medyo may kalayuan na itong hinintuan namin sa Valeriana.Mga nagtataasang puno nalamang dito ang makikita.
"Madali lang,Mahal.Huhuli na lang ako ng mga alimango."may dinampot siyang isang lambat.
"Maghuhuli ka ng alimango?para saan, Mahal?"takang tanong ko.
"Para sa tanghalian niyo,hindi ba magluluto kayo ng malunggay?masarap ang alimango sa malunggay,Mahal."Aniya.Galing kasi siya sa bahay namin,doon siya nag almusal.Nakita niya si Nanay na naghuhugot ng malunggay.
"Huwag na,Mahal.May tinipa naman doon sa bahay."pigil ko.
"Pero mas masarap ang alimango,Mahal."mahinahong giit niya.Nagpakawala siya ng buntong hininga't hinawakan ang kabilang pisnge ko."Madali lang naman ako,Mahal.Maka-apat lang akong alimango aahon na ako."
Wala nga akong nagawa kundi ang pumayag nalang."Basta bumalik ka lang kaagad,Mahal."
Mahina siyang natawa."Huwag kang mag alala,hindi naman ako kakainin ng dagat,Mahal."
YOU ARE READING
Chasing Butterfly(Señorito Series One)
RomanceLaviente Dragomir Grei,The first son of Don Leonhart Ephraime Grei.Mahal mo kaya kahit na alam mong Mali,Bawal,may masasaktan,magagalit,masisira't maaaring gulo ang kahihinatnan ay heto ka't pilit parin siyang ipinaglalaban.Mahal mo kaya balewala sa...