Señorito 4

4.6K 110 1
                                    

Araw ng Lunes,Isang napakagandang balita ang dumating saamin nila Nanay.Nakapasa raw ako sa entrance exam sa Del Valiente,halos magtatatalon sa tuwa si Nanay dahil gustong gusto niya talaga na makapasok ako sa unibersidad na iyon,lubos rin ang nararamdamang saya ni Diegho para saakin.

Binalitaan ko kaagad si Flavio,dahil iyon ang bilin niya.Tuwang tuwa naman siya para saakin,At gaya ng sinabi niya'y do'n nadin siya mag aaral,mas mabuti na nga iyon dahil atlis may kakilala na ako't kasama.Napagplanuhan namin na sabay nalang kaming mag enroll sa Wednesday,mga hapon.

"Naamoy mo ba yun,Rosan.Ang langsa noh?"pagpaparinig sa'kin ni Telicia isang hapon pagkatapos kong magtinda ng isda nang makita nilang makakasalubong nila akong tatlo.

"Ano kaba Telicia,Amoy bagoong kaya."Pasiring naman ni Rosan na ikinatawa ni Telicia at ng isa pa nilang kaibigan na si Ariela.

Hilig nila ang tukusuhin ako na amoy malangsa't bagoong.Dahil lang sa kabuhayan namin nila Nanay ang magtinda ng isda at bagoong naman dahil iyon daw ang lagi naming inuulam at minsan naman ay binabaon ko sa iskwelahan para sa tanghalian,hindi ko alam kung ba't ginagawa nila iyon na katatawanan gayong wala namang nakakatawa.

Nagbaba nalamang ako ng tingin kesa sa labanan ang mapang asar nilang mga tingin saakin.Ngunit natigil ako sa paglalakad nang humarang sila sa daan ko.Nag angat ako ng tingin sakanila,Pare-pareho silang nakakruss ang mga braso at nakataas ang isang kilay.

Tipid akong ngumiti."Magandang hapon sainyo."Bati ko.Hindi ako palaaway na tao,ayoko kasi ng gulo baka pati si Nanay ay madamay.

"Sira na ang hapon namin dahil sa'yo.Sa dami ng taong pwede naming makasalubong iyong amoy malangsa pa't bagoong."mataray na wika ni Ariela saakin.

Sa kabila ng sinabi niya'y ginawaran ko parin siya ng ngiti."Sige,kailangan ko ng umalis."saad ko't nilampasan na sila,ngunit hindi ko inaasahang ihaharang ni Rosan ang isa niyang paa sa dadaanan ko kaya natalisod ako dahilan para makasalampak ako sa lupa.

"HAHAHAHAHAHAHAHAH!"halakhakan nilang tatlo,at nangingibabaw do'n ang halakhak ni Rosan.

Dahan dahan akong tumayo,pinagpagan ko ang suot kong bulaklakang palda na abot tuhod ang haba saka dinampot ang nigo na natilapon.Wala akong balak na gantihan si Rosan sa kabila ng ginawa niya,aalis nalang ako.Ngunit akmang maglalakad nasana ako nang biglang hablutin ni Telicia ang buhok ko.

"Aray!"daing ko."Nasasaktan ako,Telicia."

"Ang lakas ng loob mong talikuran kami."mas lalo niya pang pinanggigilan ang buhok ko kaya napaluha na ako sa sobrang sakit.Hindi ko alam kung ba't tinatrato nila ako ng ganito,wala akong makuhang dahilan para magalit sila saakin ng ganito.Hindi naman ako palaaway,maganda nga ang naging pakikitungo ko sakanila simula nung dumating kami rito sa Valeriana.

"Bi-bitawan mo ang buhok ko,Telicia.Nakikiusap ako."naiiyak na pakiusap ko.

"Kakalbuhin ka namin"sawsaw ni Ariela.

"A-aray!Tu-tumigil na kayo,Na-nakikiusap a-ako"umiiyak ng pakiusap ko ng pagtulungan nila akong sabunutan.Ang sakit,Sobra!Pakiramdam ko'y makakalbo na ako.Sa kakahila nila sa buhok ko ay muli akong napasalampak na ako sa sahig.

"Tigilan niyo 'yan!"isang hindi inaasahang tinig ang biglang nangibabaw mula sa malayo na nagpayanig sa puso ko.

"Ang Señorito Laviente!"nagugulat na wika ni Rosan,Kaagad nila akong bitawan.Dahan dahan akong napalingon sa Señorito Dragomir,may kalayuan ang distansya niya rito sa gawi namin,nakasakay siya sa kabayo habang nakatingin saakin.Ilang saglit pa'y sinimulan niyang patakbuhin ang kabayo papunta rito sa dereksyon namin.

Wala nanaman siyang damit pantaas,naka-maong siyang pants na may kulay brown na belt,iyong sapin niya sa paa'y Leather na sapatos na pahaba ang nguso't may kaunting takong.Nakasuot ulit siya ng kalong pang cowboy ngunit kulay puti na ito ngayon.Ramdam na ramdam ko nanaman ang paghuhumarintado ng puso ko habang pinagmamasdan siya.Maihahalitulad ko talaga siya sa mga leading Man na gumaganap sa mga Telenovela.

Chasing Butterfly(Señorito Series One)Where stories live. Discover now