Hindi parin ako makapaniwala sa pag aming iyon sa'kin ng Señorito.Paulit ulit na sumasagi sa isip ko ang gabing iyon at paulit ulit rin na dumadagundong sa pandinig ko ang sinabi niyang iyon.'My heart really likes you so bad,Mariposa.'Maging ang paghalik niya sa labi ko ay paulit ulit na sumasagi sa utak ko.Bakit ako,Señorito?Ba't ako pa? Iyon ang malaking katanungan ngayon sa isip ko.Kaya siguro gano'n nalang ang pakikitungo niya saakin,saamin nila nanay.Kung pano niya kami itrato lalo na ako dahil iyon ang dahilan niya.
Hindi ko na tiis na hindi sabihin kay Nanay ang tungkol do'n maging siya'y hindi rin makapaniwala.Na sa dami ng mga babaeng pwede niyang magustuhan ba't sa isa pang katulad ko na hindi niya ka-lebel.Ilang gabi na ang nakalilipas ay wala parin akong maayos na tulog at nahahalata iyon ni Nanay,Masyado akong napapaisip kung totoo ba ang nararamdaman sa'kin ng Señorito o kung niloloko niya lang ba ako.Ang sabi sakin ni Nanay ay kung hindi ako sigurado na totoo ang Señorito saakin ay mas mabuti pang umiwas na ako,dahil ayaw niya raw na matulad ako sakanya na pinaglaruan lang.
Yun nga ang ginawa ko.Ilang araw na, na hindi ko nire-replyan ang mga text saakin ng Señorito,maaga narin akong umaalis sa bahay namin nang sa gano'n ay hindi niya ako maabutan kung sakaling pumunta man siya rito.Hindi narin ako nag dedeliver pa ng banana cue do'n sakanilang sakahan.Sa tuwing mag oorder man sila Mang sebastian ay pinapadala ko nalamang ito sa tricycle at nagbabayad nalamang ako.
Oo,aaminin kong nakaramdam ako ng tuwa na malamang may pagtingin saakin ang Señorito,dahil iyon rin ang nararamdaman ko sakanya,ngunit sa parehong oras ay nakaramdam ako ng takot na baka niloloko niya lang ako tulad ng ginawa ng aming ama kay Nanay,na pagkatapos makuha ang gusto ay basta nalang kaming iniwan.Pinilit kong itago kay Deigho ang tungkol do'n ngunit kalaunan din ay hindi ko na natiis pang sabihin iyon,nahalata niya rin kasi na iniiwasan ko ang Señorito.Ang tanging sabi niya lang saakin ay sa oras na makita niya akong umiiyak dahil sa Señorito Dragomir ay hindi siya magdadalawang isip na sugurin ito.
"ba't kailangang ako pa,Flavio?pwede namang ibang babae."saad ko kay flavio isang hapon habang nakaupo kami rito sa bench,narito kami sa plaza.Inaya niya kasi akong mag isaw.
"Eh ikaw lang itong close kong babae,Kaya sige na pumayag ka na,Mariposa."pamimilit niya.Kaarawan kasi ng isa sa mga kaibigan niya,gumawa sila ng deal na dapat raw ay may tig iisa silang ka-date na mag kakaibigan,kapag wala raw ay two weeks na sasayaw roon sa Gay bar na pagmamay ari ni ate Sugar at ate shalala.
Nagpakawala ako ng buntong hininga."Bongga siguro ang kaarawan ng kaibigan mo,simple lang ang mga bestidang mayroon ako,Flavio."saad ko.Magaganda naman ang mga bestida ko sa bahay lalo na iyong mga binigay saakin ni Thalia ngunit hindi pang bonggahan ang datingan.
"Wala naman sa damit 'yan,Mariposa."inakbayan niya ako."Isa pa'y maganda ka naman,baka nga ikaw pa itong pinakamaganda sa mga babaeng dadalo sa kaarawan ng kaibigan ko,Swerte ako."aniya.
Ngumuso ako."Nambola kapa."saad ko sabay subo ng natitirang kikyam sa plastic cup."Sige na,payag na ako.Kung hindi kalang malakas sa'kin eh."Ayoko sana kasi nakakahiya pero makokonsensya lang ako kung hindi ko siya pagbibigyan sa gusto niya,minsan lang siya humingi ng pabor saakin nakakakonsensya naman kung hindi ko pa pagbibigyan.
"Talaga?!Yes!"sa tuwa'y niyakap niya ako ng mahigpit."Mga 7:30 kita susunduin sa bahay niyo.Wag kang mag alala,kahit simple lang ang suot mo,pang bonggahan naman 'yang ganda mo."aniya sabay kindat saakin.May pagkabolero rin talaga ang lalakeng ito.
Pinagpaalam ako ni Flavio kay nanay at diegho.Pumayag naman sila ngunit binilinan siya ni Nanay lalo na ni Diegho na huwag akong iuwi ng gabing gabi na.Naghanap rin ako ng bestidang isusuot sa party at walang ibang naging maganda sa paningin ko kundi ang bestidang binili saakin ng Señorito,Rose gold ruffled sleeves tulle dress na above the knee ang haba.Sa una'y nag-aalangan ako kung ito ba ang susuutin ko o hindi,pero naisip ko na imposibleng magkita kami roon sa party ng kaibigan ni Flavio.Ano naman ang gagawin niya roon? Masyado namang maliit amg mundo kung magkikita kami do'n.
YOU ARE READING
Chasing Butterfly(Señorito Series One)
RomanceLaviente Dragomir Grei,The first son of Don Leonhart Ephraime Grei.Mahal mo kaya kahit na alam mong Mali,Bawal,may masasaktan,magagalit,masisira't maaaring gulo ang kahihinatnan ay heto ka't pilit parin siyang ipinaglalaban.Mahal mo kaya balewala sa...