Señorito 54

2.3K 44 7
                                    

"Ang Señorita Mariposa!Tawagin niyo ang Don Valencio!"gulat na wika ng isa sa mga kasambahay pagkakita saakin.May iilan na tumakbo papunta sa loob para i-anunsyo kay ama na naririto na ako.

Hanggang ngayon ay hindi parin maalis alis ang takot,pagkabahala't kaba saaking dibdib.Natatakot ako na baka ito na ang katapusan ng pagsasama namin ni Dragomir,nababahala ako na baka tuluyan na kaming ipaglayong dalawa at kinakabahan ako na baka mas lumaki pa ang gulo sa pagitan ng pamilya ko't pamilya sa gagawin naming ito ni Dragomir.

"Mahal,natatakot ako."huminto ako sa paglalakad at naiiyak na humarap sakanya.

Nagpakawala siya ng buntong hininga't hinawakan ang magkabilang pisnge ko."Kahit anong mangyare,hindi na ulit ako papayag na magkalayo tayo,Mariposa."

"Pinanghihinaan ako ng loob dahil sa mga nakaraang nangyare saatin."Nagsimula ulit na magsitulo ang mga luha ko."Pero Mahal kita,magtitiwala ulit ako sayo,kaya pakiusap ipangako mo sa'kin na hindi mo na ulit ako iiwan,Dragomir.Ipangako mo sa'kin na kahit anong mangyare ipaglalaban mo ako,sa pamilya ko lalong lalo na sa Don."

"Pangako 'yan,Mahal.Pangako."at niyakap ako.Pagkatapos ay kinuha ang kabilang kamay ko't naglakad na,siya itong nasa unahan at ako naman itong nasa likuran habang hila hila ang kamay ko.

Nararamdaman ko naman ang pagiging sinsero niya na hindi niya ako iiwan kahit anong mangyare,ngunit hindi ko parin mapigilang hindi mabahala't matakot.Ayoko ng mangyare ulit ang mga masasakit na nangyare saamin sa nakaraan,pagod na akong umiyak.Gusto ko na ng katahimikan,gusto ko na rin na bumalik ulit sa dating masaya ang relasyon naming dalawa,at gustong gusto ko narin na magkaroon kaming dalawa ng kalayaan na magmahalan.

Sana pumabor na ngayon ang tadhana saating dalawa,Mahal.

"HAYOP KA,LAVIENTE!ANG LAKAS NG LOOB MONG IPADUKOT ANG ANAK KO!!PUMARITO KAPA TALAGA SA TERITORYO KO!"

Gano'n nalamang ang paggapang ng matinding kaba saaking dibdib nang makita ang papasugod na sila Ama't Antheros kasama ang mga tauhan namin,bakas bakas ang umaalab na galit sa mga mata ni Ama.Kaya naman kaagad akong huminto sa paglalakad at tumungo sa unahan ni Dragomir upang harangan sila ama.

"Pakiusap,Wag niyong sasaktan si Dragomir,Ama."

Awtomatiko namang napahinto sila ama."Lumayo ka sa Lalakeng 'yan,Mariposa!"Asik ng kapatid kong si Antheros na dinuro pa si Dragomir na nasa likuran ko,tulad ni ama ay sobra rin ang talim ng tingin niya kay Dragomir na para bang kaunti nalang ay manunungkab na.

"Hindi!"tanggi ko."Hindi ko magagawa ang nais mo,Antheros!Mahal ko siya!"

"Hindi nararapat sa'yo ang lalakeng 'yan,Anak!"ang tinig naman ni ama itong nangibabaw dahilan para malipat ang tingin ko sakanya.

"Mahal ko siya ama.Kaya paumanhin,Hindi ko magagawang layuan siya."

"Nahihibang ka na ba,Mariposa?numero unong kalaban ng mga Mastrantonio ang mga Grei,hindi kayo nararapat sa isa't isa,isa kang Mastrantonio,isa siyang Grei!"singhal ni Antheros na nakakiyom na ang mga kamao.

"Wala akong pakealam kung isa man siyang Grei,Antheros.Mahal ko siya!Oo,anak siya ng pinaka-kinamumuhian niyong tao sa mundo,ngunit hindi siya tulad ng inaakala niyo,kung iniisip niyo man na hindi siya nararapat saakin dahil lang sa isa siyang Grei,nagkakamali kayo.Araw araw niya akong pinagsisilbahan,Ama.Hindi lang ako maging sila Nanay.Hindi lang rin basta panliligaw ang ginawa't ipinakita niya saakin.Prinsesa ang turing niya saakin hindi lang basta kasintahan.Pinaramdam niya saakin ang pagmamahal na nararapat ipadama sa isang babae,Ama.At walang araw noon na hindi niya ako pinapangiti'pinapasaya binangon niya ako mula sa pagkakabaon sa lungkot dulot ng mga nakaraang nangyare sa pamilya natin,Ama."patuloy ang pagpatak ng mga luho ko habang sinasabi ang mga iyon.

Chasing Butterfly(Señorito Series One)Where stories live. Discover now