Chapter 5.

9 2 0
                                    

RED POV.

Dalawang araw na ang lumipas simula ng kausapin ako ng manager, tinuturo narin sakin ngayon kung ano ano ang mga dapat gawin pag darating si boss, pero imbes na boss ang tawag Master daw, ewan koba basta yun nayon.

Pero ni anino ni master hindi kopa nakikita, sabi ni manager ay pag tapos ng meeting ay may kakausapin padaw ito sa tagaytay kaya hindi alam kung sa isang linggo pa ang balik.

Pero may naririnig ako na nakakatakot daw si master, hindi daw ito namamansin miski personal assistant nya di nya kinakausap.

At marami rin daw umalis na personal assistant dahil sa sama ng ugali kaya niready kona talaga ang sarili ko kung sakaling makita kona sya.

" Ano ayos naman?." Tanong ni Faye, sya kasi ang nag tuturo sakin ng mga dapat gawin, at gusto nya formal syang mag papaalam sa master namin kahit iisnob daw sya ok lang, kasi pogi naman daw.

Hindi naman daw sya aalis dahil hindi nanya kaya si master, aalis sya kasi lilipat narin sila ng bahay at hahanap ng trabaho na malapit lang sa kanila.

" Oo naman, napaka easy lang neto." Pag mamayabang ko.

" Buti naman, pero sana kayanin mo pag si master na ang kasama mo."

" Bakit ba pag naririnig koyang master nayan parang nakakatakot talaga sya? alam mo dahil sa mga sinasabi nyo at naririnig ko naiimagine kong may sungay nayang si master." Sabi ko na ikina tawa nya.

" Nag kakasungay talaga yon si master pag nagagalit, pero alam moba na may mas nakakatakot pa kay master?." Tanong nya.

" Sino?."

" Yung kuya nya, alam moba kahit hindi pa nakakatapak dito sa building nato yung kuya nya, kalat talaga yung pangalan nya." Sabi nya.

" Sino naman? Tyaka hindi kopa nalalaman yung pangalan ng master natin, sino basya?."

" Ah.. sya si Mast___."

" Faye, let's talk for a minute." Biglang singit ni Manager haze kaya nag excuse muna sakin si Faye na tinanguan kolang.

Nangalumbaba ako at napa buntong hininga, ayoko talaga ng trabahong to, pero masasanay rin ako, kailangan koto e, ayoko ng nag hahandle ng business, mas mabigat yon.

Bahagya akong nagulat ng mag ring ang phone ko kaya agad kong kinuha at tiningnan ang caller, it's dad.

" Hello dad?."

" Hi dear, how are you? I heard from your mom that you're finding a job? How is it?." Tanong nya na ikina ngiti ko.

" Dad I already have a job." Proud na sabi ko.

" Really? And what kind of job did you have?." Masayang sabi nya.

" Personal assistant." Sabi ko, natahimik naman sya.

" Dad? Are you still in there?."

" Y-yeah.. congrats my daughter, hope you like your job, just enjoy, ok?." Sabi nito kaya mas napa ngiti ako ng malapad kahit nag taka ako sa pag kautal nya.

" Yes dad, Ingat po dyan ah, miss kana po namin ni mom, don't forget ang pasalubong ko." Ngiting sabi ko na ikina tawa nya.

" Sure anak, miss narin kayo ng daddy, so I hung up now, bye baby."

" Bye po." Sabi ko at binaba nanya ang tawag.

Napa tingin naman ako sa mga tao na naka tingin sakin kaya nginitian ko nalang sila.

Tumayo ako at paalis na sana ng makita ko si Manager haze, hinanap pa ng mata ko si Faye.

" Faye is not here, may inutos lang ako sa kanya, and ikaw, tapos na ang training mo, you can go home now." Sabi nya kaya ngumiti ako.

" Ok po Sir Haze, see you tomorrow." Sabi ko at lumabas na ng building at sumakay sa kotse ko para maka uwi na.

Habang nag mamaneho ako, may nakita akong batang nag hahalukay ng basura kaya pinark ko muna yung kotse ko at bumaba.

" Hey kid, what are you doing?." Tanong ko kaya napaharap sya sakin.

" Sorry po, pero hindi po kasi ako maalam mag English." Sabi nya.

" Ay sorry, anong ginagawa mo? Nag hahanap kaba ng pagkain sa basurahan?." Tanong ko kaya tumango naman sya.

" Wala napo kasi talaga akong makain at gutom na gutom napo ako." Sabi nya, kumirot naman ang puso ko dahil naaawa talaga ako sa mga ganitong bata.

" Wait me here, I mean, intayin moko dito ah." Sabi ko at pumunta sa bakery at bumili ng iba't ibang tinapay.

Matapos bumili ay pinuntahan kona rin yung bata at inabot sa kanya yung plastic.

" Kumain ka ah, gusto mobang dalin kita sa bahay ampunan? Para may mag aalaga sayo." Sabi ko pero umiling sya.

" Wala pong mag aalaga sa mama ko pag dinala nyopo ako don." Sabi nya kaya nalungkot ako, kinuha ko ang wallet ko at nag bigay ng isang libo.

" Eto oh, kumain kayo ng mama mo ng maayos, bukas, mag papadala ako ng mga tauhan para samahan kayo mag grocery, ayos ba?." Tanong ko kaya napa ngiti sya.

" Maraming salamat po ate." Sabi nya kaya bahagya kong ginulo ang buhok nya.

" Wala yon, pasensya na kung hindi ko kayo masasamahan at mga tauhan kopa, may trabaho pa kasi ako bukas, sige aalis na ako, wag kana mag halukay ng pag kain sa basurahan, mag kakasakit kapa." Sabi ko kaya ngiti syang tumango.

" Opo, thank you po ulit." Sabi nya kaya tumango ako at nag paalam na.

Habang nag mamaneho pauwi, naiisip ko yung bata, hindi ko maimagine kung anong gagawin ko kung sakaling nasa ganong kalagayan ako at walang tumutulong sakin, siguradong napaka hirap at napaka sakit non, kaya hanggang kaya kong tumulong gagawin ko.

Kahit naman ganito ang ugali ko mabait parin naman ako, tyaka mataray lang naman ako sa mga taong hindi katanggap tanggap ang ugali.

Ng maka uwi ay agad na akong pumasok at dumiretso sa kwarto para mag palit ng damit, mamaya kona sasabihin kay mom na may trabaho na ako.

Hindi kopa kasi nasasabi, nalimutan kona rin sabihin kahapon dahil sa pagod at naka tulog agad ako ng umuwi ako.

Oo hindi ako sanay sa mga ganitong gawain, pero sanay ng katawan ko sa pahirapan, kaya siguro nakakaya koto.

" Ay Oo nga pala, di pa nasasabi sakin ni Faye yung pangalan ng master namin, bukas ko nalang itatanong."

The Destroyer King 2(4D)Where stories live. Discover now