Chapter 19.

14 3 2
                                    

RED POV.

Katatapos lang naming mangain at nag paalam ako kay Master na pupunta lang ako sa Restroom, hindi nako nag pasama dahil malapit lang naman.

Ng matapos ako ay nag hugas na ako ng kamay at tiningnan ang sarili, medyo gulo na pala yung buhok ko kaya inayos ko..

" Tingnan mo girl, ayan yung sinasabi ko sayo." Rinig kong sabi mula sa pinto kaya napa tingin ako sa dalawang babae gamit ang salamin, halatang ako ang pinag bubulungan nila dahil kami lang ang tao.

" Ay ganon? Ang landi naman nya, pati boss nya kinakalantari nya."

" Malande nga diba, gustong makalahi sa mga Vlades, asa naman syang gaganda pa ang lahi nya." Rinig kopang mga bulungan nila, hindi kona kinaya at nag punas na ako ng kamay at hinarap sila.

" Nag paparinig ba kayo?." Taas kilay na tanong ko, tumaas rin ang kilay nila sinasabing hindi sila mag papatalo.

" Bakit? Natamaan kaba? Kasi.." Tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa at ngumisi.

" Totoong malandi ka?." Ngising sabi ng isa na ikina irap ko, matagal na simula ng nilabas ko ang sungay ko, natigil lang dahil naging personal assistant ako ni Master, pero mukang mapapalabas nila ang tinatago tago ko dahil hindi ako marunong mag patalo.

" Nahiya naman ako sa pinag sasabi mo, bago kaba umalis sa inyo naalala mo manlang ba na tumingin sa salamin?." Sabi ko at tiningnan rin sila mula ulo hanggang paa, yung tingin na nakakapanlait.

" Kasi parang mas gusto mopang makita ng lahat ang kaloob looban mo, kesa galangin ang saili mo. dat sa bar ka nalang nag punta para kahit sobrang cheap mo papatulan ka, kasi don, walang taste at walang pakielam kahit sobrang nabubulok na ang ugali mo." Mataray na sabi ko, namula naman sila sa inis na ikina tuwa ko.

" Malande kalang! Andami mong sinasabi ayaw mopang aminin na malandi ka! Asa ka namang papatulan ka ng isa sa mga Vlades!." Bulyaw nito at susugurin na sana ako ng umilag ako dahilan para masubsob sya sa lababo, susugod rin sana yung isa pa ng duruhin kosya at tiningnan ng nakakamatay na tingin.

" Malapit kalang ng ilang inches sakin, sisiguraduhin kong hindi kana makakakapit ng gintong kutsara, ay male pala, hindi kana makakadikit, tutal pareho naman kayong linta." Sabi ko, muka namang tinablan nasya ng takot kaya nanatili nalang sya sa kinatatayuan nya, ngumisi ako, may takot naman pala, hinarap ko yung babaeng sobrang sama na ng tingin.

" Gusto moba ng proweba ng pagiging linta nyo? Akala nyoba hindi ko kayo nakikitang lumalandi sa iba habang kalapit ang sugar daddy nyo? Nakakawit sa sugar daddy pero wagas makakapit sa katawan ng ibang lalaki, tapos ng mapansin nyo kami todo titig naman kayo kay Master Vlades, na halatang pinag nanasaan nyona sa isip isip nyo." Mahabang sabi ko at taas noong ngumisi, kita ko kasi ang pagka gulat sa mga mata nila at bakas rin ang pagka pahiya sa kanila.

" Ops.. Secret bayon? Ok.. Shh lang ako, baka malaman kasi ng sugar daddy nyo at iwan kayo sa ere." Mapang asar na sabi ko, nag flip hair muna ako bago mag punta sa pinto, pero bago ako lumabas may sinabi pa ako.

" Higpitan nyolang yung kapit, kasi hanggang dun nalang ang kaya nyong gawin." Sabi ko at lumabas na, natawa nalang ako ng marinig ang galit na galit na sigaw nila.

" Why did it take you so long?." Agarang tanong ni Master ng makalapit na ako sa kanya, napa ngiti nalang ako dahil sa itsura nya.

Kapit nya yung teddy bear habang sa kabilang kamay ay cotton candy na color pink.

" What?." Tanong nya, hindi ko napigilan di mapa hagikgik.

" Sorry may dalawa kasing linta e." Sabi ko, agad nyang binaba sa tabi nya yung teddy bear at kinapitan yung kamay ko at tiningnan, kaya napa titig ako sa kanya.

" Did they hurt you?." Tanong nya at tumingin sakin.

Hindi ko alam kung mag tataka o matatawa nalang ako dahil sa sinabi nya, seriously? Masasaktan kaba ng linta? Oo taong linta, pero yung literal na linta, sa lambot non tingin nyoba masasaktan ako non? Ang weirdo talaga nitong ni Master.

" Hinde.. natakot sakin e." Pag mamalaki ko, napansin kong ang daming napapatingin samin, tatanungin kona sana si Master kung anong meron at naka tingin samin, ng mapag tanto ko kung bakit agad kong nabawi ang kamay ko.

Hindi ko napansin na kapit parin pala nya gawa ng ang taas ng pag mamalaki ko, sana naman ay wala silang isipin..

" Here." Abot sakin ng cotton candy at binitbit na ang teddy bear ko, ng tumayo sya bahagya akong tumingala dahil nga matangkad sya plus ang lapit nyapa.

" Let's go, lilibutin natin tong dalawa." Sabi nya at kinapitan ang kamay ko at hinigit..

Napa titig ako sa likod nya, sa di malamang dahilan bigla akong napangiti lalo na ng maalala na nag tagalog sya, once in a blue moon lang sya nag sasalita ng tagalog, para kasi syang nasa America kung maka English.

" Do you want to play?." Tanong nya ng hindi tumitingin, pinag sawalang bahala ko nalang ang mag kakapit naming kamay at sumabay sa lakad nya kahit ang bilis nya mag lakad.

" Anong Laro?."

" I Change my mind, let's just go there, 'The hole tense." Sabi nya, hindi nanya ako hinayaan pa mag salita at dinala nanya ako roon, nag bayad sya at pumasok na kami sa bilog na daan.

" Anong meron dito?." Tanong ko habang nag lalakad kami sa dilim, may kaunting liwanag naman pero malabo.

" You'll see." Sabi nya, napakapit ako ng mahigpit sa kamay nya ng makarinig ako ng hindi magandang tunog.

" WHAAA!!." Halos maiyak ako sa sobrang takot ng may lumitaw na dead body sa harapan ko, ni hindi konga namalayan na napayakap na ako kay Master..

Agad kong pinunasan ang luhang kumawala ng mapagtantong hindi naman pala totoong tao, nahihiya rin akong tumingin kay Master..

" S-sorry, nagulat lang ako."

" Are you scared?." Tanong nya, para namang nakakahiyang aminin pero tumango ako.

" Hindi pa Halloween pero nananakot na sila." Pout na sabi ko..

" Then stay in my side, let's fight that little fear." Sabi nya at kinapitan ulit ang kamay ko at sabay na kaming nag lakad.

" Wag mokong bibitawan ah."

" I will never let you go."

The Destroyer King 2(4D)Where stories live. Discover now