Chapter 77.

10 3 1
                                    

RED POV.

Naalimpungatan ako dahil sa liwanag ng araw, umupo ako at napakapit sa ulo ko dahil masakit.

" Decker." Mahinang sabi ko pero miski anino nya ay wala, naalarma ako bigla ng makarinig ng sigaw mula sa labas.

Agad akong tumayo at sumilip sa bintana, nakita ko si Decker na binubugbog yung mga tauhan nya, dali dali akong tumakbo pababa.

" M-master.. sorry po." Sabi ng tauhan nya at lumuhod pa sa harapan ni Decker, nagulat ako ng tadyakan nya ito, at ng ambang sasapakin nya ay agad nakong lumapit para pigilan sya.

" Decker." Sabi ko habang kapit ang braso nyang nasa ere pa, hindi sya lumingon sakin, marahas nyang binawi ang braso nya at tumayo ng maayos.

" Hindi ko kayo kinuha para mag pabaya, 24 hours kayong nag babantay, pero hindi nyo nakita kung sino ang nakapasok?." Sabi nya habang nakatingin sa malayo.

" Pag naulit pato, sinisiguro ko na wala akong palalampasin." Sabi ni Decker bago ako harapin, hinawakan nya ang kamay ko bago higitin papasok.

" Decker." Tawag ko sa kanya pero hindi sya nag salita, napakagat ako sa labi ko at buong lakas na binawi ang kamay ko.

Napa tigil sya at napaharap na sakin, napahinga ako ng malalim dahil sa lalim ng tingin nya.

" Hindi mo da___."

" Hindi ko dapat ginawa?." Pag tutuloy nya sa sasabihin ko, halos nanigas ako sa gulat ng malakas nyang tinabig ang base.

" Hindi mangyayare sayo yung nangyare kagabi kung inayos lang nila ang trabaho nila! Pano kung hindi lang ganon ang ginawa sayo!? Paano na ah!? May magagawa ba ang sorry nila!?." Sabi nya, naluluha akong tumingin sa kanya ng masama.

" Bat kaba nag tataas ng boses!? Tao rin naman sila! Nag kakamali!."

" Pero ang pag kakamaling yon ang mag lalagay sayo sa panganib! Gusto lang kitang protektahan!."

" Sige! Protektahan moko! Protektahan moko ng hindi nananakit ng ibang tao! Ng dahil lang sakin nananakit ka! Ako ang na giguilty sa ginagawa mo!." Sabi ko at nag tuluan ang mga luha ko.

" Pero ___."

" Kung ganyan kalang rin naman, wag mona kong protektahan, hindi moko responsibilidad dahil wala ka namang kinalamam sa buhay ko, wala kang papel sa buhay ko." Sabi ko at umalis na sa harapan nya, tumakbo nako pabalik sa kwarto at nag lock, agad akong sumubsob sa kama at umiyak.

Sinaktan mo nanaman sya red, sinaktan mo nanaman yung taong mahal na mahal mo.

Napa bangon ako ng mag ring ang phone ko, agad akong tumayo para kunin yon at sinagot.

" Hello."

" Cous! Morning!." Masiglang bungad sakin ni Selena.

" Sorry.. aalis naba? Hindi pa kasi ako nakakapag ayos." Sabi ko, narinig ko naman ang mahinang pag tawa nya.

" Don't worry take your time, nag aayos pa naman kami, and excited na yung friend ko na ma meet ka."

" Ako rin, sige na, mag aayus nako."

" Mag papaalam kapaba sa boyfriend mo? Ow sorry, ex na yata."

" Hindi na kailangan, sige na, mag aayus na ako, baka hindi pa ako matuloy kung mag tatagal pako."

" Sige, see you later bye!." Huling sabi nya bago nya patayin ang call, Dali dali nakong kumuha ng masusuot at pumasok na sa banyo.

20 minutes lang akong naligo at nag ayos na, kinuha kona rin ang shoulder bag ko at tumingin sa salamin at huminga ng malalim.

" Kaya koto." Sabi ko bago lumabas, wala naman akong nakitang Decker kaya nag madali nakong lumabas, baka mamaya maabutan nyapa akong umalis.

Alam kong delekadong umalis dahil narin sa nangyare kagabi, pero ngayun lang naman, at pinsan ko si Selena, alam kong safe ako.

" Lady Red." Gaya ng inaasahan, haharangin nga talaga ako ng mga tauhan nya.

" Tabi, aalis ako."

" Hindi po pede lady red, mayayare po kami." Sabi nya kaya inis kosyang tiningnan.

" Alam ni Decker na aalis ako, kaya tabi." Sabi ko at dadaan na sana pero hinarang parin nila ako, kulit..

" Tatanong lang po namin kay master kung totoo___." Bago pasya matapos ay agad kong pinakita ang cp ko.

" Gusto nyong tawagan kopa sya? At pano kung totoo ang sinasabi ko? Ready naba kayong mamatay sa kamay nya? Malelate nako sa lakad ko, o baka gusto nyong mapaaga ang burol nyo." Sabi ko, nakita ko ang pag lunok nila at nag tinginan pa, nag tanguan sila at nag bigay daan at galang.

" Pasensya napo, makakadaan napo kayo lady Red." Sabi nito kaya wala nakong sinayang na oras at umalis na.

Buti gumana, kung tinawagan talaga nila si Decker mas yare ako, tyaka tinatakot kolang sila, hindi ko magagawang mag papatay ng tao.

Agad nakong sumakay sa taxi at sinabi ang lugar na dapat puntahan, nakahinga na ako ng maluwag ng makalayo sa mansyon.

Don't worry Decker, this time hindi na ako tatakas, dahil alam ko naman na sayo parin ang baksak ko, pag may nangyari, ikaw ang unang tatawagan ko, dahil ikaw lang naman ang unang naiisip ko na kayang mag ligtas sakin sa panganib, kaya mag iingat ako, promise..

Ng makarating sa tagpuan ay nag bayad na ako at bumaba, wala masyadong tao kaya nakita korin agad si Selena na naka upo sa bench.

Napa ngiti akong tumakbo papalapit sa kanya, mukang hindi nyapa napapansin na nandito na ako.

" Selena!." Ngiting tawag ko dahilan para mapa tingin nasya, tumayo sya at ngumiti sakin ng malapad.

" Selena!."

" Cous." Ngiting sabi nya, tumigil ako sa harapan nya at hinawakan Ang kamay nya.

" Kanina kapa?." Tanong ko, umiling naman sya.

" Hindi, kararating kolang din." Sabi nya, tumingin ako sa paligid, ng makitang wala syang kasama hinarap kosya.

" Asan nanga pala yung kaibigan mo na ipapakilala sakin?."

" Bumili lang sandali, oh, teka eto na pala sya e." Ngiting sabi nya habang naka tingin sa likod ko, kaya napa tingin narin ako.

Nawala ang ngiti ko ng makita kung sino ang nasa harapan ko, may kapit syang coffee in can at naka ngiti saming dalawa.

" Tagal narin, good to see you again, Red." Sabi nya, sumikip ang dibdib ko at hindi mapigilan ang mabilis na pag hinga na hinarap si Selena.

" S-selena, ialis moko dit___."

" Sorry Cous." Sabi nya, kaya natulala ako, ano bang nangyayare?

The Destroyer King 2(4D)Where stories live. Discover now