Chapter 32.

10 2 0
                                    

RED POV.

" Saan punta?." Curious na tanong ko, yung kay Karl na kotse ang ginamit namin.

" May concert sa park, manonood tayo." Excited na sabi ni Kudos..

" Concert? Bakit meron ngayon?." Takang tanong ko.

" Eh? Kalat na pero di mo alam?." Sabi ni Kudos na ikina irap ko.

" Duh! Nasa Makati kami, pano ko malalan yon?."

" Hehe.. anyway, The festival is coming soon, maybe they decided to make a little show to get more attention and interested on their band, bukod kasi sa maraming makikita sa festival, diba tama lang na makakuha sila ng maraming attention para maraming pumunta?." Sabi nya na ikina tango ko.

" Pero hindi ba dapat hindi parin nila ginawa? Para surprise?." Sabi ko..

" Maybe they're just trying to do this kind of little show to give them more confident, hindi birong mag concert sa harap ng maraming tao." Sabi naman ni Karl na agad naman naming sinang ayunan ni Kudos.

Tama.. kahit na ilang taon kanang sumasalang sa ganong sitwasyon, ay hindi parin mawawala na kakabahan ka..

Ng makapag park ay agad na kaming bumaba, nakita namin na medyo marami naring tao, at may mga upuan narin, agad na kaming kumuha ng pwesto bago pa kami mawalan na mauupuan.

Nilibot ko ang tingin ko, napaka raming tao, pero mas marami ang babae, sino kaya ang mag coconcert? Mukang sikat na sila mula pa noon kaya ganito nalang kaingay at kabaliw ang nasa paligid namin.

" Bat antagal? It's almost 10am." Nauubusang pasensya na sabi ko sa dalawa, nasa dulo ako kaya tanging si Kudos lang ang katabi ko..

" Malapit na." Sabi ni Kudos at patingin tingin sa relo nya, tumingin ako sa kalangitan ng bigla nalang humangin ng malakas..

" Bakit kasi hindi ka nag iipit?." Sabi ni Kudos kaya napa tingin ako sa kanya, nagulat ako ng anlapit ng muka nya sakin plus titig na titig pasya..

" Ayusin monga." Sabi nya at inayos ang buhok ko papunta sa likod ng tenga ko, biglang uminit ang muka ko kaya natabig ko ang kamay nya at nag iwas ng tingin.

" Kaya ko." Kunwaring pag susungit ko para hindi nya mahalata ang pamumula ko, grabe naman yun, nakakagulat sya ah.

Hindi naman na sya nag salita kaya kumalma narin ako.

" Ayan na, grabe excited nako, Karl video-han mo ah!." Masiglang sabi ni Kudos at napapapalakpak pa, kaya napa iling nalang ako at napa tingin sa stage, may tatlong nasa unahan , bakit kaya tatlo lang?

" Ngayon ay sisimulan na ng Band Of Roses! Pero bago ang lahat isa isa ko muna silang ipapakilala sa inyo, ang nasa kaliwang bahagi ay si Noel crick ang rhythm guitar, at ang nasa kanang bahagi naman." Sabi ng emcee, hindi pa nasasabi ang pangalan ng lalaking iyon ng bigla nalang nag titili yung mga babae na akala mo ngayon lang nakakita ng lalaki..

" Kian Arkin the bass guitar." Sabi nya na mas lalong ikina ingay ng paligid, tiningnan ko yung Kian at tinitigan ito, wala itong pake sa paligid at inaayos lang ang guitar nya, at hindi ko maitatanggi na gwapo sya, malakas din ang dating.

" At ang nasa gitna naman ay si Jana Krause, the vocalist, and that's the name member of the Band of Roses." Sabi ng amcee kaya mas lalong umingay ng mag simula na silang tumugtog, pero bakit walang drummer? Hindi ba nila kailangan non? Ays, Red ano bang pake mo? Wag kang basag trip sa gusto nila.

Nakikisabay sila sa kanta ng babae, at mukang narinig na nila ito noon pa, kahit itong katabi kong si Kudos ay nakikisabay narin.

Kahit ako hindi ko maitatanggi na sobrang ganda ng boses ng babae, kahit yata sinong lalaki baka mapaibig sa ganda ng boses nya.

" KYAAA!! ANG GWAPO MO KIAN!."

" CRUSH KITA NOEL!!."

" KIAN PANSININ MO AKO!!."

" KIAN!! KYAAA!."

" AMPOGI MO KIAN!!."

" WHOOO!! ANG GANDA NI JANA."

Sigawan nila, mas lamang talaga ang sinisigaw na pangalan na kian, mukang sikat sya kahit guitarist lang sya.

Matapos nilang kumanta ay pumalakpak na kami, kahanga hanga nga yung mga fans nila dahil parang nireserba talaga yung boses nila para rito, hindi na natigil sa kakatili..

" Grabe ang ganda talaga, nagutom nako hahaha.." Sabi ni Kudos habang papaalis na kami..

" Sus.. lagi ka namang gutom, kelan kaba mag babago ha!?." Sabi ni Karl na ikina simangot ni Kudos.

" Bakit ba pinapakialaman mopa yung tyan ko? E sa nagugutom e tsk." Sabi nya..

" May malapit na restaurant dito, doon nalang tayo kumain." Sabi ni Karl na ikina tuwa naman ng husto ni Kudos, para talaga syang bata.

Nilakad nalang namin dahil malapit lang at matatanaw mo kaagad, pumasok na kami sa loob at nag hanap na ng pwesto.

" Pipili nako ng masarap, alam ko naman na libre to ni Karl haha.." Sabi ni Kudos na ikina iling nalang namin, kahit kailan talaga, kelan kaya namin sya makakasama na gumastos manlang kahit piso?

Namili na kami, si Kudos dalawa ang onorder kami tag isa lang ni Karl, wala naman pake si Karl kung lagi nyang libre, kahit naman ako, wala akong pake sa pera kahit malaki pa ang magastos ko, kaya keri naman namin ang katakawan ni Kudos na tamad mag walwal ng pera.

" Punta tayo sa festival ah! Dapat mag kakasama tayo, sa tagal nating mag kakasama wag nating gawing dahilan ang trabaho." Ngiting sabi ni Kudos, kaya tumango kami.

Muka namang nag mamatured nasya, ok narin, siguro marami nasyang narealize na mahalaga talaga ang pagiging mature.

" Kasi kailangan nyopa akong ilibre hehehe.." Dugtong nya na ikina tawa namin ni karl, kala kolang pala na nag mamature nasya, ganon parin pala hay nako..

Napa tingin ako sa di kalayuan, at may napansin, hindi ko sure kung sya ba iyon o nag iilusyon lang ako, pero ng titigan ko sya ng matagal, hindi nga ako nag kamali..

Bakit sya nandito? At sino yung kasama nyang babae? Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng iba ng makita syang may ibang kasamang babae..

Important business pala ah, makikipag kita kalang pala sa babae, nag sinungaling kapa sakin Master.

The Destroyer King 2(4D)Where stories live. Discover now