Chapter 51.

4 2 0
                                    

RED POV.

Naka higa lang ako dito sa kama, mag iisang linggo na ng ikulong ako dito sa kwartong to, katabi lang nito ang kwarto ni Decker, kinuha nya yung phone ko at nag lagay ng keypad na phone sa mesa, anong gagawin kodon?

Napa hinga ako ng malalim ng maalala lahat ng kabrutalang ginawa nya sa mga lalaki, ewan ko nalang kung anong ginawa nya don sa natitira, halos masuka ako sa mga nakikita ko hanggang sa bigla nalang akong nakita ng dalawa nyang tauhan.

Hindi ko matanggap na ganong klasing tao ang nagustohan ko, mamamatay tao, at sa itsura nya mukang nag eenjoy pasya sa ginagawa nya.

After kong magwala don sa katakot takot na lugar, inuwi nyako dito at kinulong, hindi nyako kinakausap kahit nag sisisigaw ako, hanggang ngayon hindi kopa nakikita miski anino nya, basta may nag dadala nalang sakin ng pagkain.

At ngayon, may nabalitaan ako kay Karl, gamit yung keypad na cp nayon natatawagan kosya pero kung mag papatulong ako na umalis dito baka madamay pa sila.

Ang sabi nya, kahapon daw may tatlong kompanya daw na pinabaksak si Decker, pinasabog daw nya at may nakausap daw syang isa sa empleyado don sa kompanyang pinabaksak ni Decker, nag wala daw sya at galit na galit.

Pero bago nya pasabugin ang bawat building pinaalis na ng mga tauhan nya yung mga tao, hindi alam ni Karl kung bakit pero sabi nya narinig daw ng empliyado don sa building yung boss nila na nabanggit ang pangalan ko, at sakto naman na nandon si Decker, hindi nya alam ang buong detalye kaya nalilito parin ako.

Bukod sa natatakot parin ako sa kanya dahil sa nakita ko, isa patong dagdag para isipin na umalis na dito, pero kahit malampasan ko ang pag takas dito sa kwarto kahit malabo, imposible naman na maalis ako sa mansyong to dahil hindi mabilang ang tauhan nya sa labas, minsan lang ako sumilip sa bintana at naiinis ako kasi para akong preso.

Pero.. kahit na ganito ang nararamdaman ko, nagagalit ako sa kanya pero may part sakin na nasasaktan dahil hindi nya manlang ako mapuntahan dito.

Oo galit ako dahil sa ginawa nya plus tong balita pa sakin ni Karl, pero hindi mawawalang may nararamdaman parin naman ako para sa kanya, may part sakin na gusto nasyang ayawan pero may part rin na namimiss kosya..

Dahil sa pag kamiss ko sa kanya kasabay ng inis at galit, feeling ko nababaliw nako, hindi kona alam ang gagawin.

Napa tingin ako sa pinto ng bumukas ito at nag lapag ng tray na may pag kain, isa to sa mga tauhan ni Decker.

" Teka!." Pigil ko ng palabas nasya, umupo ako ng tumingin sya sakin.

" Bakit po lady Red?."

" Si.. si Decker? Nasaan basya?." Biglang humina ang boses ko, at napa iwas ng tingin.

" May importante posyang ginagawa." Sabi nya na ikina inis ko naman, ano naman yun? Wala akong ibang nakukuhang magandang balita mula sa kanya, lahat nalang puro kasiraan, kung wala syang bubugbugin mag papasabog naman sya ng building. Tangina!

" Wala ba talaga syang balak na palabasin ako?."

" Pinag bilin kapo samin na wag paalisin, pasensya napo."

" Hindi nya manlang ako matingnan dito kung humihinga paba ako! Ano bang gusto nya at kinukulong nyako dito!?." Sa inis ko tumaas ang boses ko.

Ang totoo, medyo nadismaya ako dahil kahit silip manlang di nya magawa, pag katapos nyang sabihin na mahal nyako, Oo na! Pinanindigan kona ang mga sinabi nya! At umaasa ako don! Sira ulong Decker! Kahit na ang sama nya at nakakatakot, sya parin naman yung gusto ko, tingin ko naiinlove nanga ako sa kanya sa sobrang pagkamiss ko..

Sya si Decker, wala akong alam sa kanya pero may nalaman naman na ako, at kahit na isipin ko na baka hindi imposible na mapatay nyarin ako, umaasa parin ako na mahal nyako.. kasi.. arg!

" Sorry po Lady Red, hindi kopo msasgaot ang tanong mo, aalis napo ako." Sabi nito at umalis..

Ng mag sara ang pinto pinigilan ko ang mga luha ko, dapat nga hindi kona iniisip ang lalaking yun, I saw in my own eyes, habang pinapatay nya ng dahan dahan yung mga lalaki, pero minsan naiisip ko na deserve nila yon, kung hindi nga dahil kay Decker baka pinag lalamayan nako ngayun..

Siguro nga nababaliw nako dahil minsan naiisip ko na tama ang ginawa nya kahit mali, arg!

Nahiga ulit ako, napa tingin ako sa table ng mag ring ito kaya dali dali kong kinuha ang cp at sinagot.

" Hello." Sabi ko pero walang nag salita, tiningnan ko yung number, eto nanaman yung number na laging natawag pero di naman nag sasalita.

" Hello.. sino bato?." Sabi ko, chill lang red, siguradong papatayin nya nanaman pag nagalit ka.

" Pag hindi ka nag salita, ibablock kona ang number mo." Medyo naiinis na sabi ko pero wala parin akong narinig, at putang ina! Pinatay nya!

" ARG! AHH!!." Gigil na sigaw ko at gustong gusto konang itapon tong cp, pero wala nakong magagamit pag nasira pato, tanginang caller yan, may pinoproblema nanga ako tapos dadagdag patong gagong to!

Nag ring ulit ang cp, wala sana akong balak sagutin kung sya nanaman, pero nabasa ko ang pangalan ni Karl kaya agad kong sinagot.

" Hello Karl may balita ba?."

" R-red.. si.. si.. TELL ME NOW!!."

Biglang kumabog ang puso ko ng marinig ang sigaw nayon, hindi ako maaaring mag kamali, si Decker yun, anong ginagawa nyadon?

" Karl! Asan ka!? Anong nangyayare?." Alalang tanong ko.

" Nandito ako sa company ni Kudos dahil sabi nya bigla nalang sumugod tong si Decker."

" Bakit daw?."

" I don't know yet, pero ibabalita ko sayo pag nalaman kona."

" Sige.. mag iingat kayo sa kanya." Sabi ko, kahit masakit sakin na sabihin yon dahil parang pinaparating ko na isa syang banta, wala paring kasiguraduhan kung anong balak nyang gawin.

Ng ibaba nanya ang tawag ay napakapit ako sa dibdib ko, nag aalala ako para sa kalagayan nila, si Decker ang kaharap nila ngayon, at wala manlang akong magawa..

" Please Decker, Don't hurt them."

The Destroyer King 2(4D)Where stories live. Discover now