Chapter 53.

7 2 0
                                    

RED POV.

Naka subsob yung muka ko sa unan habang hindi mapakali, hindi mawala sa isip ko yung pag amin ko sa kanya kanina..

" Is this real?." Hindi makapaniwalang tanong nya at tiningnan ako.

" Hindi ba halata?." Sabi ko at nag punas ng luha, para syang maiiyak na ewan at kinapitan ang kamay ko.

" So.. Is this mean.."

" Yeah.. kahit hindi ka nag hirap at ako panga ang pinahirapan mo kakahintay sayo, sinasagot na kita."

" KYAAA!." Tili ko sa unan, parang kanina lang todo iyak pako, ngayon naman kilig na kilig..

Epal lang talaga yung tumawag sa kanya, hindi sana sya aalis kaso nakakahiya naman sa nag papapunta sa kanya sa office nya, may importante daw kasing sasabihin, natawa nga ako kasi papatayin nyaraw ang taong yon pag di daw talaga maganda ang sinabi.

Pero alam ko naman na hindi nya gagawin yun kahit nagawa nanya sa iba, kaya lang naman ako sure ngayon dahil secretary yon ni Dark, yari sya pag pinatay nyayon.

Speaking of dangerous, hindi ko natanong kung anong ginawa nya kila Kudos dahil narin sa pag eemote ko, tatanung ko nalang mamaya.

Naka higa parin ako sa kama, hindi parin nya ako pinapalabas kahit sinabi konang hindi naman ako aalis, gusto lang daw nyang makasigurado na hindi ako aalis tsk..

Kinuha ko ang cp ko, balak kong tawagan si Karl, gusto kong malaman ang lagay nila, kaso halos mabato ko yung cp dahil wala ng load, asar!

Nahiga ako sa kama at pinikit ko ang mga mata ko para mag pahinga muna.

NAALIMPUNGATAN ako ng may maramdaman ako sa bewang ko, lumingon ako at natigilan ng makita ang mahimbing na natutulog sa tabi ko.

Napa titig ako sa kaya, napaka aliwalas kasi ng itsura nya, hindi gaya pag gising, lagi nalang seryoso at minsan para pang papatay ng tao.

Eto naba yun? Eto naba yung taong hindi kinakaya ng sistema ko? Eto yung taong minahal ko, mahal na mahal ko kahit na may bagay syang nagawa na hindi katanggap tanggap.

Habang tinititigan kosya ngayon, parang wala sa itsura nya na kaya nyang gawin yon, na para bang pag gising sya sinasapian lang sya ng kung sino..

Bahagya syang gumalaw at unti unting nag mulat, nag tama ang tingin namin, titig na titig sya sa mga mata ko, naramdaman korin ang bahagyang pag higpit ng yakap nya.

" Baby.." Mahinang sabi nya kaya napa iwas ako, bigla kasi akong nailang..

" Decker." Tawag ko sa kanya habang naka tingin sa kisame.

" Hmm?."

" Nagugutom nako." Sabi ko sabay simangot, nararamdaman kona rin kasi yung tyan ko.

Narinig ko ang mahinang pag tawa nya kaya tiningnan kosya ng naka simangot, anong nakakatawa? Dapat ba pag tawanan yung taong nagugutom? Ansama nya!

" Sige pa, tawa pa nabusog ako." Sarcastic na sabi ko, naka ngiti syang napa iling at bumangon na kaya bumangon narin ako.

" Let's go, I'll prepare a Lunch for us." Sabi nya at nauna ng mag lakad, naka ngiti akong humabol sa kanya at sabay na kaming bumaba.

Ng makarating sa kusina ay pinaupo nanya ako, ipapainit nyalang daw yung sinigang..

Naka ngalumbaba ako habang pinag mamasdan ang likod nya, bukod kasi sa gwapo sya, kahit likod lang kapansin pansin parin talaga ang ganda ng katawan nya, nahiya naman ako hahaha..

Ng matapos nasya tinulungan kona sya sa pag hahain, pinag lagay nanya ako at sabay na kaming kumain.

Tahimik lang kami, hindi ko maiwasang hindi sya tingnan paminsan minsan, may bumabagabag kasi sakin at gusto kong malaman yon.

" What's the matter?." Tanong nya ng mapansin ang pasulyap sulyap ko sa kanya, ngumiti ako ng mapait at umiling.

Tinapos na namin ang pag kain namin at nilagay na sa lababo, nag lalakad kami sa hallway ng mag salita ako.

" Decker."

" Hmm?."

" Let's talk." Sabi ko kaya napa tigil kami, hinarap nya ako..

" Talk about what?." Tanong nya, napa buntong hininga ako.

" Sa nangyare." Sabi ko, napa iwas naman sya ng tingin.

" Is it really need to talk about it?." Tanong nya..

" Oo." Seryosong sabi ko, napa tingin sya sakin at napa hinga ng malalim.

" Please, tell me all.. ng hindi ako nagugulat." Naka iwas na tingin na sabi ko, nakita ko ang pag tango nya kaya inaya nyako sa sala.

" Please don't judge me if you know it all." Nag susumamong sabi nya habang nakahawak sa kamay ko, tumango ako.

Nakinig lang ako ng mag simula nasyang mag kwento, simula nung pagkabata nya hanggang sa lumaki sya.

Hindi ko alam kung anong iisipin ko sa mga sinasabi nya, kinalakihan  nanya ang pumatay ng tao, pinapatay nya ang taong lumalapastangan sa kanila, he's just returning the favor.

Sabi nga diba, kung ayaw mong ikaw ang mauna, unahan mo, ibig sabihin, kung ayaw mong maunang mawala, bago nyapa gawin sayo gawin mona sa kanya.

Merong side na sinasabing tama naman, pero may part rin sakin na tutol, tama kasi kung hindi nya ginawa edi matagal nasyang patay, tutol kasi marami namang paraan para makabawi pero mas pinili nyang ibalik yung bagay na dapat sa kanya ginawa.

" Please don't hate me." Pag mamakaawa nya, napa buntong hininga ako at inalis ang kamay nyang nakakapit sakin, nakita ko ang sakit at takot sa mga mata nya.

" Ano bang tingin mo sakin? Tingin moba ipag kakalat koyon at kamumuhian ka?." Sabi ko, kita ko ang pag tungo nya.

" It's not like that, I just loved you, that's why I'm scared that if you knew who I am, you will hate me and leave, I can't.. can't you see? I'm so desperate and I've never allow you to leave here after you left me, then I almost lost my sanity when you said I'm horrible, it's break my heart seeing you like that, It's flashing my mind that you will leave and I will never gonna see you again, I-i can't live without you.. y-you're my everything that I want in my life." Sabi nya at pumiyok narin ang boses nya, nakita korin ang pag tulo ng mga luha nya, at nasasaktan akong makita syang nag kakaganyan.

" I understand you, peding magalit nga ako at iwan ka, kasi sino ba namang matinong mag iistay pa pag nalaman na ang totoo?." Sabi ko, pansin ko ang pag yukom ng kamao nya.

" Pero sana sa simula palang nag pakatotoo kana, dapat tanggap mo ang sarili mo dahil ikaw naman ang gumagawa nan, Oo peding hindi kita tanggapin, pero wala namang perpektong tao, wala akong karapatan para hindi ka bigyan ng pag kakataon na patunayan ang sarili mo, dahil ang pagiging hindi totoo ang pinaka ayaw ko." Sabi ko kaya napa tingin sya sakin, naiiyak din ako kasi umiiyak parin sya, nadadala ako.

" Kaya wag kanang umiyak, dahil wala akong balak na iwan ka dahil lang sa pag katao mo, gagawin ko ang gusto ko kahit sabihin pa ng iba na mali." Sabi ko, pinunasan ko ang luha nya at kinapitan ang dalawang pisngi nya, ngumiti ako.

" Diba nga, pag mahal mo tanggap mo? Siguraduhin molang na nasa makatwiran parin ang gagawin mo." Sabi ko, niyakap nyako at sinubsob ang muka sa leeg ko.

" I'm really sorry, I'm such a coward.."

" Shh.. tumahan kana, hindi nanga kita iiwan diba?."

" Sorry."

The Destroyer King 2(4D)Where stories live. Discover now