Chapter 57.

7 2 0
                                    

RED POV.

Naka upo ako dito sa sofa, may iniintay akong tao, wala si Decker ngayon, nasa company, may inaasikaso sya..

Hindi nyako pinapalabas at delekado daw, kaya pinapapunta ko nalang dito yung taong hindi na nag paramdam matapos ang huling usap namin..

" Lady Red, may nag hahanap po sayo." Sabi ng tauhan ni Decker, ngumiti naman ako.

" Papasukin mona."

" Pero.. alam napo ba to ni Master?." Alanganing tanong nya..

" Akong bahala sa Master nyo, mag tiwala ka sakin." Ngiting sabi ko, kahit nag aalangan sya ay tumango narin sya at umalis na.

Nag hintay lang ako ng ilang sandali at narinig kona ang yabag ng paa papalapit sakin.

" Kamusta naman?." Tanong ko at tiningnan sya, naka tigil nasya sa gilid ko, hindi ko mabasa ang iniisip nya, pero kakaiba ang tingin nya, na para bang may gusto syang sabihin.

" Hindi kaba nangangalay? Maupo ka kaya." Sabi ko, napa buntong hininga sya at iwas ang tingin na naupo, ramdam ko ang bigat ng pag hinga nya kaya hindi nako nag alin langan na mag tanong.

" May problema ba?." Tanong ko, kating kati nako na tanungin sya kung ano ba talagang nangyare sa kanila matapos ang huling usap namin.

" Red.. kasi.." Nahihirapan na sabi nya at napilitang tumingin sakin..

" Ano bayon?."

" May problema kasi, hindi kona dapat sabihin to pero kailangan." Sabi nya, ano ba kasi yon? Ayaw pakong diretsuhin.

" Sabihin mona."

" N-nasa hospital si Kudos." Sabi nya kaya nanlaki yung mata ko, napa tayo narin ako sa gulat.

" Ano!?."

" Red humin___."

" Sinong may gawa sa kanya non!?."

" Red___."

" Si D-decker ba?." Sabi ko, si Decker kasi talaga ang unang pumasok sa isip ko, sya kasi ang alam kong pedi gumawa nito lalo na ng marinig kong nag kakagulo nung mag kausap kami ni Karl.

" Please Red, makinig ka, huminahon ka muna." Sabi nya, inis akong naupo, nag aalala ako sa lagay ni Kudos..

" Critical ang lagay ni Ku___."

" Critical!? Putang ina___."

" Red makinig ka muna!." Inis na sabi nya.

" Fine."

" Maraming bala ang natamo nya, kung hindi ako umabot baka wala nasya." Sabi nya, sumikip ang dibdib ko sa nalaman ko, kasi para kona silang kapatid, hindi ko kakayanin kung sakaling makita ko ang lagay nya ngayon.

" Wala pasyang malay, hindi namin alam kung kelan sya gigising, pero bago sya mawalan ng malay, m-may huli syang sinabi." Sabi nya at huminga ng malalim, kinapitan nyarin ang kamay ko.

" A-ano yun?."

" Sabi nya, Mag iingat kadaw, wag kadaw basta mag titiwala sa mga taong nakapaligid sayo, dahil hindi lahat ng nakikita mo totoo." Sabi nya, bigla akong nangilabot.

" A-anong ibig sabihin non?." Sabi ko.

" Hindi ko alam, pero alam kong may nalaman sya, wala tayong ibang magagawa kundi ang intayin syang magising." Sabi nito kaya tumango ako..

" Pero, sino ba talaga ang may gawa?." Kabang tanong ko.

" Kung iniisip mo na si Decker, nag kakamali ka, iba ang may gawa." Sabi nya kaya nag taka ako.

" E anong nangyare nung huling usap natin? Bakit hindi ka nalang nag paramdam? Tyaka bakit sumugod don di Decker?." Sunod sunod na tanong ko, napa iwas sya ng tingin.

" Ang totoo, maayos naman nakipag usap samin si Decker, kaso may tinatanong sya na hindi namin kayang sagutin, kaya nag wala nalang sya."

" Ano daw ba?."

" Kung.. kung may alam daw ba kami sa taong gustong pumatay sayo, o kaya naman may malalim na galit sayo para patayin ka, wala kaming maisagot kasi wala kaming idea kung sinong may kayang gawin yon maliban sa isa." Sabi nya, naka titig lang ako sa kanya, seryoso lang sya.

" Si Erick, sya lang ang alam namin, pero hindi kami sigurado kaya hindi namin sinabi, ayun nabugbog kami kaya nasa hospital kami, nahihirapan din kasi akong gumalaw kaya hindi nako makatawag pa sayo, pero.. naiintindihan ko si Decker kung bakit nya nagawa yun, gusto kanyang protektahan, kaya sana, kahit hindi mo maintindihan ang taong yon, intindihin mo nalang, para rin to sayo." Sabi nya at tumayo na.

" Red, may tiwala ako sa taong yon na kaya kanyang protektahan, kung hindi namin kayang gawin sino pabang gagawa kundi sya, Ramdam kong mahal kanya Red, kaya sana mag tiwala ka." Sabi nya.

" Karl.."

" Aalis nako, hindi ako peding mag tagal, gustuhin koman, pero hindi peding malaman ni Decker na nag kita tayo, magagalit sya." Sabi nya kaya tumango ako, kahit andaming tanong sa utak ko.

Ng maka alis sya pumunta na ako sa kwarto at nahiga, sino naman kaya ang gagawa non kay Kudos? At bakit ganon nalang yung pag titiwala ni Karl kay Decker? Anong ginawa ni Decker para masabi yon ni Karl? Hindi naman sa nag dududa ako na hindi ako kayang protektahan ni Decker, pero nakakapanibago kasi si Karl..

Napa hinga ako ng malalim at tumayo, sumilip ako sa bintana at naka tingin sa langit, nag aalala ako sa lagay ni Kudos, gusto kosyang puntahan, gusto kosyang makita, pero iniisip ko palang ang itsura nya nasasaktan nako, baka maiyak nalang ako don.

Napa tingin ako sa may gate, nakita ko ang naka tigil na kotse, nangunot ang noo ko ng makita si Decker na bumaba kasama ang isang babae, sino yon?

Pinag masdan kolang sila, biglang uminit ang ulo ko ng kinapitan ng babae si Decker sa braso..

Parang nakita kona yang babaeng yan, saan konga ba nakita yan? Sure akong nag kita na kami..

Nag paalam na yung babae at umalis, bumalik ako sa kama, bakit nya kasama ang babaeng yon? Wala naman syang secretary, kaya sino yon?

Naka upo lang ako sa kama, malalim rin ang pag hinga, ayoko na sanang isipin yung kasama ni Decker dahil nag aalala ako kay kudos, pero hindi ko kasi maiwasan na di yun isipin.

" Baby." Tawag ng bagong pasok at yumakap sakin, kahit napipilitan ay ngumiti narin ako at niyakap sya.

" Kamusta? Napagod kaba?." Tanong ko.

" Hindi naman." Sabi nya, bakit? Dahil kasama mo yung babaeng yon?

" Buti naman." Sabi ko, tiningnan nya ako at tinitigan sa mata..

" Baby.."

" Hmm?."

" Pakasal na tayo." Sabi nya kaya namula ako, bahagya kopang hinampas ang braso nya.

" Mag tigil kanga."

" Bakit? Ayaw moba?."

" H-hindi naman sa ayaw ko, nabigla lang ako." Sabi ko, ngumiti naman sya at hinalikan ako sa pisngi.

" Pero kung aayain na kita, papayag kaba?."

" Dipende." Sabi ko kaya napa simangot sya..

" Pakiss nanga lang." Sabi nya at ngumuso pasya, napa ngiti nalang ako at mabilis syang hinalikan.

" Mag pahinga kana muna."

" Tabihan moko." Sabi nya..

" Oo na." Sabi ko kaya excited syang humiga at nag sign na yumakap ako sa kanya, napa iling nalang ako at yumakap narin..

" I love you.." Sabi nya at hinalikan ang ulo ko.

" Mahal rin kita."

The Destroyer King 2(4D)Where stories live. Discover now