Chapter 85.

5 3 0
                                    

THIRD PERSON POV.

CONTINUE OF FLASHBACK..

Kasalukuyang nasa court sila Red dahil P.E time nila ngayon, nakaupo sila at nag papahinga, mapapansin rin na iwas na iwas ang tao sa kanila dahil narin sa nangyare nung isang linggo.

" Teka.. Yan si Commander diba?."

" Anong ginagawa nila dito? Mag kaiba ang P.E time natin sa kanila."

" Sino kayang pakay nila?."

" Obvious ba? Hindi nyoba nabalitaan yung nangyare?."

" Ingay nyo, marinig nila tayo e."

Naka tingin lang sila Red sa mga taong nadaan, dahil sa dami nila ay hindi nila matukoy kung sinong commander yung tinutukoy ng mga estudyante.

Komportableng naka upo si Red at walang pake sa nangyayare, pero ng tumigil ang lalaki sa harapan nilang tatlo ay napa tingin sya.

Nag layuan rin ang mga estudyante at yung iba lumabas, humawi ang mga ito at ngayon nakita nya ang nasa gitna na lalaki, hindi ito naka uniform pero alam nyang dito rin ito nag aaral, dahil walang sino man ang makakapasok dito kundi mag aaral lang dito.

" Teka.. naaalala ko kayo ah, kayo yung kasama ng lalaking na hospital." Sabi ni Kudos habang tahimik naman sila Red.

" Tama ka, at mag babayad kayo ngayon." Ngising sabi nito, kapansin pansin dito ang mga bandaid nila sa muka.

Lumapit naman yung lalaking hindi naka uniform sa kanila, tumigil ito sa harapan ni Red na ngayon ay naka tingin ito ng bored sa kanya.

" Ikaw siguro ang tinatawag nilang Rose Queen." Sabi nito pero hindi nag salita si Red at tumingin ito sa ibang direksyon, natawa naman yung tinatawag na commander.

" Tama nga sila, para sa isang babae, anlakas ng loob mo." Sabi nito, napa hinga ng malalim si Red at inayos ang upo, hinarap nya ito at nag cross arm.

" Sa palagay ko ikaw si Commander." Pag katapos nya itong sabihin ay bigla nalang itong natawa, tawang tawa kaya nangunot ang noo ng kaharap.

" Bakit ka tumatawa?."

" Hindi ba Obvious? Commander? Hahaha.. kahit sino matatawa, bakit? Ang salitang commander ay ibig sabihin kaya mong kontrolin lahat, Tama ba? Lahat ng gusto mo masusunod? Magandang sabihin na little commander ka, bagay sayo pati sa hight mo, lahat ng yon, pang immature, kaya sinong hindi matatawa?." Ngising tanong ni Red na ikina inis naman nito, agad syang hinawakan ng dalawang kaibigan nya para pigilan.

" Wala kang kaparatan na insultuhin ako, Hindi moba ako kilala?."

" Erick the little commander." Diretsong sabi ni Red na ikinatawa ng ibang nasa paligid, pero agad ring tumigil ng makitang galit na si Erick.

" Sa tingin moba magandang pangalan na tawagin kang Rose Queen? At bakit? Hindi naman mabulaklak ang kalooban mo, kaya paanong___."

" Gusto mobang malaman kung bakit Rose Queen? Sa palagay ko hindi mo alam." Sabi ni Red..

" Ano nga ba?." Tanong nito, napa ngisi naman si Red..

" Mas mabuting wag monang alamin, delekado kung malalaman mopa."

" Mayabang ka talaga."

" Hindi kayabangan ang pag sasabi ng totoo, kaya kong patunayan, pero lahat ng pinapatunayan ko ay binibigyan ko ng dahilan para ipakita." Ngising sabi nito, halatang nauubusan na ng pasensya si Erick dahil sa mga sinasabi nito.

" Red, hindi magandang magkagulo dito, si Erick ang kaharap mo." Mahinang sabi ni Karl na mas nagpangisi kay Red.

" Yun nga ang dahilan, si Erick ang kaharap ko, diba bastos na hinarang tayo ng mga tauhan nya? Pinapapunta nila tayo dahil gusto tayong makita ng Erick nato, at tingnan mo, ngayon nandito na sila sa harapan natin, na dapat ay tayo ang pupunta pero sila ang pumunta, matatawag pabang commander ang isang yan kung may taong hindi naman nya kayang pasunurin?." Sabi ni Red at binigyan ng nakakalokong tingin si Erick, sa inis ni Erick ay kinwelyuhan nya si Red dahilan para maalarma yung dalawa.

" Erick!." Pigil ni Karl at Kudos.

" Kahit babae kapa, papatulan kita."

" Kahit lalaki kapa, hindi kita aatrasan." Ngising sabi nito na mas lalong ikina inis ni Erick, walang nababakas na takot sa muka ni Red, at makikita sa muka nilang dalawa na handa sila sa maaaring mangyare.

" Tingnan natin hanggang saan yang pinag lalaban mo." Sabi ni Erick at sinapak si Red dahilan para mahulog ito.

Handa na sanang tulungan nila Karl at Kudos si Red ng mag sisugod na ang tauhan ni Erick..

" Hahaha!." Tawa ng malakas ni Red, mas lalong nainis si Erick dahil hindi ito tumitigil sa pag tawa, pero nag tataka sya dahil nagagawa pang makatawa ni Red matapos nya itong suntukin, yung suntok na mag papatumba agad sa isang tao, pero ngayon ay tumatawa pa ito sa harapan nya.

" Natatakot kana ba? Kaya dinadaan monalang sa tawa?." Ngising tanong nito, pinunasan ni Red ang dugo sa labi nya at ilong, tumayo ito..

" Masasabi kong ikaw na ang may pinaka malakas na suntok dito, pero kaya moba ang suntok na mas malakas pa sakin?." Tanong nito at mabilis na nakalapit kay Erick kasabay ng malakas na sikmura dito, dahil don ay napatalsik ito at napa gulong sa simento.

" Boss!." Tawag nito, tutulungan sana ng iba pero hinaharang nila Karl at pinapatumba.

Sa pag kakataong ito, si Erick naman yung tumawa at umupo, may dugo ring dumaloy mula sa bibig nya.

" Aminado akong malakas kang sumuntok para sa isang babae, halos hindi ako naka hinga." Sabi nito at dahan dahang tumayo.

" Kung kaya mong tumalo ng marami, mas marami ang kaya ko, hindi moko kilala, kawawa ka dahil iisa kalang, mabubuhos lahat ng kalahati kong lakas."

" Ano? Kalahati? Somosobra na yata ang kayabangan mo, tandaan mo, babae kalang!."

" Hindi kopa nakikita ang taong tatalo sakin, at hindi kailan man magiging ikaw yon, dahil mahina ka.." Sabi ni Red, agad na sumugod si Erick.

Umiwas si Red sa suntok nito pero sinabayan nya ng suntok sa muka, halata ang pagkahilo ni Erick, at base sa itsura nya muntik nasyang mawalan ng malay.

Ngumisi ito at hindi pinansin ang naramdaman, mabilis nyang sinugod si Red at sa pag kakataong to, nagawa nyang masikmuraan si Red kaya namilipit ito, pero hindi mababakas ang sakit sa muka nito, dahil naka ngisi pasya.

" Hindi na masama." Sabi nito.

The Destroyer King 2(4D)Where stories live. Discover now